Chapter 31 ~ Regretting ~ Charlly's POV Nasilaw ako sa liwanag na tumapat sa mukha ko. Nananadya ba ito? Sinong matinong tao ang magtatapat ng flashlight sa mukha ng taong natutulog? Napamulat ako. Araw lang pala. Sinag ng araw galing sa naka bukas na bintana. Pumikit ulit ako. Ang sakit ng ulo ko. Siguro gawa ng whisky na ininom ko kagabi. Bakit ka kasi umiinom, Charllyana? Eh hindi ka naman sanay sa alak? Dapat talaga ay nakikinig ako kay Mak! Hindi dapat ako basta-basta umiinom. Umikot ako patalikod sa bintana. Nakakasilaw masyado ang araw. Pinalitan siguro ni Ate Cecil ang kurtina ko. Kulay pula ang kurtina ng kuwarto ko kaya hindi basta-basta nakakapasok ang sinag ng araw. Pagkaharap ko sa may likod ko ay may nadaganan akong matigas na bagay. Kailan pa tumigas ang unan ko? Na

