Chapter 3
"Friend nasan kana ba?". Inip na tanong sakin ni Fred.
"Andito na sa Lift wait lang. Excited??? " sarcastic na sabi ko.
"Wow at ikaw pa tong may ganang magtaray Ms. Architect huh!? Nakakahiya naman sayo". Mataray na sabi nito.
"Haha sorry na Bakla ikaw naman di ka mabiro , may dalaw ka ba ngayon? ". Pang aalaska ko dito.
"wala ,nabitin lang ako sa ginagawa namin ni baby kanina kasi nga istorbo ka!!" inis na sabi nito habang nakatingin sa akin ng masama. Nakababa na kasi ako ng elevator na katapat kung san sya nagpag park ng Mercedes Benz nya.
"Don't worry I can be your baby while your driving". Malanding sabi ko dito at hinimas ko pa ang braso nito.
"ehhhhh kadiri ka" nangingilabot na sabi nito at nanginig nginig pa at parang diring diri na itinulak ako.
"Ang OA mo Wilfredo De Magiba ha" . Natatawa kong sabi dito ."Tara na nga bago pa kita tuluyang gahasain dito."
"Ikaw ang Magdrive , nangingilabot pa rin ako sa biro mo. Kilala kita 3 years ka ng tigang baka mamaya totohanin mo ang biro mo". Natatakot nitong hinagis sa akin ang susi ng sasakyan nya.
"HAHAHAHHAA Seriously? Bakla hindi tayo talo no? . But its my pleasure to drive this multimillion car". Abot ngiti kong sabi dito. "Lets Go !".
"JESUS CHRIST, Camille di pa ko nakakapagpagawa ng pem -pem , ayoko pang mamatay!. " Sigaw nito habang nakapikit at tila takot na takot.
"Ow hindi pa nga kita natitikman magpapagawa kana agad ng pempem? " Biro ko dito na ikinamulat nito at tinignan ako ng masama. Akmang magsasalita ito ng mg over take ulit ako sa isang SUV na nasa harapan namin tanaw na tanaw ko na ang Emerald Construction Corp. Kung saan kami nagtatrabaho ng baklang katabi ko.
"Camille please, drive slowly ". Nakapikit pa ring sabi nito. After few minutes narating na namin ang basedment ng building kung nasaan ang parking area.
"Ta**-**a mo !!". Bulyaw nito sakin dahil muntik na syang mauntog sa biglang pag park ko.
Natatawa ko itong binalingan. "Hey your still breathing , nothing to worry about my dear friend."
"f**k you! f**k you really hard Camille ". Patuloy pa ring mura nito.
"Hahahahaha" . Halakhak lang ang tanging tugon ko dito. He looked so pale , sobrang natakot ang bakla.
Bumukas ang lift na sinasakyan namin ni Bakla at may pumasok na mga kalalakihan. At first hindi ko sila tinapunan ng tingin dahil busy ako sa mahinang pagsuyo sa bakla kong kaibigan na mukhang nainis talaga.
"I've heard you already have an architect " . An old man said
"I like her design and based on my information she's one of the best . But we don't have yet any contact." That cold baritone voice .I know him . Yes I know him very well. I looked at the metal wall in front of that man.And by that I saw his reflection .The man who broke my heart 3 years ago.
"Well may I know whose that lucky architect? "
"She's architect Delos Reyes sir. " Nakangiting sabi nito sa matandang kausap.
Nanlalambot ang mga tuhod ko kaya feeling ko matutumba ako. napahawak ako sa railings ng elevator. Maging si Fred na nagtatampo sakin kanina ay inalalayan ako.
Bakit ba ang tagal makarating sa 15th floor nitong elevator na to.I feel so suffocated.Para akong nawawalan ng hangin sa katawan. Latang lata ako.
"Friend relax okay, show him na hindi ka na apektado. Hindi ikaw ang dapat kabahan .Sya ang dapat kabahan sayo. " Fred whispered at me.
"How? " halos walang lumabas na boses sa bibig ko. I bit my lower lip trying not to cry . Napayuko nalang ako dahil hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng luha ko.
"Is she okay? " Sean asked Fred with a concerned voice. That asshole tsk. As if he cares about me.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Fred trying to give him a signal na sabihing ok lang ako.
"Ye---yeah she's okay" bulol na tugon ni Fred na nagboses lalaki pa.
"You sure Ms.?" The old man asked me .
Tumango lang ako dito na hindi ito tinitignan. "Im okay sir , I just have a monthly period sir ". Pagsisinungaling ko dito.
" We're here." bulong sakin ni Fred. "Lets go!." Inalalayan pa ako ni Fred palabas ng elevator. s**t dito din ba sila sa 15th floor pupunta? tanong ko sa isip ko dahil naramdaman ko na lumabas din sila sa lift.
"I think you should bring her at the clinic . Mukhang sobrang nahihirapan na sya eh. " Sean said again with his concern voice.
"Gago anong alam mo sa nararamdaman ko?" gusto kong isigaw yon sa pag mumukha nya pero hindi ko naisatinig.
"Im fine,Sanay na kong nasasaktan " wala sa sarili kong nabanggit yon pero hindi na ako nag abala pang lingunin sya. Maski ako ay nabigla sa sinabi ko.
"Woooooah ang lalim non Architect ah". Nang aasar na sabi ni engineer Adrian.
Kahit wala hindi ko gusto ang lumingon sa likuran ko ay napalingon ako sa gawi ni Adrian. Kaya nakita ng dalawang lalaki na kasabay namin sa lift ang mukha ko.
"Ikaw pala yan Architect Delos Reyes " the old man said. Lumingon ako dito at binigyan ito ng pilit na ngiti. Mr. Aldwin Villaforte owner of Villaforte cruise company. Isa rin ito sa stocks holder ng Emerald Construction corp.
"Good afternoon Sir " Magalang kong bati dito. Hindi na ako nag abala pa na lingunin ang lalaki na kalapit nito.
"So ikaw pala si Architect Delos Reyes?" Sean asked me as if he didn't know me.
" Yes" Confident na sabi ko dito. Tama si Fred . Hindi dapat ako ang mahiya ,kundi ang lalaking ito sa harapan ko. Ako ang niloko . Ako ang sinaktan . Dapat sya ang mahiya.
"Babe!" Sigaw ng babae na kakalabas lang ng lift. "Im sorry .Kakatapos lang kasi ng shoot .Late na ba ako?" . Malambing na sabi nito at lumingkis sa batok ng herudes na si Sean at humalik sa labi nito.
Napaiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa .Nakita ko namang nakatingin sakin si Fred at si Engineer Reyes. They both know what happened to me 3 yrs ago. Maugong na maugong ang balita non sa kumpanya na hindi ako sinipot ng groom ko sa mismong araw ng kasal namin. Well Secret wedding lang naman sana ang magaganap pero walang ya nag viral ang video na kuha sakin nong gabing naglasing ako sa isang bar habang suot suot ko ang wedding gown ko. Ilang buwan ding kumalat at nag viral sa internet ang kabaliwang ginawa ko. Pasalamat na lang din ako at hindi ko nabanggit ang tunay na pangalan ng run away groom ko ,dahil kung hindi mas malaking iskandalo ang mangyayari sa buhay ko. Nasanay kasi ako na Kiel ang tawag sa kanya. (Sean Eksykiel Montevardo)
Kunti lang ang may nakakaalam kung sino ang Groom ko.Hindi naman kasi pwedeng i-public ang relationship namin. Naiintindihan ko kasi isa ang pamilya ni Sean sa mga nangungunang negosyante dito sa bansa at ako?. Isa lang naman akong kolehiyalang Barista . Of course hindi ako magugustuhan ng family nya. Pero wala eh, Im a fan of fantasy naniniwala akong hindi hadlang ang agwat ng pamumuhay basta mahal nyo ang isat isa. And as far as I remember naka arrange marriage na sya noon bago sya magpropose sa akin. Sabi nya hindi nya kayang pakasalan yong babaeng yon because he really loves me.At ako naman tong si tanga naniwala.
"Malalate na tayo sa meeting."Ani Adrian at hinila ako papunta sa meeting room.
"Hinga!'' Utos nito . Hindi ko namalayan na hindi na pala ako humihinga . Tinignan ko ito sa mata at nakita ko ang nakakaunawang tingin nito sa akin.Alam nyang si Sean ang run away groom ko. Isang beses kasi nahulin nya kami ni Sean na naghahalikan sa loob ng Cr ng Coffee shop na pinagtatrabahuhan ko noon. Hindi nya kasi napigilan ang selos nya kaya bilang punishment ko hinalikan nya ko . Dahil sa pag aakalang nakauwi na lahat ng customer hindi na sya nag abala pang isarado ang pinto. Kaya ayon nahuli kami ni Adrian don kasi ito madalas na tumambay noon habang nagrereview para sa Board exam nito.
Hindi ko napigilan na hindi umiyak at yumakap ako dito. Alam ko hindi kami close pero wala akong pakialam. I need a shoulder to cry on.
"inhale exhale , inhale exhale" sabi nito . "Hush now Camille " Malambing na sabi nito habang hinahagod ng marahan ang likod ko.
" ehemm". Napatigil ako sa pag iyak at pinunasan ang luha ko tinulungan din ako ni Adrian na alisin ang mga sumabog na buhok sa mukha ko. Sabay kaming napalingon sa lalaking umubo.
"You okay now?" Sean asked me.
"Stop asking me if Im ok ! Stop pretending that you still care about me" Mga salitang gusto kong isigaw sa kanya pero hindi ko magawa.
Sa halip na sagutin ito ay itinuon ko nalang ang atensyon ko sa mga gamit na gagamitin ko sa pag pepresent ko mamaya.
''Babe may problema ba?" Malabing na tanong ng Girlfriend nito kay Sean."Do you know her?"
"No! "Sagot nito sa girlfriend nya.
"Oh self please control your emotion" pakiusap ko sa sarili ko.
"I mean I know her name but I don't know her personally." Pagpapatuloy nito sa sinasabi .
I felt Fred's hand pressing mine. I know he just giving his sympathy and he's trying to give me strength.
"Am I late?". Lahat kami ay napatingin sa lalaking naka americana. He's a perfect example of perfection. Magmula sa perpektong panga nito, sa malalim at maganda nitong mga mata ,maging ang kilay nito na may katamtamang kapal ,at ang matangos nitong ilong ang natural na mapupulang labi nito. idagdag pa na may maliit itong nunal sa may bandang dulo sa ibaba ng mata nito na nakadagdag sa s*x appeal nito. Sinong hindi nakakakilala sa isang Lucas Montevardo. Sean's elder brother.
Sunod sunod din na pumasok ang mga board of directors ng company.
Teka lang hindi kaya mali ang napasukan naming room? takang tanong ko sa sarili ko.
"Take your seat everyone" ani Ms.Fajardo.Ang CEO ng Emerald Construction Corp.
"Based on your reaction.Maybe your just wondering why your here at the meeting with the boards of directors, Am I right Ms. Architect? " Nakangiting tanong sakin ni Ms.Fajardo.
Huminga ako ng malalim at palihim kong kinagat ang ibabang labi ko bago marahang tumango dito.
Chapter 4
"Come here Iha." she command me to go to the front .
Bago pa man ako pumunta sa unahan hinawakan ako ng Fred "kaya mo yan" . I smiled at him . Huminga muna ako ng malalim bago humakbang papunta kay Ms. Fajardo. Ang babaeng unang nagtiwala sa kakayahan ko bilang arkitekto.Malaki ang utang na loob ko dito . She's like a mother to me. Kaya nga inggit na inggit ang karamihan sakin dito sa kumpanya.
"Relax iha" hinawakan pa nito ang kamay ko bago magsalita.
"Every one , maybe some of you know already who's beside me" Nakangiti ako nitong binalingan. "But I would like to introduce you this beautiful girl." Pagpapatuloy nito sa sinasabi habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.
Lalo akong kinakabahan . Ano bang nangyayari ngayon teka lang magpepresent lang ako at kukuha ng deals diba? Bakit my ganito? .Patuloy akong naguguluhan.Hindi pa nga ako nakakamoved on sa muling paghaharap namin ng run away groom ko tapos meron pang ganito?.
"This girl beside me is non other architect Camille delos Reyes. One of the best architect that this company has." Pinisil nito ang kamay ko at muli akong nginitian."Before I start this meeting. I just want to announced you personally that half of my shares ay ibibigay ko sa kanya."
