Aleissa's P.O.V
Natakot ako don hah,oh...well buti nalang at hindi nila ako nakita.
"Aleissa!dear over here!"sigaw ng isang magandang boses.
"Oh...mom!"sigaw ko pabalik at nilapitan sila ni dad na nakikipag usap sa matandang tagapayo.
"Kamusta mahal na prinsesang Aleissa" magalang nitong pagkamusta at bahagyang yumuko.
"Mabuti naman po matandang tagapayo"maligaya kong sambit,ano kaya ang kanyang sadya at naparito s'ya.
"Hmm...mabuti naman po"naka ngiti nitong ani at tumuwid nang tayo "Maligayang kaarawan mahal na prinsesa pero--"hindi na n'ya naituloy ng biglang nag salita si mommy.
"Kami na ang bahalang mag sabi sa kanya matandang tagapayo."sabi ng inang reyna,I mean mommy.
"Osige po kamahalan,aalis na rin po ako"ani ng matandang tagapayo at nagbigay galang muna bago umalis.
"Mom,dad?what was that?" naguguluhan kong tanong.
"Anak may mga kawal ang nakakita sa kanya"ani ni Ina,asaan na ba s'ya?
"Aray!!"biglang daing ko at kinapa ang aking kaliwang dibdib kung saan naroroon ang aking puso.
"Anong porblema anak?"nag aalalang tanong ni mom na sinimangutan naman ni dad.
"Aleissa?are you okay?"nag aalala ring tanong ni dad at agad akong inalalayan.
Ano bang nang yayari?bakit pakiramdam ko ay nag aalab ang aking dibdib at mukhang hinihigop nito ang aking lakas.
"Anak anong ng yayari?"
"Anak sumagot ka!!"
"Mahal na prinsesa!!"
Hindi ko na makilala ang kanilang mga boses na bibingi na rin ako.
Tuluyan na akong nang hihina at nawawalan na rin ako nang lakas hanggang sa dahan dahan na akong pumipikit at bumigay na rin ang aking katawan.
>>>>>>>>>>>>>>>>><<<<<<<<<<<<<<<<
"Mahal na Prinsesa Aleissa?"
Bungad sa'kin ng isang mahinhing boses,lumingon Lingon ako sa paligid at nakita ko ang isang malawak na damuhan at mukhang wala itong katapusan dahil sa sobrang lawak
Nagmasid pa ako sa paligid nang mahagip ko ang isang babaeng naka tayo sa may bandang kanan ko.
"Sino ka?asan ako?bakit ako narito?"sunod sunod kong tanong sa kanya,nakita kong napa ngiti s'ya at bahagyang lumapit sa'kin.
"Mahal na prinsesa,narito ka upang mabuo ang iyong kapangyarihan."ani n'ya at ngumiti.
"Ako nga pala si Waira ang iyong Air guardian spirit"naka ngiti n'yang sabi.
"Air guardian s-spirit?" naguguluhan na talaga ako,ibig sabihin totoo ngang meron talaga akong guardian spirits?
Pe-pero bakit nag iisa lang s'ya?
"Wag kang mag alala Mahal na prinsesa lalabas din ang iba pang guardian spirit mo,pero bago yun kailangan mo munang matalo ako." Ani n'ya kasabay naman non ang aking pagtayo.
"OK madali akong kausap" deretso kong sagot at lumayo nang bahagya sa kanya hudyat na handa na akong lumaban.
"Magaling mahal na prinsesa, matapang ka at hindi mo kami bibiguin."naka ngiti n'yang ani at nag mlabas ng air bomb at agad na ibinato sa'kin.
Agad ko itong iniwasan at nag labas ako ng air sword kasabay non ang palihim Kong pag bato sa kanya ng air spikes
dahilan para manghina s'ya kaya agad ko s'yang tinutukan ng espada hudyat na panalo ako sa laban.
"Magaling mahal na prinsesa,mula ngayon ay asahan n'yo pong gagabayan ko po kayo ibulong n'yo lang po ang aking pangalan at lilitaw na ako at pagsisilbihan ko po kayo"naka ngiti n'yang sabi"pero hindi pa po rito ito magtatapos may iba pa kayong kailangan mapasunod."huling sabi n'ya at biglang naglaho.
"Handa na ho ba kayo mahal na prinsesa?"tanong ng isang boses lalaki na ikina gulat ko.
Nang maka bawi na ako ay napa ngiti't tumango ako.
"Bago tayo magtuos ay mag papakilala na muna ako sayo mahal na prinsesang aleissa,ako po si Aqua ang iyong Water guardian spirit."ani ng lalakeng nasa harap ko hindi pa man ako nakaka sagot ay agad na n'ya akong binatohan ng water ball na kung hindi man ako nagkakamali ay matindi ang epekto nito pagtumama sa akin.
"Aw..."daing ko,ba't hindi man lang s'ya nagbigay nang hudyat na susugod na pala s'ya, hay...kainis ang sakit tuloy ng katawan ko.
"Ako naman"bulong ko at tumayo,papalapit na s'ya nang nginitian ko s'ya dahilan para sumimangot ang kanyang mukha,tignan lang natin kung hindi pa kita matalo.
"Freeze"ani ko na naka pagpahinto sa kanya at bigla s'yang binalot ng yelo dahilan upang manigas s'ya.
Nilapitan ko s'ya at nginitian nang nakakaloko "pano bayan panalo na ako" ani ko"kahit na ano pa ang gawin mo dyan ay hindi ka na makakawala no"sabi ko na nginitian naman n'ya at isang kisap mata lang ay bigla s'yang nag laho.
I can feel that they're going easy to me,alam kong may igagaling pa sila.
"Magaling mahal na prinsesa,mula ngayon ay ako na ang iyong water guardian"rinig ko at kung hindi ako nagkakamali malamang kay Aqua galing ang boses na iyon.
"Hi po mahal na prinsesa"ani ng isang masiglang boses ng babae,agad ko s'yang nilingon at binatuhan ng air spikes na hindi naman n'ya na ilagan at nag labas ako ng fire sword at itinutok ito sa leeg n'ya.
"Ahy...hindi pa nga ako nag papakilala talo na agad ako?grabe naman mahal na prinsesa...."aniya at nagpout.
"Ohsya talo na rin naman ako kaya isang tawag n'yo lang sa pangalan ko ay darating at tutulungan ko po kayo mahal na prinsesa"aniya at ngumiti.
Hindi ko pa rin tinatanggal ang pagkakatutok ko sa leeg n'ya,mahirap na at baka sugurin n'ya ako.
"Ahm...ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ko,hindi na kasi s'ya naka pagpakilala kanina dahil sa biglaang pagsugod ko,hehe....baka kasi maunahan pa ako eh...
"Ako nga po pala si Icy ang ice guardian mo,mahal na prinsesa"pag katapos n'yang mag pakilala ay bigla na rin s'yang naglaho tulad nung iba ko pang guardian spirit.