Chapter 69

1266 Words

NAGTAGIS ang bagang ni Patrick. Ramdam niya ang matinding tensyon sa panga niya habang mahigpit na kumikiskis ang mga ngipin niya, para bang iyon na lang ang natitirang paraan para pigilan ang pumutok na damdamin. Sa isang iglap, naibato niya ang hawak na champagne glass sa pader ng penthouse. Malakas ang tunog ng pagkakabasag nito, nagkawatak-watak ang mga bubog sa malamig na sahig. Ang basag na tunog ay tila sumabay sa basag na sigaw ng puso niya. Siguradong alam na ni Graciella ang totoo ngayon. Hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Ilang ulit niyang tinangka, ngunit paulit-ulit ding tumutugon ang malamig na katahimikan sa kabilang linya. Mas masakit pa, pinatay nito ang cellphone nito para tuluyan na siyang hindi matawagan. Para bang sinasampal siya ng katotohanang ayaw nitong mar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD