Chapter 21 ~ Visitor ~ Charlly's POV "Hi john, daddy's here... I love you?" Sunod-sunod na napa 'aahhh' ang mga kasama ko na walang iba kung hindi ang Warriors na para bang sobrang na-touch sila sa sinabi ng bida sa pinapanood namin. Nilingon ko sila na para bang hindi ako nakuntento sa ingay na nililikha nila kada magsasalita ang mga cast ng pinapanood namin. "Isa pa," sarcastic kong sabi. Naningkit naman ako nang nagsunod-sunod nga silang nag 'aahh' na para bang nata-touch talaga sila. "One more time," maarteng sabi ni Kiel na naiipit pa ang 'R' sa letra nya. Napakamot naman ako sa pisngi ko. Nagsunod-sunod na naman ang ingay nila. Nandito kami ngayon sa malapit sa library. Heto, nakikigWiFi. Nanonood kami ng 'Secret of the American Teenagers. Actually, ako lang naman talaga ang

