CHAPTER 3

2457 Words
"Kuya Drake!" rinig kong sigaw ni Jenny pababa ng hagdan, pinsan ko. "Ate Aki! Kuya Drake's here!" bibong sigaw niya Pinunasan ko ng malinis na towel ang kamay ko bago pumunta sa sala, nagluto kasi ako. Nasa trabaho si Tita Therese at tinulungan ko naman si Nay Cora'ng mag prepare ng meryenda namin, mayor doma ng bahay. Nakita kong nakaupo si Drake sa mahabang couch at katabi niya si Jayvee na naglalaro sa tablet nito. Kambal sina Jenny at Jayvee, sobrang saya ni Tita Therese noong ipinanganak niya ang dalawa. Kambal na nga, babae't lalaki pa. "Oh?" nakapameywang kong hinarap si Drake "Kailangan mo?" "Bakit hindi ka nanood ng game ko kahapon? Ang sabi ni Tita umalis ka, saan ka nagpunta?" He pouted like a kid "Nanood ako, nanalo nga kayo e!" sinubukan kong maging masaya pero nagtunog-sarkastiko parin ako. "Bakit hindi kita nakita?" He looked at me, waiting for my response. "Busy ka kasi kakatingin sa iba, sa bola I mean" natawa ako at naupo sa tabi niya. "Baka mamaya nagsisinungaling ka lang ah?" Umiling ako "Nanood talaga ako, kaso sa likuran ako nakaupo kaya 'di mo nakita" Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko, "Hindi mo ako binati" "Kasi ano...tumawag kasi si Eunil pagkatapos ng game kaya kailangan kong umalis" I lied. Umalis agad ako doon kahapon dahil parang naninikip ang dibdib kong makita na ganoon siya kalapit sa ibang babae. Natural na reaksyon lang ba iyon ng isang kaibigan? O, ganito lang ako magreact kasi minsan na din siyang nagtapat sa akin? Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan. Hindi naman malinaw kung ano ba talaga ang meron sa aming dalawa. "Tara labas! Libre ko" pag-aaya niya I shook my head immediately "I need to review, sa susunod nalang" Nakita kong nalungkot ang itsura niya kaya I cheered him up, sinabi kong babawi ako pagkatapos ng battery exam. He nodded before leaning his head again on my shoulder, sumiksik siya doon bago dampian ng halik ang pisngi ko. Minsan na akong nahalikan ni Drake sa labi, pero isang beses lang 'yun at hindi ko pa alam. Patago niya akong hinalikan at halos mamatay-matay ako sa kakaisip kung sino ang nagnakaw ng first kiss ko siya lang pala! Nasa ganoong posisyon kami habang pinaglalaruan niya ang mga daliri ko, normal na sa amin ang ganoon. Sanay na kami sa isa't-isa, parang magjowa daw kami sabi ng iba pero magkaibigan lang naman talaga. "I've been awake for a while now You've got me feelin' like a child now 'Cause every time I see your bubbly face I get the tingles in a silly place" pagkanta niya "It starts in my toes And I crinkle my nose Wherever it goes I always know That you make me smile Please stay for a while now Just take your time Wherever you go" Napakasarap sa pandinig ang boses ni Drake, 'yan ang isa sa mga rason kung bakit ko siya naging crush noon. Ang galing-galing niya pagdating sa musika, nagtutugtog din siya ng gitara. "The rain is falling on my window pane But we are hiding in a safer place Under covers staying dry and warm You give me feelings that I adore" Naalala ko pa kung paano niya ako kantahan araw-araw, sa mga araw na pagod ako nandyan siya para pagaanin ang pakiramdam ko. Kahit minsan habang kinakantahan niya ako sa pamamagitan ng tawag, nakakatulog ako ng hindi nakapagpaalam sa kanya. Gigising nalang ako sa umaga at makakaramdam ng guilty. "They start in my toes Make me crinkle my nose Wherever it goes I always know That you make me smile Please stay for a while Now just take your time Wherever you go" "I miss your voice" I said in low tone. "Ako, 'di mo miss?" He pursed his lips looking at me. "Hindi" I said, holding back my laugh. I can't deny that he's so cute! "Akala ko ba pagre-review ka?" bigla nalang nag-iba ang tono niya, nagtatampo! "Aalis na nga ako!" ginalaw niya ang kamay niya kahit hindi ko naman iyon hinahawakan! Ang pangit gumanap amputa! "Nagpunta pa naman ako dito dahil sayo tapos hindi mo pala ako nami-miss!" pagmamaktol niya "D'yan kana nga!" at tuluyan na talaga siyang tumayo "Uyyy!" hindi niya ako pinansin. "Sorry..." wala akong ibang masabi, hindi naman kasi ako marunong manuyo. Akmang aalis na siya kaya hinawakan ko ang kamay niya at hinila pabalik. Napaupo ulit siya sa tabi ko kahit hindi naman ganoon kalakas ang paghila ko. "Sorry..." "Tss" nag-iwas siya ng tingin Natawa ako bago hawakan ang mukha niya at hinarap sa akin. Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko at hinalikan ang pisngi niya. Namumula siyang nag-iwas ng tingin pagkatapos ng ginawa ko, ha! I know your weakness. "'Wag ka ngang ganyan! Nakakainis naman, e!" reklamo niya "Ikaw pa lugi?" I teased. "Oo, dapat gumanti din ako!" ngumiti siya ng nakakaloko kaya agad akong tumakbo para takasan siya. The next day, I cleared those things bothering me, I refresh my mind and finalized my review. Dumating ang araw ng battery exam, halos mangatal ako habang dini-discuss ni Prof ang instruction. Nang makita ko ang items at questions nabawasan agad ang kaba ko. Nakita ko sa mga tanong ang mga ni-review ko kaya hindi ako masyadong nahirapan sa pagsagot. Nang matapos ang oras, nakahinga ako ng maluwag bago ipasa ang papel ko. Inaamin kong hindi ako masyadong nahirapan pero kabado parin ako sa magiging result. "Hi! How's the exam?" Cedric asked, one of my blockmates. "Okay naman, kabado bente" mahina akong natawa. "Coffee tayo? Libre ko" natigilan ako sandali bago ipasada ang tingin ko sa kabuuan ng room, hinahanap si Eunil. Pero hindi ko siya makita, panigurado pumuslit na naman 'yun sa engineering department o kaya humaharot sa labas. "S-sure" Ngumiti siya sa sinagot ko. Wala naman na kasi akong gagawin, mabuti nang makapag-chill kahit sandali lang. Nagtungo kami ni Cedric sa cafeteria at nag-order ng kape. I ordered Cappuccino and on the other side, he ordered Café Latte. We were between of our conversation about our plans after graduation when Eunil suddenly appeared. "Ahaaa! May kabit! Two timer!" she pointed at my face while looking at me with her unusual stare. She's ready to tease me. "Eunil naman!" iritang saad ko "Si Cedric lang naman, andami mo ng sinasabi!" Umupo siya sa tabi ko, "Kayo kasi, e! Next time isama niyo kasi ako!" "Wala ka naman kanina" si Cedric "Ay, sinilip ko lang naman 'yung crush ko" kinikilig niyang sabi She's unbelievable! Lagi nalang siyang pumupuslit kapag may libreng oras para lang makita 'yung crush niya. E, ang layo-layo ng department nun sa amin! Hindi ba siya napapagod? Sa bagay, basta maharot ka, gora lang! "Aki! Ano na? Tapos na ang exam, baka pwede tayong mag chill?" tanong ni Eunil Tumaas ang isang kilay ko, ano na naman kaya ang balak ng malandi na'to? "Magpapaalam muna ako kay Drake" sagot ko. Naningkit ang mata niya "Feeling jowa, mabuti pa ang traffic umuusad...'yung status niyo hindi" "Mabuti pa 'yung allergy sa katawan nagagamot, 'yung pagiging maharot mo hindi!" pambabara ko She dramatically held her chest and looked at me, as if she's ready to kill me anytime! Natawa lang si Cedric habang tinitignan kami. I thanked Cedric for the coffee and promise him na babawi ako next time. Dahil nagpumilit si Eunil, sinamahan niya akong magpunta sa court para magpaalam kay Drake. Halos malaglag ang panga ko nang maabutan kung paano dumikit at yumapos ang babaeng cheerleader kay Drake, todo kapit pa ito sa braso niya, kulang nalang ay kumandong siya! At ang mas kinaiinis ko pa doon, hinahayaan lang siya ni Drake! Kahapon lang ang sweet sweet niya! Ngayon nakikipagharutan na sa iba. "Hala! Mukhang...uh, kailangan na nating umalis?" nag-aalangang tanong ni Eunil I took all my courage and swallow the pain I'm feeling. Hinila ko parin si Eunil na pumasok para lumapit kay Drake. Awtomatikong lumayo ang babae sa kanya nang makita ako. Sa kabilang banda hindi manlang nagulat si Drake nang makita ako, sa halip ay malapad pa siyang ngumiti. "Uh, 'wag mo na pala ako hintayin mamaya...sasabay ako kay Kien, may pupuntahan lang kami" I lied. I'm sorry Kien! I need to use your name, alam ko kasing hindi papayag si Drake kapag mag-commute ako pauwi. Nakita kong tumaas ang kilay niya, "Saan kayo pupunta?" Agad naman akong nag-isip ng sasabihin ko para hindi niya mahalatang nagsisinungaling ako "May ibinilin lang si Tita, 'wag kang mag-alala! Si Kien naman 'yun, staka alam kong may training ka pa" I managed to plastered a smile on my face Nakita kong patingin-tingin pa 'yung babae sa akin kaya aksidente ko itong nairapan! "Right. Take care okay?" He messed up my hair before leaning a kiss on my forehead. Pinagaan nun ang loob ko, nawala kaagad ang pagdududa ko sa kanya. Kung mayroon mang namamagitan sa kanila ng babae hindi niya ako hahalikan ng harap-harapan. I waved my hand bago kami lumabas ng court. Kinalabit ako ni Eunil para tanungin kung okay lang ako and I nodded. Bakit naman hindi? Sumakay kami ng bus papunta sa kung saan, wala namang sinasabi si Eunil. Tahimik lang akong nagbabasa ng w*****d sa byahe hanggang sa kalabitin ako ni Eunil. "Alam mo ba kung saan tayo pupunta?" I rolled my eyes "Obviously? Sinabi mo ba kung saan?" sarkastikong tanong ko She giggled and playfully hit my shoulder "Diba sabi mo gusto mong makatikim ng alak?" I nodded, nakatikim na ako pero parang wala lang din naman 'yun. Gusto kong malaman 'yung epekto. Ohmyghad?! So it means mag-iinom kami ngagon?! "Ano ba talaga ang gagawin natin?" "Party and chill" kinindatan niya ako. Wala akong ideya kung saan kami pupunta pero bumaba kami sa Makati, Metro Manila Area. Hinila ako ni Eunil papunta sa isang warehouse. May nakabantay na bouncer nang pumasok kami, napatakip kaagad ako sa tenga ko ng marinig ang maingay na music at nakakahilong disco lights! "Mabuti nalang at hindi tayo naka-uniform ngayong araw kaya nakapasok tayo! Next time magpapa-sexy na talaga tayo! Biglaan, e!" rinig kong sabi ni Eunil Napatakip ako sa bibig ko. Oh my God! Huli na nang marealize ko na nasa isang bar kami! Hindi pa ako nakakapunta sa mga ganito pero alam kong ito ang itsura ng isang bar! Nababasa ko sa w*****d. I witnessed how the crowd cheered and dance like there's no tomorrow! That was so cool! Manghang mangha kong pinasada ang tingin ko sa paligid, para akong probinsyana na first time nakapunta sa ganito! Inaamin ko, nae-excite ako! Iniwan ako ni Eunil na nakaupo sa mahabang couch, kukuha lang daw siya ng maiinom. I was wondering kung bakit niya alam ang lugar na 'to? At mukhang sanay pa siya. Ilang saglit pa bumalik na si Eunil bitbit ang isang bote ng alak, malapad ang ngiti niya nang iabot sa akin ang shot glass. "Gago ka! Hindi ako prepared na dito tayo pupunta!" halos isigaw ko na iyon dahil sa lakas ng tugtog. I'm just wearing a skinny jeans and a white sleeveless top with a blazer on it. Jeans? Simple top?! Nakapang-school pa ang attire ko! Nakakahiya! Hindi ito ang mga nagbabasa ko sa w*****d, e! Next time bobonggahan ko na. Napairap ako bago kunin ang shot glass sa kamay ni Eunil. Dahan-dahan kong tinutok sa bibig ko at agad itong tinungga. Mariin ako napapikit nang maramdaman ito sa lalamunan ko. Masasabi kong mas okay ang lasa ne'to kesa sa beer na pinainom sa akin ni Kien. It's kinda bursting of strawberry lemonade flavor but it's actually really good. I reached the bottle to checked the drinks name. I need to be familiar with this drink! I can't taste the alcohol on it. Strawberry Lemonade Vodka Dahil sa nagustuhan ko ang lasa ng alak hindi ko na nabilang kung pang-ilang shot glass ko na ba. Naubos namin ni Eunil ang unang bote kaya inutusan ko pa siyang kumuha ulit. Pinasada ko ulit ang tingin ko sa kabuuan ng bar bago lumagok ng alak. "Ano ba 'yan, mukhang wala namang epekto sayo ang alak" ipinatong ni Eunil sa harap ko ang isa pang bote, pero ibang klaseng alak naman. "Gaga ka! Lalasingin mo ba ako?" Natawa siya "Bakit? Na-experience mo na malasing?" "Hindi pa" I cutely smiled. Kinuha ko ulit ang shot glass at tinikman ang alak na 'yun, ang tapang! Pero okay na. Nakailang shot na ako nang maramdaman ako nang kailangan kong mag cr, naiihi ako! Tinuro sa akin ni Eunil ang daan papuntang cr kaya agad akong tumayo. Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng hilo, s**t naman! Pinilit ko paring makaabot sa cr, ilang beses pa akong nabangga sa pader pero wala akong pakialam. Matapos kong mag-cr bumalik agad ako sa couch at sumandal, nahihilo ako pisti! "Oh? Kaya pa?" natatawang tanong ni Eunil "Of course!" I raise my hand I removed my blazer, and put it on the couch. My whole body feels warm and cozy. Yeah, I was tipsy! "Hoy day! Makikita na 'yung b*a mo oh! Isuot mo nga 'yan!" She scolded "Ang init!" reklamo ko, pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay. "Bahala ka d'yan!" I smiled cutely at her before leaving the couch, narinig ko pa siyang tinawag ako pero hindi ako lumingon. Baka ito ang una't huling beses ko sa club kapag may nakaalam, kaya susulitin ko na! Hinawi ko ang mga tao sa dance floor at pumunta sa gitna. "Anong balita sa radyo at T.V. Gano'n pa rin, kumakapa sa dilim Minsa'y naisip ko nang umalis na lang dito Kalimutan ang lahat, lumipad, lumayo." pagkanta ng banda sa stage "Bato-bato sa langit Tamaan 'wag magalit Alam naman natin kung sino ang tuso. Sa bawat sumpang umiiyak, singil ko ay piso Sa bawat lumuluhang dukha, alay ko'y dugo. May kasama ka kapatid, kaibigan Hangga't ako'y humihinga may pag-asa pa Hallelujah..." "Hallelujah...!" I shouted raising my hand "Sinong sawa, sinong galit Sumigaw, ngayong gabi" "Woahhhh!" I scream "Sinong sawa? Sinong galit?! Walang tayo, pero masakit!" I sang loudly. After a few minutes of singing and dancing I decided to go back on the couch. I feel dizzy, bullshit! Woah! Goosebumps! I just bumped with someone! "Ops, Hi? I'm sorry" I awkwardly smile, but he just turn his back on me. Ugh! I manage to reach our couch and got surprise seeing Eunil with Andrei. Anong ginagawa ni Andrei dito? Siguro nagmamalik mata lang ako. Lumapit pa ako sa harap nila at si Andrei nga! "Hi Andrei!" I greeted "Gago lasing na'to ah?" gulat niyang sabi. Natawa lang ako bago umupo sa couch na kaharap nila. "Anong ginagawa mo dito?" I teased. Pero hindi siya sumagot. "Hoy maharot kong kaibigan?Anong ginagawa niyan dito?" binaling ko ang tingin ko kay Eunil pero ngumiwi lang siya. "Ahaaa!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD