~~~~~~~~ Pabalik balik sa loob ng kanyang silid si Monina at hindi mapakali sa kanyang nalaman. Malakas din ang t***k ng puso niya na para bang naubos niya ang lahat ng tindang kape sa lahat ng tindahan sa kanilang lugar. Hindi niya alam kung saan siya ngayon magsisimula para alamin kung totoong balat ang nakita niya sa may puwetan ng babaeng mahal. Nakapamewang siyang nakaharap sa monitor at nakatitig sa picture ni Angel na may balat. Hindi naman kasi pinakita dun sa picture ng bata kung anong hitsura ng balat. Sinabi lang naman kasi doon na may balat sa puwet at dimple daw. "Paano ko kaya matanong si babymine kung...kung may balat siya sa puwet? Hmmm..." muli na naman siyang nagpalakad lakad. Then she heard a light knock from her bedroom door made her stopped from walking ba

