Chapter 2

964 Words
Kate Pov: Maaga akong nagising dahil ngayon na ang simula ng trabaho ko sa mga Villafuerte. Sinuot ko ang unipormeng binigay sa akin ni Tita dahil ito daw ang isinusuot dito ng mga katulong. Sinimulan ipaliwanag sa akin ni tita ang mga bagay bagay dito sa mansyon kesyo wag daw akong pumasok basta basta sa kwarto ng magkakapatid na Villafuerte dahil ayaw na ayaw daw nila yun at kung ano-ano pa. Sa sobrang laki ng Mansyon na ito ay tiyak na maliligaw ka talaga lalo na at isa pa akong baguhan. Mag-isa lang akong nagikot-ikot dito sa Mansyon gusto pa nga ako samahan ni Tita kaso ang sabi ko lang ay huwag na dahil kaya ko naman ito. Napunta ako sa second floor ng mansyon at may parang may nariring ako na tunog ng isang piano sa bandang dulo nitong mansyon,kaya unti-unti kong sinundan ang tunog hanggang makarating na nga ako sa harapan ng pintuan nito. Masyadong maganda at bakas mo ang sakit habang tinutugtug niya ang bawat pyesa sa kanyang piano. Dahil narin sa curiousity ay sumilip ako sa pintuan na nakabuka ng kaunti.Nakita ko ang isang bulto ng lalaki at halata sa kanyang katawan ang pagkamakisig dahil narin sa malaking pangangatawan nito. Dahil sa sobrang ganda ng kanyang musika ay umupo ako sahig malapit sa pintuan at pinakinggan lamang siya, "mamaya nalang siguro ako babalik sa baba saglit lang naman ito eh"sabi ko sa sarili. Sobrang nawili ako sa pakikinig sakanya kaya diko napansin na huminto na pala siya sa pagtugtog at ngayon nga ay nakatingin na sa akin ng masama,hindi ko alam na nakikita niya pala ako! patay na ako nito! saad ko sa sarili Dahil sa pagkabigla ay bigla akong napatayo at pinagpapawisan ng malamig habang nakikita ko siya na papalapit na sa akin at sobrang dilim ng awra na akala mo ay kayang pumatay ng tao. "Who the f**k are you?!" bulyaw niya sa akin kaya bigla akong napaigtad at napatingin sa mukha niya. Ang gwapo niya ang tangos at ang pula ng labi,yung kilay niya ang kapal parang ang sarap hawaka- "Miss! I said who are you?! and what are you doing here?! are you deaf or what?!" bulyaw niya kaya natigil ako sa pagnanasa sa mukha niya,yakk bat ba pinupuri ko pa ang gungung na ito kakasimula ko palabg ay mapapatrouble nanaman ata ako. "a-ah sir, so-sorry po ako po yung bagong katulong di-dito" sabi ko habang nakayuko,ramdam ko ang matalim na pagtingin niya sa akon at diko kayang salubungin iyon dahil nakakaintimidate ang awra niya,first time ko lang ito maranasan sa lalaki at mukhang sa amo ko pa...jusko naman kate ang bata mo pa para dyan sabi ko sa sarili. "Diba nila sinabi sayo na off-limits ang mga kwarto dito? damn! sa susunod na pumasok o kahit na sumilip ka dito ay dimo magugistuhan ang gagawin ko sayo." nagtitimping sabi ng gwapong lalake kaso masungit at pagkatapos ay nilagpasan ako na parang wala lang. Napahawak ako sa dibdib ko,grabe ang kaba ko doon ah..sana naman ay diko na siya makita ulit sabi ko sa sarili na alam ko namng imposible dahil nasa iisang mansyong lang kami kahit na sabihng napakalaki nito. Bumalik na ako sa baba at naisipang tumulong dahil nakakahiya at parng bahay ko ito kung makapaglibot ako. Pagbaba ko ay nakita ko si Tita sa kusina at mukhang may niluluto. "Tita ako na po dyan" sabi ko at kinuha ang mga gulay at nagsimulang hiwain ang mga ito. "Kate iha,san ka ba nagsusuot at natagalan ka ata,naligaw ka ba dito sa mansyon?" tanong ni tita habang siya ay abala sa paghuhugas ng plato. "Ah eh hindi naman po ako naligaw,nawili lang po ako sa paglilibot dito sa mansyon hehe." sabi ko ng may pagaalinlangan kasi pag nalaman no tita na unang araw ko sa trabaho ay nakagawa agad ako ng mali ay baka pagalitan ako nito,kaya diko nalang sinabi. "Nga pala Kate nakita mo na ba ang Ser Rashley mo?" tanong ni tita "Ay hindi pa nga po eh,kelan niyo po ba siya ipapakilala sa akin para sa ganun ay masimulan ko na ang totoong trabaho ko dito at iyon ay ang pagsilbihan siya." sabi ko naman "Oh sige pagtapos natin dito sa pagluluto ay ipapakilala kita kay Ser Rashley mo." sabi naman niya at ibinalik na ang pokus sa ginagawa at ganun din ako. Bandang tanghali narin kami natapos sa pagluluto at ngayon nga ay inaayos na namin ang hapagkainan ng mga Villafuerte at ang sabi pa ni tita ay ipapakilala niya daw ako sa magiging tunay na amo ko dito. Kinakabahan ako dahil masungit nga daw iyon diba,baka diko kayanin at sukuan ko ang ugali nun pero hindi pwede at kakasimula ko palang dapat positive lang! Naunang bumaba si Mam Rosi sunod ang anak nito na diko naman kilala at sumunod ang lalaking gwapo na masungit na nakita ko kanina at sinigaw-sigawan ako at minura pa. Napatingin siya sa gawi ko at ang tingin niya ay nakakapatay,ako na ang nag-iwas ng tingin at tumayo sa tabi para hintayin kung may iuutos sila. "Ah Mam Rosie pede po bang ipakilala natin si Kate kay Ser Rashley? dipa kasi sila magkakilala eh." sabi ni tita kay Mam kate kaya naman ay napayuko ako ng tignan ako nila Mam at kasama ang dalawang anak nito. "ofcourse manang." sabi ni Mam at ngumiti. Tumingin siya sa akin at dun sa masungit na lalake kanina pero gwapo. "Uhm Kate this is Rashley and siya yung tinutuloy ko sayo na aasikasuhin mo." sabi ni mam sakin kaya naman napatingin ako sa dun sa Rashley at nagulat ako ng makita ang ngisi sa labi nito. Bat ganern ang gwapo? ay kate magtigil ka nga! sinungitan ka nga diba! parang ewan na nakikipagtalo ako sa isip ko. "Rashley she will be your personal maid okay?be good to her." sabi ni mam kay Rashley pero ang kumag ay nakangisi ng parang aso. uh oh mukhang di maganda ang nararamdaman ko sa isang to ah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD