CHAPTER 9 ~Rules~ CHARLLY's POV "Please." May lungkot sa mga mata niya. Ngayon ko lang nakita ng ganito si Martin. Ibig sabihin ba nito ay totoo ang sinasabi nya? Pero paano? Wala naman akong ginawa para magustuhan nya ah? Paano nya ko magugustuhan kung lagi ko lang syang sinusungitan? May kung ano sa loob ko na gusto syang tanggapin, pero meron din sa akin na ayoko. "Charlly, please.. ngayon lang, " pangako nya. "After this, hindi na kita guguluhin. Please?" Napakaamo ng mukha ngayon ni Martin. Kung iba nga lang ang senaryo ngayon ay pagtatawan ko pa sya. Ibang-iba kasi ang Martin na kaharap ko ngayon. Ang sarap sana sa pakiramdam nang hindi kami nagtatalo at mukhang wala na rin sa mission nya ang bwisitin ako. *** Gusto sana ni Charlly na pagbigyan si Martin na kilalanin nila ang

