"Gold?"nasa biyahe pa rin kami ni Gold.Ginabe na kami masyado dahil sa sobrang traffic. "Yes?" "Pinasundo ba talaga ako ni ate Z?"mahinang tanong ko sa kan'ya. "Yeah, tumawag si Dove kay Z," "Dove? Sino si Dove?"nagtatakang tanong ko. "Ha...ahmm.. kaibigan namin, nakita ka kase na kasama mo si Vicente," Huminga ako ng malalim. "Mahirap ba ako mahalin Gold? Bakit hindi ako kayang piliin ni Jaime?" "No, hindi ka mahirap mahalin, may tanong ako sa iyo,"seryosong saad ni Gold. Napatingin naman ako sa kan'ya. "Ano iyon?" Napasulyap ito ng mabilis sa akin, at mabilis rin ito ibinalik ang tingin sa daan. "Puwede bang ligawan kita?" Napaubo naman ako. Liligawan niya ako? Akala ko ba liligawan niya si Sheena. Napasimangot naman ako. "Friends lang tayo,"sagot ko naman sa kan'ya. "Ou

