"Zen, aalis kami ng Daddy mo, mga isang buwan kami sa US,"ani ni Mommy na pumasok sa silid ko. "Si ate Zia po Mommy?" "Nasa Italy ang ate mo, si kuya Zack mo naman wala rin dito, nandito naman si Yaya, okay?" Ngumiti lang ako kay Mommy. "Baby, I'm so proud of you," "Mom, malaki na po ako,"nakangiti na sabi ko. "Mas may bait ka pa kay ate Zia mo,"natatawang sabi ni Mommy. "Mommy magagalit si ate," natatawang sabi ko. Niyakap ako ni Mommy. "Kailan lang baby ka pa, ngayon dalaga na ang bunso namin," "Love you Mom,"niyakap ko din ito ng mahigpit. "I love you Princess, sige na gagayak na kami," "Sige po, Mom pupunta po pala ako kay Sheena," "Sige, mag -ingat ka," "Opo," "Mom, ano oras po kayo aalis ni Daddy?" "Mamayang 3pm ang flight namin," "Ah, ganun po ba," "Oh sige na, iga

