Chapter 37 ~ Sun ~ Charlly's POV Umupo ako sa tabi ni Mak. Nakita ko syang naka upo sa tabi ng pinto ng ICU. Nakatukod ang dalawa nyang siko sa hita nya at medyo naka yuko sya. Hinagod ko lang ang likod nya para i-comfort siya. "Sorry..." sabi nya nang hindi ako tinitingnan. Naguluhan ako sa sinabi nya. Hindi ko alam kong para saan ang sorry niya. Wala naman akong matandaan na kasalanan niya sa akin. Sinilip ko ang mukha nya. "Para saan?" malumanay kong tanong. Kung iniisip nyang kasalanan nya kaya nasa ICU ngayon si Bella at hindi nya naalagaan, alam kong mali sya, dahil ginawa nya ang lahat para maalagaan nang maayos si Bella. Nag-anga na siya ng tingin sa akin. "Sorry. Sabi ko ay tutulungan kitang hanapin si Martin, ang kaso ay hindi ko na nahintay si Dennis. Hindi ko rin sya m

