Halos hindi na ako nakikinig sa professor namin.Naguguluhan ako.Iniisip ko si Jaime.Nagtataka rin ako na wala si Sheena.Kinuha ko ang cellphone na ibinigay sa akin ni Kenzo. Binuksan ko ito at nakita ko may nagmessage. "Text me later if wala ka sundo.Save this number".-Kenzo. Si Kenzo ang nagtext sa akin.Lunch break na at nagsilabasan na ang mga kaklase ko. Kinuha ko ang aking sling bag at lumabas na rin. "Ano ba! Akin na iyang bag ko!" Napatingin ako sa babaeng pinagpasa-pasahan ng mga babaeng taga ibang section ang kan'yang bag. "Nerd! Transferee ka lang dito!"ani ng isang babae na sobrang iksi ang kan'yang suot. Naaawa naman ako sa babaeng nakasalamin na katulad ko. "Please, akin na ang bag ko."nagsusumamong saad niya. Buti na lang may dumaan na guro kaya binigay nila agad ang

