Chapter 28 ~ Choose ~ Charlly's POV Naglinga-linga ako para subukang maghanap ng sasakyan na dadaan. Malayo ang sakayan kaya pinag-iisipan pa namin kung iiwan ng unggoy na iyon ang sasakyan nyang mag-isa rito. Wala rin mga tao at malapit na bahay. "Iwan mo na kasi iyang kotse mo!" Pagpupumilit ko sa kanya. "Sandali lang naman, e. Kapag may nakita na tayong mga tao ay babalikan na natin iyan." "Baka nga kasi ma-carnap habang wala tayo," pagdadahilan nya sa mahinahong tono. "Ano naman ang makukuha dyan? Wala na ngang gulong, oh! " "Bakit? Wala bang magagawa sa baterya, makina para hindi pagkainteresan?" "Sus! Anong gagawin nila sa baterya?" sabi ko at naupo sa tabi nya. Naka upo lang sya sa may bunganga ng sasakyan niya. "Malay ko, carnapper ba ako?" Nag-roll eyes ako sa kanya. "

