CHAPTER 2: Crush

1541 Words
CHEN'S POV Chenille Della Sella o kilala ako sa pangalang Chen dahil malambing bigkasin, kapag binabanggit na ng mga magulang ko ang aking buong pangalan ay alam kong galit na sila sakin. Katatapos ko lang magaral ng college ngayon dito sa Italy, 25 years old at pinag-aral ng aking mayamang lolo na isang Italyano. Masasabi kong swerte ako sa buhay dahil pinanganak akong mayaman dahil isa akong Della Sella. May negosyo ang lolo ko sa Italy at isa ito sa tinitingala sa kanilang industriya, meron din dito sa Pilipinas at ito ang Della Sella designs Corporation na kung saan gumagawa sila ng mga nagagandahang mga damit. Hindi nga lang hinawakan ng daddy Alessandro ko dahil mas pinili niya ang propisyon nitong maging pulis at isa na nga ito sa tinitingalang pinakamataas sa kapulisan. Ang aking mommy Alissa naman ay mas pinili ang aming pamilya kesa panghawakan ang negosyo. Ang daddy niya ay kasosyo ng lolo ko sa negosyo kaya may mana din ito sa kompanya. May kasosyo din sila na pinagkakatiwalaan nila ang siyang nagpapatakbo ngayon sa kompanya. Ang aking kuya Bryan naman ay mas piniling magsarili ng negosyo kesa makimana sa kayamanan ng aking lolo. Binigay sakanya ang malaking property ng aming lolo na siyang pinagpatayuhan niya ng kanyang resort at ang mansyon na tinitirhan namin ngayon. Makukuha lang niya ito kapag wala na ang mommy at daddy namin in short kapag deads na sila. Binigyan na din siya ng malaking pera para makapagsimula ng negosyo habang nagtratrabaho siya, at dahil masipag at madiskarti ang aking kuya ay isa na siya sa pinakamayaman sa lugar namin. At ako heto nagsisimula palang, kailangan kong matutunan lahat ang pasikot sikot sa negosyo dahil saakin lahat ipapamana ang negosyo ng aking lolo. Oh diba ang hirap maging tagapagmana dahil kailangan ko pa talagang pag-aralan lahat nakakapagod at masakit sa utak. Kaya hiniling ko muna sa aking grandparents na umuwi muna ng Pilipinas para doon magsimula at para na din makapagpahinga ang utak ko dahil napagod sa kakaaral. I graduated as a magna c*m laude sa akinh kursong Fashion designer, bakit ito ang napili ko? Dahil mahilig akong gumuhit ng mga damit at akma ito sa negosyo ng lolo ko sa Pinas. Para na din hindi na ako na ang mamamahala doon mas gusto ko kasing sa Pinas magtrabaho kesa dito sa Italy. Kasalukuyan na nga akong nakaupo sa lobby ng airport, hinihintay ko si kuya Bryan n dumating hanggang ngayon kasi wala pa. Biruin niyong nauna pang lumapag ang eroplano kesa sa pagdating niya, alam namam niyang galing pa siya sa probinsya hindi pa niya inagahan ang pagpunta dito. "Hello mom, asan na kaya si kuya hindi ko siya makontak", tanong ko sa aking mommy ng tinawagan ko siya. "Aba, dapat kanina pa riyan ah, maaga siyang umalis dito eh", sagot ng aking ina na nagaalala na din. "Wala pa po siya eh kalahating oras na akong naghihintay" "Sige hintayin mo nalang muna kapag wala pa eh tawag ka ulit ng ipasundo kita sa pinsan mo" "Sige po mom, salamat" At pinatay ko na nga ang tawag, nakakainip ang maghintay, pagod na nga sa byahe tapos mapapagod pa akong maghintay, hayst kuya talaga ohhh. Maya't-maya ay nagring na ang cellphone ko, nabuhayan ako ng dugo ng makitang si kuya Bryan ang tumatawag. "Hello kuya asan kana ba ang tagal mo naman", paninirmon ko sakanya. "Sa labas na nakikita na nga kita eh, halika na" Agad kung kinuha ang aking mga maleta at tinungo ang exit ng airport, natanaw ko na si kuya na kumakaway sakin. Nakangiti ako sakanya at ng makapaglapit kami ay yinakap namin ang isat-isa. Miss na miss ko si kuya, kahit ganun na binubully niya ako at laging inaasar ay mahal na mahal ko siya. He's my half brother, anak siya ni daddy sa nauna niyang asawa. Ng mamatay ang mommy ni kuya ay nag-asawa ulit ang daddy at iyon ang mommy ko. Pero kahit ganun ay tinuring siyang tunay na anak ni mommy at ganun din si kuya. Masasabi ko ding swerte ako na may kuyang kagaya niya kasi siya ang tagapagligtas ko at laging nagtatanggol sakin. "Kumusta na ang babysister ko?", saad ni kuya at saka ginulo ang buhok ko. Nakasanayan niyang gawin iyon, ang guluhin ang buhok ko at saka niya aayusin. "Hindi na ako baby kuya, tignan mo Im pretty much now diba", sagot ko. "Pretty much ka diyan ang pangit mo nga eh" "Kuyaaaa" Naiinis na ako sa kanya kasi nagsisimula na namang mang-asar. "Ano nga kumusta kana?" "Okay lang naman kuya, nakakapagod pala sa Italy nuh" "Sabi mo pa, lalo na kapag kasama mo sina lolo at lola nakuuu hindi ka makakagala" "Kaya nga eh" "Ano may boyfriend kana doon?" "Boyfriend? Paano ako makaka boyfriend doon eh may bodyguard ako mula school hanggang bahay" "Good, mabuti tumupad si lolo sa usapan" "Anong usapan kuya?", nagtataka kong tanong. "Wala, halika na, akin na yang mga dala mo", saad ni kuya at saka na naglakad. "Kuyaaaa",habol ko sakanya. Hindi na niya ako pinapansin at binilisan pa ang paglalakad papuntang parking lot, hinahabol ko naman siya para pilitin kung anong sinasabi niyang usapan. Nakarating na kami sa sasakyan niya at kinukulit ko parin siya. "Kuyaaaaa ano nga kasi yung sina......" Hindi ko naituloy ang ang sinasabi ko kay kuya, biglang tumigil ang mundo ko ng makita ko ang isang lalaki ba bumaba mula sa sasakyan ni kuya at lumapit sa kinaroroonan namin. Lalaking kinasasabikan kong makita noon pa, lalaking pinangakoan ko sa sarili ko na pagbalik ko ay magiging akin siya. "Hi Chen", bati nito sakin at nakangiti. Nababaliw na ako sa ngiti niya, lalo na ng lumabas ang nag-iisang dimple sa kanyang kanang pisngi. Lalo pa siyang gwumapo, ang tikas ng katawan at kahit moreno ay may kakaiba itong appeal na tiyak na magugustuhan ng kahit sinong babae. Bakat sa kanyang fitted na damit ang kurba ng matipuno niyang katawan. Army cut ang kanyang buhok, malalim ang kanyang mapupungay na mata, mahahabang pilik-mata at makapal na kilay. Idagdag pa ang mapupula niyang labi na nanghahalina at masarap halikan. -Wowww- "Chen hi daw", pambubulabog sakin ni kuya. Ito namang kuya ko panira talaga ng moment kahit kaylan, ngayon na nga alng ako magmoment eh nang iistorbo pa. "H-hello k-kuya J-Jay", nauutal kong sagot kay kuya Jay. Ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko, ibang-iba ngayon kesa noong una ko siyang nagustuhan. Dahil siguro miss ko siya o dahil sa taglay nitong kagwapuhan ay humahanga lang ako. "Kumusta kana, dalagang-dalaga kana", sabik na sabi sakin ni kuya Jay at saka niya ako yinakap. Parang mapipigtas na ang aking hininga ng yakapin niya ako, naramdaman ko ang katigasan ng kanyang katawan. Siguradong busog ito sa pag eexercise, ang sarap sa pakiramdam ang yakap niya. Pero hindi yun nagtagal at sayang lang dahil saglit lang akong yinakap, parang hindi naman ako namis nito. "Okay lang kuya, ikaw kumusta kana?" nakangiti kong tanong sakanya. "Okay lang din, welcome home", sagot niya. "Hoy Chenille" sabad ni kuya Bryan. "Mabuti pa si Jay kinumusta mo, ako bakut hindi hah" "Sorry naman, kumusta kana kuya ko", malambing kong sabi kay kuya Bryan. "Okay lang, ikaw talaga kinakalimutan mo ako ha, porke ba..." Pinanlakihan ko ng mata si kuya para hindi ituloy ang sasabihin, alam ko na kasi ang karugtong nun at nakakahiya kung itutuloy pa niya. Mukhang nagets naman niya at napangisi pa sakin. "Porke ba nalate ako ng dating magtatampo kana?", bawi ni kuya Bryan. "Abaaa dapat lang na magtampo ako sayo pinaghintay mo ako eh", saad ko. "Sorry na, sorry na babysister" Yinakap ako ni kuya habang ginugulo ang mga buhok ko, ganito siya maglambing kaya hinahayaan ko nalang. Napapailing naman si kuya Jay sa amin at saka na niya pinasok ang mga dala kung maleta at bag sa trunk ng sasakyan. Saka na siya pumasok sa driver's set upang paandarin ang sasakyan, naiwan naman kami ni kuya aa labas. "Siya ang dahilan kaya ako nalate, sinundo ko pa sa trabaho para isama dito", sabi ni kuya Bryan. "Bakit mo pa kasi sinama?", tanong ko. "Surprise ko siya sayo, alam ko namang miss mo na siya eh", natatawang sagot ni kuya. "Baliw ka talaga kuya, nakakainis kana ha" "Sus kunwari kapa eh kinikilig ka nga nung nakita mo siya" Hindi ako nakasagot sa sinabi ni kuya, kilala kasi niya ako kaya hindi ko maitatago sakanya ang expression ko nf makita ko si kuya Jay. "Gwapo na niya nuh", sabi niya ulit. Umiling ako pero nakangiti ang mga labi ko, bagay na pinagtawanan ako ni kuya. "Anooo ba kuyaaa" "Pahalata ka kasi masyado eh hahaha" Pinalo ko siya sa braso dahil nangaasar na naman, natigilan lang siya sa kakatawa ng bumusina si kuya Jay para sumakay na kami. Kanina pa pala ito naghihintay at hindi na namin napansin, kung anu-ano kasi ang sinasabi ng kuya ko eh. Sa backseat ako naupo at sa unahan si kuya Bryan, napagod daw ito sa pag drive kanina kaya si kuya Jay muna ang driver namin. Hindi ako makapaniwala na pag-uwi ko dito sa Pinas ay mukha agad ni kuya Jay ang nakita ko. Ito namang si kuya Bryan ay sobrang supportive sinama pa niya talaga ang best friend niya bagay na kinatuwa ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD