Kate Pov: Nandito na ako sa room at iilan palang kaming nandito ng mga kaklase ko. Mabilis ang naging takbo ng araw at nakakadalawang buwan na ako sa school. Masaya naman at napapag-sabay ko ang pag-aaral at pagta-trabaho sa mansyon. Meron narin akong mga nakakasundong kaklase dito pero yung iba ay hindi pa masyado dahil mukhang ayaw nila akong maging kaibigan dahil naiiba ang estado ng buhay ko sakanila. "Goodmorning Kate." bati ni Darren na bagong dating lang ngayon. Basa-basa pa ang kanyang buhok at dahil doon ay mas lalo siyang gwapo. Oo,naga-gwapuhan ako sa kaibigan kong si Darren..naging crush ko nga rin siya eh kaso dati nalang yun. Ang dami kasing nagkakagusto sakanya sa campus kaya nag-back out na ako. At tsaka may iba na akong gusto. "So class may gagawin kayong reporti

