CHAPTER TWENTY FOUR “Kung alam ko lang na mas malayo pala ito eh di sana sa ibang OB—“ Bigla ko siniko ng ubod ng lakas si Felix sa tiyan kaya napangiwi siya at sapo ang nasaktan niyang tiyan. Maliban sa magpacheck up ay gusto naming malaman 'yong gender nila dahil puro na lang hiling ni Felix ay sana daw babae ang tatlo. Tsaka almost eight months naman 'to kaya pwede na naming malaman 'yong gender nila. “Si Graciella lang naman ang pinagkakatiwalaan ko kaya huwag ka ng magreklamo. Magpasalamat ka na lang at sinama kita dito.” “Thanks, Buttercup.” Pang-aasar niya sa akin na inignora ko lang. “Pagpasensiyaan mo na ang lalaking 'to,Grace. May sayad lang siya sa utak kaya ganyan siya.” Apologetic na bumaling ako kay Graciella na mukhang naamuse na nagmamasid sa amin. “Oh don’t worry hin

