"Zen?" "Yes po, Yaya." Nag-aayos na ako papunta sa university.Hindi na ako nag-suot ng uniform, simpleng dress lang ang suot ko at naka heels. "Kumain ka muna bago pumasok." "Kumain na po ako yaya, si kuya Zack po?"tanong ko kay yaya, bihira na umuuwi si kuya Zack dahil busy na ito sa girlfriend niyang si ate Kara.Si ate Z naman, lagi na lang wala sa bahay.Matagal pa naman uuwi sila Mommy at Daddy. "Naku, huwag mo na hanapin iyon, masaya nga ako tumino na ang kuya Zack mo, may babaeng nagpatino na sa kan'ya." Napatawa naman ako. "Magpapahatid ka ba?"tanong ni Yaya. "Huwag na po, magtataxi na lang po ako." "Ah sige, bababa na ako." "Opo." Pagkatapos ko nag-ayos, kinuha ko na ang shoulder bag ko at bumaba na. Marami namang taxi dumadaan sa subdivision kaya mabilis lang ako nakasa

