CHAPTER 2.2-DO I KNOW YOU?

1020 Words
Nang sumunod na araw ay mas naging parang mga estranghero sila sa isa't isa. Dahil siya na mismo ang unang umiiwas tuwing tatangkain ng papa niya na kausapin siya. Habang tumatagal kasi na nakikita niyang masaya ang papa niya kapiling ang ninang niya ay mas umuusbong ang galit niya sa kanyang dibdib na hindi niya kayang pigilan. Bakit ba kasi kailangan pang palitan ni papa sa puso niya si mama? Bakit ang ninang pa niya ang ipinalit nito? Iyan ang mga tanong na laging nasa isip niya na hindi niya alam kung kailan masasagot. Ayaw niya kasing kausapin ang papa niya tungkol dito dahil baka mas lalo lang siyang masaktan sa kanyang maririnig. Nakaupo lang siya ngayon sa upuang malapit sa bintana ng kanyang kuwarto habang nakatingin sa papadilim na kalangitan. Katatapos lang niya mag-check nang maikling sanaysay ng kanyang mga estudyante kaya nagpapahinga na lang siya ngayon para maibsan ang sakit ng kanyang ulo mula sa mga tsinekan niya. Napapailing na lang siya dahil may ilang estudyante pa siya na di pa marunong bumuo nang maayos na pangungusap kahit na sa ikaanim na baitang na sila. Mayamaya ay may narinig siyang tunog ng paparating na sasakyan na mukhang papasok sa kanilang bahay. "Sino naman kaya ngayon ang bisita ni papa?" inis na wika niya. Nagmamaktol na tumayo siya para silipin sa bintana kung sino ang dumating ngunit hindi niya nakita ang mukha nito. Ang alam niya ay lalaki ang bisita ng papa niya at mukhang hindi nalalayo ang edad sa kanya. "Mukhang may bagong manggugulo na naman sa tahimik naming pamumuhay," dagdag pa niyang sabi habang magkasalubong ang kanyang mga kilay. "Chastain... Anak may bisita tayo sa baba. Baka puwedeng bumaba ka muna para i-entertain siya," nakangiting sabi ng papa niya sa kanya. Nawala bigla ang kunot sa kanyang noo nang makita ang masayang awra ng kanyang ama. Kaya tumingin na lang siya sa ibang direksyon. "Haist...tingnan mo 'tong si papa. Gagawin pa akong entertainer ng bisita niyang lalaki," nakasimangot na bulong niya sa kanyang isip. "Sige pa susunod na lang ako," pilit ang ngiting wika niya. Agad niyang itinabi isa-isa ang mga gamit niya bago bumaba. LIMANG taon ding nawala si Jovan sa Pilipinas para magtrabaho sa ibang bansa bilang isang matagumpay na Engineer doon. "It's good to be back in the Philippines. Salamat nakita ko na ang langit dahil may anghel na mukhang bumaba mula roon upang salubungin ako," malakas na sabi niya para marinig ng dalagang pababa ng hagdan. Ngunit napagpasyahan niya ng bumalik sa kanyang sariling bansa para humanap ng kanyang mapapangasawa dahil hindi na rin naman siya bumabata at bukod pa roon ay may iba pa siyang dahilan. "Sino naman 'yan papa? Parang ngayon lang ata nakakita ng tao kung makaasta," inis na wika ng dalaga habang matalim ang mga matang nakatingin sa lalaking kadarating lang. "Hindi mo na ba siya kilala anak? Si Jovan 'yan, pamangkin ng ninang mo na kalaro mo palagi noong mga bata pa kayo at uhugin pa." "So, tito siya na pala si Chastain na mahilig sa tsokolate at may napakalusog na pisngi? Hindi ko siya nakilala kasi sobrang gumanda siya ngayon kaso sumungit nga lang. Malayong-malayo sa dating iyakin na kalaro ko noon," wika niya habang malapad ang ngiti sa kanyang mga labi at inaalala ang nakaraan. Nakita niyang nanlaki ang mata ng dalaga dahil siguro sa kaguwapuhang taglay ko. Kaya kinindatan niya ito ngunit inirapan lang siya. 'yon pa naman ang trip niya sa mga babae. Pa-hard to get. Ayaw niya sa mga babaeng nakilala niya sa Canada na kulang na lang ay maghubad sa harap niya para lang mapansin niya. "Hoy ang kapal mo namang kindatan ako! Anong palagay mo sa akin, easy to get na babae?" Inis na sabi niya. Unti-unting namula ang mapipintog nitong pisngi na bumagay sa hugis puso nitong mukha dahil siguro sa kaguwapuhan niyang taglay. "Ikaw naman Chastain. Hindi ka na mabiro. Na-miss ka lang naman ng dating kalaro mo," nakangising sabi niya pa sa dalaga. "Tito, hindi niyo naman sinabi sa akin na naging leon na ang dating pusa kong kalaro," dagdag niya pa na mukhang mas lalong kinainis ni Chastain. Nakita naman niyang nangingiti ang kanyang tito dahil sa pang-aasar na ginagawa niya sa dalaga. Habang ang tita naman niya ay mukhang abala na naghahanda sa kusina ng mga pagkain. "Kanina ka pa ha! Nanggigigil na ako sa 'yo! Parang gusto na kitang sipain sa mukha para bumalik ka na sa pinanggalingan mo," tiim-bagang na sabi pa nito habang nakakuyom ang kamay na nakatingin sa kanya. Mukhang naging amazona na itong kababata ko. "Naku Chastain na-miss ka lang ni Jovan kaya ganyan. Sakyan mo na lang pang-aasar niya sa 'yo. Alam mo namang kararating lang niya mula sa ibang bansa. Ipakita mo naman ang hospitality na meron ang pamilya natin," nakangiting sabi ni Tito Dion sa anak niya. Nakita niyang tumango ito, at di na nagsalita pero matalim pa rin ang tingin sa kanya. Mabuti na lang ay hindi nakamamatay ang tingin kung hindi ay kanina pa siyang nakabulagta sa harapan ng mga ito. "Wrong move Jovan. Mukhang nainis mo ata ang magandang dalaga," kastigo niya sa kanyang sarili habang nakatingin sa bawat galaw nito. Habang tinitingnan ang paligid ng bahay nina Chastain ay naisip niyang walang masyadong nagbago sa itsura ng bahay nito. Tanda niya noong limang taong gulang pa lang sila ay mahilig na silang maglaro sa garden kung saan may tree house na palagi nilang ginagawang bahay-bahayan o minsan naman ay sa garden mismo na may swing at slide. Tanda niya ang mga masasayang araw na naglalaro pa sila. Kaya nga lang simula noong nag-migrate ang family nila sa ibang bansa noong labing tatlong taong gulang siya ay palagi na lang sa Whattops sila nag-vi-video call pero makalipas ng limang taon ay naging abala na sila sa kani-kanilang buhay estudyante. Wala na kasi siyang ibang maisip na paraan kung paano niya makakausap ang dalaga kaya dinadaan na lang niya ito sa pang-aasar. Sa nakikita niya kasi ngayon kay Chastain ay mukhang mahihirapan ata siyang ligawan dahil ibang-iba na ang ugali nito noon sa ugali nito ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD