Prologue

349 Words
Clarion Gonzale's Point of View "Come, give me pleasure,"  he said while lying on his king size bed. Hindi ako gumalaw, nanatili lang akong nakatayo at nakatingin sa kaniya. "Ano?! Tutunganga ka lang ba diyan?!" sigaw niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba itong nangyayari sa akin. Bakit ba napunta ako sa ganitong sitwasyon? Hindi ko naman pinangarap ito eh.  Hindi ko akalaing ganito pala kasama ang lalaking minamahal ko sa loob ng dalawang taon. Bigla siyang tumayo at hinawakan ako sa braso ng sobrang higpit. Napapikit na ako dahil sa sobrang higpit ng kanyang pagkakahawak. Pakiramdam ko, bumabaon na sa balat ko ang kanyang kuko. Bakit ba napakalupit niya sa akin? "P-please, ibalik mo na ako sa amin. H-hindi ko kaya ang pinagagawa mo sa akin," sabi ko or I should say pagmamakaawa ko. Hindi ko alam kung papaanong pagpapaligaya ang gagawin. Inosente pa ako sa mga ganitong bagay. Wala pa akong karanasan. "Baka nakakalimutan mo?! Pinambayad ka sa akin ng ama mo! I can do whatever I want to you! Alipin kita!" sigaw niya sa akin at napapikit ako dahil sa sobrang lapit ng kanyang mukha.  "Please, Jared pakawalan mo na ako. H-hindi ko kaya ang pinagagawa mo. Ibalik mo na ako kay Papa please," I said at umiling-iling pa ako. Ngunit naging bingi siya sa aking pakiusap.  Tila ba may demonyong sumanib sa kaniya. Namumula ang mga mata niya, nag-aapoy sa galit ang mga ito. May poot sa mga mata niya, poot na hindi ko alam kung saan nagmumula.  "Gagawin mo lahat ng gusto ko! Gagawin ko lahat ng gusto ko sa'yo! Tandaan mo, alipin na kita. Ang trabaho mo ay paligayahin ako!" sabi niya habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin. Parang isang labaha na humihiwa sa aking puso at pagkatao. Itinulak niya ako sa kama niya at hinalikan ng marahas. Napapikit ako. Hindi ito ang pinapangarap kong tagpo na kasama siya.  Bakit kailangan kong maranasan ito? Bakit sa lahat ng tao siya pa? Bakit sa taong mahal ko pa? Should it be always lust over love? Or it can be love over lust?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD