Chapter 2
Edmon's Pov
"Saan tayo ngayon?" Nakakapagod pala talaga magwork. Masakit katawan ko.
"Tangina Nate ako nga kulang sa tulog." Pagtawanan ang mga kaibigan ko sa sinabi ni Macky. Napatingin ako sa kanila panay reklamo nag-eenjoy naman mga loko. Nagulat ako ng bigla lumapit si Charls sa tabi ko. Seryoso mukha niya problema isa 'to?
"Ano na plano mo ngayon araw?" Napatingin ako sa kan'ya.
"Hindi ako makakasama alam niyo naman di ba?" Sabay sabay nag-lapit mga kaibigan ko.
"Tangina naman Edmon, lagi ka na lang ganyan."
"Ano pa nga ba Jaydee, lagi na lang important sa kan'ya girlfriend niya. Tangina hindi naman pinapakilala sa atin."
"Naku Macky, baka imagination lang niya 'yan!" Sabay tawa ulit nila. Nanahimik lang ako, hindi na lang ako nagsalita. Bahala sila kung hindi sila naniniwala.
"Grabe kayo pinagkaisahan niyo bestfriend ko. Ipakilala mo na nga sa amin para matahimik kami." Napatingin ako sa kanila ng seryoso ng bigla may nag-text sa cp ko agad ko binasa.
"Oh! Anong nangyari sa mukha mo para ka na matanda riyan." Tiningnan ko lang si Charls.
"Tara na nga!" Sabay tayo ko inuman tayo. Tumawa sila sabay-sabay. Iniwan ko sila narinig kong tawanan nila nakasusunod sa akin.
"Nangyari Edmon! 'Wag mo sabihin hindi tuloy date niyo?" Sabay apir ni Jaydee at Macky. Hindi ko sila pinansin asar na asar ako lagi na lang siya ganyan. Matatapos na lang OJT ko hindi ko man lang siya madalas nakikita. Madalas kasi pang-gabi ako. Nawalan na kami oras. Tapos ngayon, may oras ako siya naman busy. Tangina naman buhay 'to. Nakasunod lang sila sa akin. Hindi ko namalayan nakapasok na pala kami sa bar. Agad ako nag-order, isang inuman lang. Nakatingin lang mga kaibigan ko hanggang sa dami ko na nainom. Gusto ko maglasing ngayon araw bigla na lang ako na inis. Hindi man lang niya magawa para magkasama kami lagi na lang ako iniintindi siya. Ang akin lang makita at mayakap ko lang masaya na ako.
"Edmon, tama na 'yan. Ano ba?" Napatingin ako kay Charls isa sa itinuturing ko bestfriend. Sa lahat ng kaibigan ko siya lang matino sa kanila, pero love ko silang lahat. Kahit pinagtripan nila ako.
"May aaminin ako sa inyo, mahal ko siya. Simula ng nakilala ko siya parang nasa kan'ya umiikot buhay ko." Napatingin ako sa kanila. Seryoso nakikinig lang sila sa akin.
"Alam niyo ba 32 na siya 10 years gap namin sabi ko sa kanila." Natulala sila sa akin. Gulat na gulat. Umakbay si Jaydee sa akin.
"Tangina Edmon. Anong kalokohan 'to lakas mo maka trip." TInawanan lang nila ako.
"Seryoso ako mga tol, mahal ko siya." Sabay alis sa pagkakaakabay ni Jaydee.
"Tangina lasing ka na." Umakbay ulit si Jaydee sa akin. Sa inis ko iniwan ko sila, umupo ako sa ibang table. Ang mga loko sumunod pa talaga nakatingin ako sa kanila.
"Bahala kayo ayaw niyo maniwala. Nagsasabi ako totoo."
"Naku maniniwala lang kami kung ipakilala mo sa amin iyan sinasabi mo?" Napatingin ako kay Charls isa pa 'to hindi naniniwala siya pa naman bestfriend ko.
"Nakakainis kayo pinagkakaisahan niyo ako." Napatingin ako kay Charls.