"Po? pe--pepero bakit po?" Gulat kong tanong dito.
Nginitian ako nito ng mas malawak na ngiti "You deserve this iha."
Naluluha ko itong tinignan. "Without you hindi magiging ganito ka - successful ang kumpanyang to.Stop crying anak you really deserve this"
ANAK yan ang madalas na tawag nya sakin kapag dalawa lang kami.Wala kasi itong anak . At tulad ko iniwan din ito ng lalaking mahal nya sa mismong araw ng kasal nila.Kaya natakot na syang magmahal ulit at itinuon nalang ang oras nya sa pagpapatakbo nitong kumpanya. Bigo man sa pag-ibig ay hindi naman sya nagsasawang ipaalala sakin na balang araw mahahanap ko rin ang one true love ko. Hindi ko na napigilan na yakapin sya ng sobrang higpit.
"hehe your such a cry baby iha" natatawang sabi nito. "Nasan na ang architect Camille na kinakatakutan ng lahat?"
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. "I don't know what to feel po mixed emotion eats my system" sabi ko dito habang di pa rin mapigilan ang mga luha na bumabagsak sa mata ko.
"But I have a condition bago tuluyang maipangalan sayo ang share." Nagulat ako sa sinabi nito.
"Po? "
"You need to get married na anak,tumatanda kana " tumatawang sabi nito. Nilingon ko ang board of directors lahat sila tumatawa maging si Fred at Adrian. Nahagip din ng tingin ko ang pagngiti ng girlfriend ni Sean. Pero si Sean hindi ko alam kung anong nasa isip nya. Wala syang emosyon na nakatingin sa akin.
"I think the board of directors really likes my idea". Pang aasar pa nito lalo sa akin. "Im just kidding Iha , I'll give it to you without any condition because you deserves it". Nagpalakpakan ang mga tao sa loob habang pinipirmahan ko ang mga files na nagpapatunay na isa na ko sa share holder at board of directors ng Emerald Construction Corp.
Matapos ang pakikipagkamay ko sa mga ito ay si Mr. Lucas Montevardo naman ang tinawag ni Ms. Fajardo.
"Like what I've said earlier matanda na ako Im already 68 yrs. old gusto ko nalang magrelax at mamuhay ng mapayapa kasama ng mga alaga kong bulaklak ." Ani nito na waring ini-imagine ang magiging buhay nya sa hacienda nya kasama ang mga bulaklak nya. "Kaya I decided to finally sell half of my shares to Mr. Lucas Montevardo. I know this man will be a good help for our company."Mahabang lintanya ni Ms.Fajardo.
"Thank you for trusting me Mrs.Fajardo. But I also have an announcement". Tumingin ito sa gawing kanan ko kaya naman napatingin din roon. Bahagya pa akong nagulat ng makita kong si Sean pala ang tinitignan nito na matamang na katitig sa akin. Iniwas ko ang paningin ko at ibinalik kay Sir Lucas ang atensyon ko.
"Im sorry but can't take over this company. My company has a big problem now. But I have my brother to take my responsibility as a CEO of Emerald Construction Corp. I assure you guys that this man will help your company big-time". Seryosong sabi nito.
"My one and only brother Sean Montevardo". Pagpapakilala ni Lucas kay Sean. Nagpalakpakan ang lahat.Syempre pumalakpak din ako .Hello ayokong magmukhang bitter no. Pero aminado akong nagulat ako . What the? Kung panaginip man ito pakigising naman ako oh .
Tumayo naman si Sean bilang pag galang at pumunta sa unahan.
Nagsalita ito pero di ko na pinansin pa .Inabala ko ang sarili ko sa pag iisip ng paraan kung pano ko maiiwasan ang lalaking ito kung ito na ang magiging CEO ng kumpanya. Kailangan ko na bang magresign?.No hindi pwede may mga kapatid pa akong pinag aaral. May malaki naman akong shares sa company baka pwede ko ng i-widraw yon at magpakalayo layo nalang kasama ang pamilya ko. No Camille No No No as in big NO magmumukha kang pera Camille .Bukod don masasaktan mo ang feelings ni Ms. Fajardo.So anong dapat kong gawin? Problemado akong napabuntong hininga.
