CHAPTER THREE

1083 Words
"W-HERE is the P-prince?" tanong ni Mr.Gozo sa akin buhat sa kabilang linya ng phone. Napakunot-noo ako. His voice sounded suspiciously weird. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Maybe he was in the middle of a hair planting session but duh, not my business anymore so I just dropped it. "He's with me. I saw him running outside of the hotel two hours ago. Now care to tell me, why did you just left him and why those stinking rogues were after him?" Habang nagsasalita ay bumaling ako sa himbing na natutulog na prinsepe sa passenger seat. His head was resting against the window and some strands of his hair were slightly covering the side of his face where his scar was. Sa mga sandaling iyon ay nasa sasakyan pa rin kami. Hindi sa nagtitipid na naman ako dahil ang totoo, naka-ilang check in na ako sa hotel at naka-ilang tawag na rin ang mga receptionists sa Adamson Police headquarters upang ireport ang isang kahina-hinalang binata na walang iba kundi ako na may buhat sa balikat na isang walang malay na babae na walang iba kundi ang wolfprince. I sniggered. Hindi ko maintindihan kung bubulyawan o sasabunutan ko ang mga atribidang iyon. Pero kung iisipin, mas okay na iyong ganoon ang inisip ng mga ito kesa 'isang dalaga na mukhang lalake ay walang kahirap-hirap na binuhat papasok ng hotel ang isang binata na mukhang babae' Bukod sa nakalilito ay baka malaman pa ng buong Adamson na may mga gumagalang werewolves sa gitna ng syudad na iyon. "B-bring the prince to my resthouse. I'll... I'll send you the address," utos ni Mr. Baldy Gozo saka pinatay na ang linya. Muli akong napakunot-noo. I felt something's not right while I was talking to him. Pero dahil ito ang kumuha ng aking serbisyo kaya naman wala akong pagpipilian kundi sundin ang instruction nito. I sighed. But first thing first. I need to get changed. Basang basa pa din ang aking mga kasuotan dahil sa lakas ng ulan kanina at hindi na ako komportable doon. I sighed again. Kailangan ko nang kumilos bago pa magising ang kamahalan. I checked the whole area. Walang tao sa dulo ng park na iyon ng Adamson kaya ligtas naman siguro na doon ako magpalit ng damit. Sa isang maliksing pagkilos, lumipat ako sa backseat kung saan naroon ang aking bag na naglalaman ng aking mga pampersonal na gamit. Dahil sa Adamson ko babantayan si Prince Killah kaya nag-abala na akong magdala ng madaming damit. Hindi wise kung bibili ako. Kailangang magtipid para sa aking planong bonggang bakasyon. Nagmamadaling hinubad ko ang aking cardigan, ang aking vest at ang aking t-shirt. My lacey strapless bra then my pants. Kahulihan ay ang aking kakapirasong panty na kakulay ng aking bra. You see Luna Shin had good taste when it came to those stuffs kaya dito ako nagpapasama tuwing sinusumpong ako ng pagiging gastusera. At hindi naman ako nanghinayang pagkatapos dahil talaga namang worth it ang mga taste nito. Binuksan ko ang aking travelling bag para kumuha ng pampalit ngunit bigla akong natigilan nang biglang kumilos ang prinsepe sa upuan nito. I gasped. Aw, s**t! Napigil ko ang aking paghinga nang mula sa front mirror ay nakita ko ang unti-unti nitong pagmulat. I mentally screamed in panic and then cursed. Fuck! I immidiately moved and reached one of my un-used bikini. Mula sa backseat ng sasakyan ay dinukwang ko ang naa-alimpungatan pa lang na wolfprince saka isinaklob ang aking panloob sa ulo nito. "The hell!" he growled aloud in surprise and tried to take my undies off his head. I winced. "Urmmm, brown out?" He growled again and that time he's sounded so very pissed. Okay, mukhang hindi ito naniwala. Nagawang tanggalin ni Prince Killah ang panty ko sa ulo nito ngunit mabilis ko iyong inagaw sa kamay nito bago pa malaman ng kamahalan kung ano iyon. "Damn it! What is your problem man!" Pinagpawisan ako nang unti-unting ibinaling nito ang leeg palingon sa akin. Natilihan ako ng bongga. Agh! Think Yuri, think! Hindi lang malalaman nito na isa akong babae kundi makikita nito ang kahubaran ko! An idea crossed my mind. Okay, no choice! Before he could actually see me on my birthday suit, I pushed myself forward and leaned closer into him. His blue-green eyes widened as my nose touched his. That caught us both off guard and I almost moaned when I smelled those intoxicating wild flower and minty scents oozing from him. And hell. Sunod-sunod akong napalunok nang sumalakay ang napakalakas na boltahe ng kuryente sa aking katawan dahil doon. I saw him gulped too before his body went rigid. I knew what's going to happen next but it's too late to stop my f*****g kin as it kicked in again. "Sleep well, your highness," without a word I kissed him hard on the lips, knocking all the air out of his lungs. He gasped on my mouth before he automatically closed his eyes. He passed out. Bumagsak ang mukha nito sa may kaliitan kong dibdib na aking ikinapalatak. "Nakaka-dalawa na ang lokong 'to ah!" But then I grinned widely and licked my lips. Naka-isa naman ako! Masiglang inayos ko ang binatang prinsepe sa dati nitong puwesto at habang ginagawa iyon ay hindi ko ma-iwasan ang mapa-isip. Really, ano bang problema ng dugong bughaw na ito at laging nahihimatay? Alam kong ini-isip nito na isa akong lalake pero sapat ba iyon para sa ganoong klaseng reaksyon? Uso na kaya ang boyxboy! Kahit in real life ay hindi naman ako B-O-Y! Isa pa, hindi naman ganoon ka-gross ang aking halik. And I'm his f*****g mate. I grunted feeling insulted but then shrugged it off. May isa pa kasi akong napansin dito. I saw a familiar emotion and fear passed in his eyes. Tulad iyon nang nakikita ko noon kay Alpha Alva sa tuwing napananaginipan nito ang evil father nitong si Misha Kenta. Damn it! May pinagdadaanan din ba ang golden-haired wolfprince na'to? Nai-iling na itinuloy ko ang aking pagbibihis. I should be gentle on him the next time. My poor one hundred million. Baka tuluyan na iyong lumipad sa hangin oras na ma-heart atacked si Prince Killah dahil sa aking kalokohan. But I myself too was surprised to find out that I could be flirtatious when I'm with him. Can be kinky. "Can I be kinky too?" my envious wolf asked me while hiding in the shadow that made me winced. Okay. Should I say goodbye to my precious money now?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD