'Last Chapter' -- “Come on, Jinncy! Bear it! Please!” Hawak ang kamay ni Jin, tumatagaktak ang pawis ni Enzo habang nakatingin sa kapatid niyang nakapikit at lumuluha dahil sa sakit. Jin had a sudden attack, hindi makagalaw at dumudugo ang ilong. Masakit sa pusong nakikita niya ang kapatid niyang ganito. A lot of nurse and doctors came to help, Jin. Walang nagawa si Enzo kundi ang lumabas ng hospital room ni Jin at pasuray-suray na naglakad sa gilid hanggang sa napasandal siya sa pader at dumausdos rito. “Enzo! What’s wrong?” Dahan-dahang inangat ni Enzo ang tingin niya sa tumawag sa kanya. Tumulo ang luha niya nung malamang ama niya ito. “D-Dad..” Pumiyok ang boses niya habang hawak niya ang noo niya. Biglang kinabahan si Mr. Jaime at nalaglag ang paper bag na hawak niya.