"Again thank you so much I hope na hindi kayo magkaron ng problema sa pamumuno ko. And Im so excited to be working with you Ms.Architect". Nawala ang pagmumuni muni ko ng marinig ko ang huling sinabi nito.
"Nananadya ba sya?Ano bang trip nyang ungoy sya? " Galit na sabi ng kabilang bahagi ng utak ko.
Siniko ako ni Fred nahalata nya siguro ang pag talim ng paningin ko sa lalaking nasa harapan.
"Be professional." bulong ni Adrian sa likod ko .
Humarap ako dito.Pagkatapos kong tumango bilang pag sang ayon sa unggoy na ex ko. Well hindi naman ako sumang-ayon no choice lang talaga ako.
"Professional your face fu***r. Hindi porket nagdrama ako sa harap mo kanina pwede ka nang magcomment sa life ko'' Mataray na bulong ko dito .Pinilit kong ngumiti dito ng peke para hindi makahalata ang mga tao dito sa loob ng meeting room. Pinagpag ko pa ang 3/4 sleeves nito at kunyaring inayos ang kuwelyo nito.
"Owww that bitchy side of yours. I like it" Malanding sabi nito at inilagay pa sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok na kumalat sa mukha ko.
"excuse me love birds.Hindi pa po tapos ang meeting". May kalakasang sabi ni Fred.Lumingon ako kay Fred at bago pa man tumama ang paningin ko sa kaibigan kong palaka ,nakita ko lahat ng board na nakatingin pala sa amin.
Kanina pa ba sila nakatingin sa amin? God nakakahiya. Baka isipin nila nagkashare ka lang sa company Camille lumandi kana.
"Its okay wala na rin naman akong sasabihin. I guess malinaw na sa lahat ang napagmeetingan natin at ang pagpapalit ng CEO ng Emerald . Sana kung anong trato nyo sa akin ay ganun ang gawin nyo sa bagong CEO nyo. Mr. Sean I know your a good person".Ani Ms. Fajardo.
"Good person? tsk if you only know him baka isumpa mo sya".Inis na sabi ng isang bahagi ng utak ko.
"I'll make sure to you that handling these people of Emerald will help you to become a better version of yours ."Pagpapatuloy nito sa sinasabi "So Meeting adjourned " Nakangiting sabi nito at muli nagpalakpakan ang lahat.
"oh ..Love birds you can continue that thing that was postponed earlier". Nanunuksong sabi ni Ms. Fajardo.
Pilit akong ngumiti dito at dedepensahan ko sana ang sarili ng biglang nagsalita ang Si Mr.Villaforte.
"You guys really looks good together plus alam pa nating lahat na pareho kayong magaling sa larangang napili nyo.Perfect match ika nga .Am I right Ms.Fajardo?" Nakangiting sabi nito .
"Yes really perfect". Abot ngiting sabi nito.
Shit pano ba ako makakaalis sa sitwasyon na to.
Chapter 5
Kitang kita ko sa peripheral vision ko ang pagtangis ng panga ni Sean.
Ano bang drama nya? Dont tell me nagseselos sya? tsk.Kung makatingin sya sakin parang ako pa tong may malaking kasalanan sa kanya.Hell no! sya kaya tong gago na hindi ako sinipot sa mismong kasal namin. At saka ang kapal ng mukha nya na tumingin ng ganyan eh kasama nya ang girlfriend nya.
"Are you guys together? "tanong ni Louie Aragon. Well known as "FuckBoy Billionaire". "Hindi mo naman sinabi na engineer pala ang gusto mo edi sana nag -aral akong maging enhenyero". Biro nito sakin.
Louie Aragon is one of my client before, isa ang mansyon nya sa mga edenisenyo ko. Ang sabi sabi kinuha daw ako ni Louie na maging architect ng rest house nya para maka first base sa akin. Well yon nga ang ginawa ng loko pero that time busy ako sa pagpapayaman sa sarili ko plus the fact na broken hearted pa rin ako non.
Hindi umubra sakin ang playboy moves nya. Tinarayan ko lang sya at tinakot na kakasuhan ko sya ng harassment kung di nya ko titigilan.Hanggang sa eto naging magkaibigan na kami ng loko loko na to.
"I think hindi mo kakayanin maging engineering, mas bagay sayo ang pagiging mekaniko".Natatawang sabi ni Lucas .
Knowing Lucas ngayon ko lang sya nakita na tumawa.Maybe because of that girl beside him. She looks pretty and naive.
"Grabe baka lahat ng sasakyan sirain ng mga babae para lang magpagawa sakin".Mayabang na sagot ni Louie.
Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi nito.
"Oh BTW , I have to go."ani mr. Villaforte
"Wow bugets ah. May pa BTW ka nang nalalaman auncle ha". Nagtawanan ulit ang lahat sa sinabi ni Louie.
"Syempre "sagot lang ng matanda at tinapik sa balikat ang pamangkin.
Magtito pala sila? Ngayon ko lang nalaman.
Matapos ang ilang minutong kwentuhan ay nagpasya na ang lahat na umalis.
Nauna ng umuwi si Fred kasi ipagpapatuloy pa daw nya ang naudlot na lampungan nila ng baby nya. Tinanong naman nya ako kung ok lang ba talaga ako. Sinabi ko naman na ok na ko. Biniro ko pa nga ito ."Duh!! who wouldn't be okay ? Im a millionaire now gurl ". Mataray kong sabi dito.
"Ikaw na talaga ikaw na" sabi ni to na iminuwestra pa ang kamay na tila inaalalayan ang imaginary long hair ko "Ang haba ng buhok mo sobrang haba , Rapunzel binigla mo naman ako ,hindi ako nakapagprepare sa pagbaba mo sa tore ". Sabay kaming nagtawanan ng malakas . Sira ulo talaga tong kaibigan ko na ito.
"Sige na umuwi kana at baka maghanap pa ng tunay na babae yong baby mo". Pagtataboy ko dito.
I was shock ng bigla ako nitong hinila papalapit sa wooden frame na nakasabit malapit sa elevator at ikinatok ng tatlong beses ang kamao ko.
"what was that? " I asked him
"tanga! knock on wood gurl , baka mamaya magkatotoo pa yang sinabi ng tampalasan mong bunganga".Sabi nito na mukhang seryoso.
Tumawa ako ng malakas "Seryoso ka bakla?"
"Naku mabuti ng maniwala sa pamahiin no? wala namang mawawala .Bahala ka na nga dyan". Pagpasok na pagpasok nito sa lift ay tinapunan pa ako nito ng flying kiss at sumenyas ng ba-bye. Buti nalang talaga walang tao kung hindi tiyak na buking na ang tinatago nitong kabaklaan.
Nasa kalagitnaan na ako nang paglalakad ko papunta sa office ni Ms.Fajardo para magpasalamat dito.Nang makaramdam ako ng ihiin.
"Babe whats wrong? We used to do this before".Tanong ng familiar na boses.
"Is there something bothering you? aren't you happy na ikaw na ang CEO ng Emerald? "
Alam kong masamang makinig sa usapan ng iba.Pero parang may sariling utak ang mga paa ako at kusang lumapit sa kinaroroonan ng mga ito.
"Of course I am happy wala lang ako sa mood babe. Im sorry.I love you babe".
Parang tinusok ng milyon milyong karayum ang puso ko. Hindi hindi na dapat ako nasasaktan. Ilang taon ang ginugol ko para lang maging matatag at matapang .Hindi na ako yong Camille na iyakin .Hindi na. Erase erase Camille. You didn't deserve this kind of pain. Face him and show him that your not affected.
Napagdesisyonan kong pumasok sa Cr. Wala akong pakialam sa kanila. CR to hindi motel tsk. dito pa talaga sila mag mamake out? Wala ba silang pambayad ng hotel o kahit motel man lang? .
"Bitterness kills happiness Camille. Wag ka ngang bitter .As if naman hindi mo nagawang mag make out sa mga public cubicles non". Kontra sa akin ng isang bahagi ng utak ko.
Haist bwesit pati ba naman utak ko kalaban ko na? dati puso ko lang ah.
Deredertso akong pumasok sa Cr. Nakita ko rin na nakaupo sa lababo ang girlfriend ni Sean.Hindi ko naman sila pinansin at ipinatong ko ang handbad na dala ko sa ibabaw ng lababo kinuha ko ang lipstick ko at akmang maglalagay na ako ng lipstick ng makita ko sa reflection ng salamin na mabilis na bumaba sa lababo ang babae ng makabawi ito sa pagkagulat ng makita ako kanina.
"Go on. Continue what your doing." sabi ko at pinagpatuloy ang paglalagay ng lipstick sinadya kong kapalan ang red lipstick ko bagay naman sakin kasi mistisa naman ako. "I won't take long nagretouch lang ako". Sabi ko habang nakatingin sa reflection nila sa salamin habang ibinabalik ko ang lipstick sa bag ko.
"And don't worry hindi ako tsismosa". Lumingon ako sa kanila at ngumiti ng matamis.
"That's it Camille show him that your not affected by him anymore. Na kahit anong gawin nya wala ka ng paki". Pag cheer ko sa sarili ko.
Naiwan kong nakatingin sa akin si Sean at ang babaeng kasama nya ay parang mansanas sa sobrang pula.
"Seryoso po ba kayo sa sinabi nyo kanina?". Hindi kasi ako makapaniwala na ibinigay nya ako ng share. Hindi lang basta share half of her shares dito sa kumpanya . 70% lang naman ang shares nya dito imagine this company worth billions of pesos. Kaya hindi ako makapaniwala na basta basta nya lang ibibigay sakin ito. 35% of this multi billion company is not a joke.
"Iha" malambing na wika nito.Tumayo pa ito sa swivel chair nya at lumapit sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko.
"Anak you know how much lonely I am nong nag-uumpisa ka palang dito". Huminga ito ng malalim at muling nagsalita. "Pero nong dumating ka dito everything changed magmula sa paglago ng finances natin at pagdami ng clients natin lahat yon iha dahil sa husay at sipag mo". Nakangiti man ay ramdam ko ang paggilid ng luha sa mga mata nito. "Then you've changed me .I became happy not just because of the sudden growth of my company but because I found a daughter to you".Tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa mga mata nito kayat maging ako ay napaiyak na rin. "You've changed even those hard headed employee's that I have .Yes your a strong woman ,I saw you how you discipline your junior architects halos manginig silang lahat sa takot kapag napapagalitan mo even those engineer's na mga papogi lang noon gumaling ng dahil sayo. Pero after working hours I saw you laughing with them. Akala ko dati bipolar ka lang kasi ang bilis magbago ng mood mo .Pero nakita ko anak na ginagawa mo lang yon for them to become a better person. For them grow". Mahabang sabi nya habang patuloy na pinupunasan ng isang kamay ang luhaan nyang mukha.
Your might looks like a tiger outside but I know inside anak your not just a good person but a great one indeed".
Tumayo ako at niyakap ng mahigpit ang ginang.
"Thank you so much Ma'am. Not for the money that you gave to me but also for the love and advices that you share to me. Ikaw po yong dahilan kung bakit nakaahon ako sa nakaraan ko". I cant stop sobbing at her shoulder . Hindi ko n ininda kung matuluan man sya ng magkahalong luha at sipon ko. Basta gusto kong umiyak.
"Enough for this drama ".Natatawang sabi nito at pinunasan ang natirang luha sa pisngi ko.
"Hehe Ikaw po kasi eh". Sisi ko dito habang tumawa at sumisinghot.
"Anak im always here tandaan mo yan ha. Aalis man ako dito sa kumpanya pag kailangan mo ng kausap puntahan mo lang ako sa hacienda ko welcome na welcome ka don".
"Ayan ka na naman po eh . Papaiyakin nyo na naman ako". Nakanguso kong sabi dito.
"Your ex is back". Seryoso nitong sabi na may pag aalala.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"You don't need worry Ma'am. Im fine" Nakangiti kong sabi dito.
"Just follow your heart anak.Do what makes you happy. Because you deserves to be happy"
I just nodded and smiled at her.
"And for now on don't call me ma'am or Ms.Fajardo. Call me mom or mommy ,nanay ,inay ,mama,Mama' anything that you can call me as a mother". Masayang sabi nito.
"I will Ma".