Chapter 3

1738 Words
"How could he break up with me Le'?! We were okay naman tapos bigla-bigla na lamang niyang sinabi kagabi na break na kami!" Jay cried while wiping her tears with tissues. Nandito kami sa isang sikat na coffee shop sa bayan ng Belzac, ang kalapit na bayan ng Ayazo. Nakatingin lamang ako sa labas at pinagmamasdan ang abalang kalsada ng bayan. Nalulunod ang pandinig ko sa ingay na hatid ng mga motor at mga sasakyang dumadaan. Regis said a while ago that I am a playgirl. Hindi ko naman itinatanggi iyon. Papalit-palit ako ng boyfriend at wala man lang umabot ng taon. I was never conscious of myself being a playgirl nor mind what people say about me being like that pero noong sinabihan ako ng taong di ko kasundo sa lahat ng bagay ay bakit ako nagdadamdam? The way he said that was serious and obviously mocking. 'Hindi ako affected,' iyan ang gusto kong sabihin sa sarili ko ngayon pero alam ko sa sarili ko na sobrang bothered ako sa sinabi niya! Nakakailang buntong-hininga na ako habang iyan ang nasa loob ng isip ko sa buong oras na magkasama kami ni Jay. Why would he say that to me though? Alam ko naman, hindi na niya kailangang sabihin pa. Stupid Le', bakit ba affected ako? Wala nga akong pakialam sa sasabihin ng iba, siya pa kaya? Sino ba siya? Siya lang naman ang taong hindi ko yata makakasundo kahit pagbalikbaliktarin man ang mundo. Paulit-ulit kong naririnig ang 'playgirl' sa tenga ko na halos sakupin na ang buong isipan ko. Oo na nga! I am a playgirl. I am not proudthat I am pero hindi ko rin naman itinatanggi iyon. Ano naman ngayon kung ganito ako? I am young kaya normal lang iyan! Gusto ba niyang magpakaloyal ako? Ang dali kong magsawa sa lalaki that is why papalit-palit ako. I am exploring. Life is an adventure in case he doesn't know. In another thought, how could he possibly know? He is too focused sa studies niya, parang doon umiikot ang mundo niya. He is very competitive pagdating sa acads at ang yabang-yabang pa, akala mo wala siyang hindi kayang lagpasan. Naiisip ko pa lamang ang kayabangan niya ay gusto ko na siyang ipatalsik dito sa Earth.  Napangiwi na lamang ako, bakit ko ba siya iniisip mula dito sa Belzac eh nasa Ayazo siya? "Are you even listening Le'!?" Jay snapped her fingers right in front of my face. Her brows furrowed when I turned my gaze at her. She sighed at sumalampak sa upuan niya. "Hindi ka nga nakikinig." Nagtatampong sabi niya and pouted like a kid. "I am sorry, may----" naputol ang sasabihin ko nang sumagi sa isipan ko ang mukha ni Regis at naririnig ko pa rin hanggang ngayon ang sinabi niya kanina na parang sirang plaka. My teeth gritted that made Jay confused. "May ano--- iniisip lang. I'm sorry, you can talk now. Makikinig na ako." "What are you thinking? Kanina pa ako nagsasalita dito ah!" She said hissing. I sighed at humilig sa inuupuan ko. "Just... someone and his something," I said without much thinking. I glanced at the road at binalik ang tingin kay Jay na nakatakip na sa bibig niya ngayon habang nanlalaki ang mga mata.  "Sht ka! That is what you've been thinking? Hindi ka talaga nakinig sa mga sinabi ko kanina because all your thinking is a guy and his d**k?!" She exclaimed. Agad na nanlaki ang mga mata ko at binato siya ng box ng tissue na nasalo naman niya. She laughed menacingly while pointing at me. I looked around at ang mga ka-table namin sa malapit ay napapalingon sa direksyon namin. Napasapo ako sa noo ko at yumuko na lamang sa kahihiyan. Paniguradong narinig ng iilan ang sinabi ng kaibigan ko! Ano ba kasing naisip ko at iyon pa talaga ang nasabi ko? I was misunderstood! Pero sino ba rin kasi ang hindi mami-misinterpret ang sinabi ko?  Gosh, iba ang ibig kong sabihin, Jay! Hindi ganoon! Pilit pinipigilan ni Jay ang tawa niya. Sobrang nakakatawa ba? Hiyang-hiya na ako! I stood up at lumabas na habang pinapaypayan ang sarili ko. Pinagpapawisan ako kahit naka-aircon naman sa loob. "Hoy kaibigan kong alipin ng libido niya!" Jay shouted pagkalabas niya that made me jump. I held my chest and heaved a deep sigh. She laughed at my reaction. "Shut up Jay! Nakakahiya na!" I said whispering while being conscious of our surroundings. May mga napapatingin na sa amin. Bakit ko nga ba ulit naging kaibigan ang eskandalosang babaeng 'to? "Fine, I'll stop na!" She said, suppressing her laugh. I looked at her with dagger eyes, hoping she'll stop laughing now. "Pero seryoso sis? Nakaka-offend ka rin minsan ah! You didn't listen kasi iyon ang iniisip mo?" She asked again as we started walking papunta to her car. "Brokenhearted kaya ako ngayon!" She cried. "No! I am sorry for not listening, okay? Pero you misunderstood it Jay. Hindi iyon ang ibig kong sabihin," sabi ko pero she only gave me a teasing smile. She poked my cheek. "So sinong may-ari 'nung iniisip mo sis?" She asked mischievously. I rolled my eyes at her. "Hindi nga! Sure, I was thinking of something pero hindi ang something na nasa isip mo! Ibang something ang nasa isip ko!" "Wala akong naiintindihan, puro ka something!" She shouted at me, naguguluhan. "Be specific kasi!" "Ang nasa isip ko ay ang sinabi 'nung someone na nasa isip ko! Pwede bang huwag mo na akong tanungin tungkol dito, mas kumukulo ang dugo ko Jay."  