Chapter 24 ~Sorry~ Charlly's POV Nakapangalongbaba lang ako. Maya-maya ay napapakamot na ako sa may pisngi ko. Anak ng! Ang hirap ng hands on namin. Yeah, hands on namin ngayon. Wala naman pumapasok na sagot sa mga tanong na napag-aralan namin this pass few days. Hays, kasalanan ito ng buwiset na unggoy na iyon eh. Singit nang singit sa buhay ko. Idagdag pa na may ginagawa pa kaming rehearsal. May asungot pa sa bahay. Well, hindi ko alam kung anong kinalaman nya. Basta, hindi ako nakakain kanina nang komportable dahil sa kanya. Hindi pa ako move on sa paninira nya sa Warriors kagabi. Napabuntong-hininga naman ako. Pagnaaalala ko ang nangyari na iyon, nakokonsensya ako. Hindi ko kasi napagtanggol ang Warriors sa pangungutsa nila. Napatingin ako kay Mak nang marinig ko syang tumikhim