"Itinuturing pa naman kita bestfriend ikaw pa hindi naniniwala." Na Tahimik sila nakatingin sa akin.
"Seryoso ka ba talaga sinasabi mo." Sabay sabi nila.
"Ang kulit niyo sabi ng oo. Tangina wala naman ako pakialam sasabihin ng iba, hindi dahil sa 10 years agwat namin. Alam niyo mga tol kapag nagmahal kayo do'n niyo mararamdaman tunay na pag ibig. Mahal ko siya una pa lang nakita ko siya. Sinasabi ko sa sarili ko siya na pakakasalan ko. Gano'n siguro magmahal hindi mo iisipin, natatakot ako tiningnan ko sila isa-isa." Habang sila nakatingin ng seryoso sa akin.
"Hindi niya alam age ko," mahina ko sabi sa kanila.
"Nagsinungaling ako sa kan'ya ang alam niya 32 na rin ako takot ako sabihin sa kan'ya. Natakot ako na hindi niya ako kausapin. Hindi ko alam paano ko sasabihin sa kan'ya. Tangina mahal na mahal ko siya. Ayaw ko siya mawala sa buhay ko. Siya na pinangarap ko makasama habang buhay. Sa kan'ya na umiikot buhay ko. Siya nagpabago sa akin," sabi ko sa kanila.
"Kung makikilala niyo lang siya, sinasabi ko sa inyo napakaganda niya at ang bait-bait niya," sabi ko sa kanila.
"Tangina Edmon, seryoso ka?" Nakatingin kami kay Nate. Siya kasi isa sa mga kaibigan namin kahit loko loko, pero pagdating sa mga girl ayaw na ayaw niya nakikita may umiiyak.
"Seryoso ako, siya talaga gusto ko. Anong gagawin ko? Hinarap ko silang lahat."
"Sabihin mo totoo sa kan'ya." Sabay nila sabi sa akin. Tangina madaling sabihin mahirap gawin sa isip ko lang sinabi.
"Kung mahal ka niya, maintindihan ka niya." Napatingin ako kay Joshua, bihira lang magsalita, pero seryoso pag-usapan matino.
"Hindi naman sa gano'n Joshua." Napatingin kami kay Bryan.
"Nagsinungaling siya sa tingin mo madali sa kan'ya tanggapin kung nagmahal sa'yo ng mas bata sa kan'ya. Mahal niya dahil alam niya ng magka-age lang sila. Paano kung malaman niya na mas bata ka sa kan'ya? Ang tanong matatanggap ka ba niya? Tulad ng pagtanggap mo sa kan'ya. Kahit na sabihin natin tanggap mo sa kan'ya lahat. Ang tanong siya ba tanggap ka?" Nanahimik ako sa sinabi ni Bryan.
"Wow Bryan, ikaw ba iyan ang seryoso ah!" Sabay batok ni Bryan kay Macky.
"Panira ka talaga ng moment Macky." Nagtatawanan sila. Ako naman bigla natakot. Ito 'yong bagay na kinatatakutan ko malaman niya tungkol sa akin. Tatanggapin niya ba ako? Napapaisip ako sa sinabi ni Bryan.
"Paano hindi niya ako matanggap?" Seryoso ako tanong sa kanila.
"'Yan mga bagay na hindi namin masasagot Edmon tanging 'yong girlfriend mo lang makakasagot niyan." Sabay tapik ni Charls sa akin.
"Sabihin mo na kasi totoo sa kan'ya? 'Wag mo na dagdag ba pagsisinungaling mo. Kung mahal ka talaga niya handa ka niya tanggapin kung ano ka."
"Napaka seryoso mo Bryan ah! Nakain mo?"
"Gago!" Sabay batok niya kay Macky.
"Tangina umuwi na tayo," sabi ni Charls sa amin.
"Mabuti pa nga," sabi ko rin kay Charls.
Kan'ya-kan'yang na kaming umuwi. Pag-uwi ko bigla ako nahihilo hindi ko na nagawa maligo. Natulog na ako.