She shot her brows up. "Oh? Sino namang someone iyan?" She asked. Malalaki na ang hakbang ko, I don't want to answer that question. Baka kung anu-ano pa ang isipin niya. I don't want that.  Hinabol niya ako maraha akong kinalabit. "Hindi mo na kailangang malaman kung sino Jay. Ayaw ko ring isipin pa." Ngumiwi siya sa sagot ko and rolled her eyes at me. "Look, mas naku-curious ako kung iyan ang sagot mo eh kaya sabihin mo na. Baka ito pa ang ikamatay ko, sige ka." She warned. "Oh? Makikilamay na lang ako kung gano'n," barumbado kong sagot at nauna ng sumakay sa kotse niya. Nabigla pa yata ang driver niya sa biglaan kong pagbukas.  I smiled and apologized silently. That was rude of me. Sumunod naman kaagad si Jay at umupo sa tabi ko. "Let's go home na po, Kuya. Tsaka ito po para sa'yo, galing doon sa coffee shop." Jay offered him the paper bag na tinanggap naman ng driver niya at nagpasalamat. Habang nasa byahe ay wala namang sinabi si Jay kaya tahimik lamang ako habang abala sa pagtitingin sa dinadaanan namin. Nang nasa b****a na kami ng Ayazo, Jay nudged me. Agad lumipat ang atensyon ko sa kanya. "Madalas ka lang mairita kapag tahimik ka. That's when you are thinking of something... perhaps someone." She said with squinted eyes na nagpakunot ng noo ko. I flashed her with my questioning look. She surveyed my face, probably expecting a certain reaction. "Sobrang annoyed ka ba sa iniisip mo?"  "I don't want to admit it pero yes, I am very annoyed," I answered which made her smile. I gave her a confusing look. Inis ako and Jay as my friend, talaga bang ikinatuwa niya ito? "Ano ba kasing sinabi 'nung someone na sinasabi mo?" She asked. My head's in a battle if I should tell her or not. It took me a few minutes to answer. I sighed. "That I am a playgirl?" I said, not very sure of my decision of telling her. Jay went silent in an instant and laughed right after. That made me confused more! "Oh? Why are you so bothered eh totoo naman?" Realization dawned on me. Oo nga, totoo na playgirl ako and even my best friend thinks that way too. Hindi naman ako offended sa pagkasabi ni Jay na playgirl ako. She is my best friend and she thinks that way kasi iyon ang nakikita niya so why the hell am I so bothered by Regis saying that I am a playgirl?  "That's it? Iyon lang ba sinabi niya that made you overthink?" I nodded. I looked outside again, trying to organize my thoughts. Ang g**o! "You are the type of person na hindi mabo-bother sa mga sinasabi ng mga tao sa'yo. Seeing you na sobrang bothered sa sinabi ng 'someone' na iyan is unusual."  What she said made me look at her once again. "That's right. Hindi naman ako ganito." I whispered, sapat para marinig niya. I heaved a deep sigh, trying to calm myself down. "This is just a wild guess ah pero is that someone kilala ko?" Jay asked. I don't know what to answer. No, I am not saying yes kasi mas gugustuhin niyang malaman kung sino and if I answer no, she will dig information for sure hanggang malaman niya. That's so like Jaydee! Alin man sa dalawa ang isasagot ko, it's not wise.  I shrugged as an answer. "Maybe," is a good answer. She raised her brows at di na nang-usisa pa. Sa labas ng gate ko lamang pinahinto ang sasakyan. Malalakad ko lang naman ang bahay. Nagpaalam na ako sa kaibigan ko at nagpasalamat sa driver niya. Nang isasara ko na sana ang pinto ay pinigilan niya ako. "Sa tingin ko alam ko na kung sino si 'someone,' " she said before smiling widely. I was taken aback at what she said, tatanungin ko pa sana siya kung ano ang ibig niyang sabihin nang pinagsarhan na niya ako. My mouth fell, not knowing what to say. She rolled the car's window open and waved her hand at me bago umandar ang sasakyan niya at umalis. Nakatingin lamang ako sa papalayong sasakyan, drowned by my own thoughts. My head is full of questions.Hindi ko man lang alam kung saan ako makakakuha ng mga sagot. I am now staring at an empty road when Manang opened the gate behind me. "Oh, nandiyan ka na pala Leng! Halika't nakauwi na ang mga magulang mo," Manang Aryela said. Pumasok kaagad ako at nagmano sa Ginang. "Sino ba kasing tinitingnan mo diyan? Nakita kong dumaan ang sasakyan ng kaibigan mo pero hindi kita nakitang pumasok kaya nagpunta ako dito." "May... iniisip lang po Manang." I said and laughed a little. Nauna na akong naglakad papasok nang may sinabi siya. "Kung medyo naiiba ang iniisip mo ngayon sa kadalasang nasa isip mo Leng, baka iba na iyan." Manang Aryela said that made me stop.  I turned to face her with my squinted eyes. She just smiled at passed by me. What she said added questions to my chaotic mind. Hindi ko gets Manang! Nauna na siyang maglakad kaya hinabol ko siya ng tanong. "Pa'nong naiiba po!?" I asked in a voice enough for her to hear. ____________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD