"Jaime Will!"galit agad na bungad sa akin ni Daddy.Umuwi kase ako sa mansion. Tamad ko itong tiningnan. "Ano namang gulo ang ginawa mo!" "Gulo? Sa hospital ba?"blangkong mukha na tanong ko sa kan'ya. "Ayusin mo ang buhay mo Jaime!" "f**k! f**k! Maayos naman ang buhay ko! Pinakialaman niyo lang!"sigaw ko kay Daddy. Bigla lang ako sinuntok ni Daddy, at napasubsob ako sa sahig. Mahina naman akong napatawa. "Gan'yan mo ba sagutin ang iyong ama! Hindi ka pinalaki para maging bastos!"galit na saad nito sa akin. Pagak akong tumawa. "Pinalaki niyo ba ako para maging miserable ang buhay ko?"mahinang tanong ko sa kan'ya na puno ng hinanakit."Sobrang yaman ko naman kung tutuusin, hindi ko na kailangan ang yaman ninyo! Pero ang gusto niyo pa rin ikaw ang masusunod sa buhay namin ni Sheena!"

