MALUNGKOT na tinanaw ni Patrick ang papalayong kotse ni Graciella. Parang mabigat na batong nakapatong sa kanyang dibdib ang bawat segundo ng paglayo nito. Hindi niya inalis ang mata roon hanggang sa tuluyang maglaho ang sasakyan sa kanto, hanggang sa wala na siyang nakikitang kahit anong bakas ng presensya ng dalaga. Kasabay ng pagkawala nito sa paningin niya, naramdaman niya ang matalim na kirot na dumurog sa kanyang dibdib. A raw pain. Nakakayanig. Naramdaman niya kung paano kumirot ang bawat pintig ng puso niya, na para bang may pumipilipit dito nang walang pakundangan. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili, pinanlalabanan ang bugso ng damdamin na nagtutulak sa kanyang habulin ito. Halos humakbang na siya papunta sa garahe, halos buksan na ang pinto ng pick-up truck niya at sumunod sa

