Aleissa's P.O.V
Nagsimula na akong mamili ng mga nagugustuhan kong gamit tulad ng iba't ibang klase ng mga damit at mga simpleng sandals,wala ring nakakakilala sa'kin dahil sa hood at mask ko,Yup!naka mask ako color black at white na mask yung nabili ko para may pamalit ako.
Sa ngayon ang gamit ko ay white para mag match ito sa damit ko,at least nakakapaglakad ako ng maayos hindi tulad noong kanina nakayuko akong naglalakad hay.....buti at wala akong na babangga.
"Aray...."daing ng isang babae.
Sabi ko nga kanina wala akong na babangga pero ngayon heto naka subsob na kaming dalawa sa lupa.
Agad akong tumayo at tinulungan s'yang tumayo,"okay ka lang miss?sorry hindi ko sinasadyang mabangga ka"nag-aalala kong tanong sabay paumanhin sa babae.
"Ah...okay lang ako,sorry din huh"sabi n'ya at pinagpagan ang kanyang damit,agad niya akong tinignan at ngumiti.
"Sorry ulit miss,ano nga pala ang pa--"Hindi na n'ya naituloy ang kanyang sasabihin sana nang may sumigaw na babaeng kulay berde ang buhok.
"Agua!!!!!"sigaw nito at sumabit ito sa likod ng babaeng asul ang buhok na nakabunggo ko kanina.
"Ano ka ba Flora!!"sigaw ng babaeng asul ang buhok.
Bakit ganito bakit parang pamilyar sa'kin ang mga pangalan na yan?
Haysss!tama na yan Aleissa,madami ka pang pupuntahan.
"Ahm...miss alis na ako may pupuntahan pa ako eh....sorry ulit"at agad na akong naglakad, hindi pa ako nakakalayo masyado kaya narinig ko pa ang pag-uusap nila.
"Sino yun agua?"rinig kong tanong ng babaeng berde ang buhok.
"Hala tanga,hindi ko naitanong ang pangalan n'ya dahil sayo!!"sigaw n'ya narinig ko namang napa daing ang isang babae.
Patuloy lang akong naglakad hangang sa makarating ako sa Vanesse garden,oo tama kayo ng nabasa Vanesse nga ang pangalan ng garden nato dahil isinunod ito sa pangalawang pangalan namin.
Umupo muna ako sa damuhan at itinabi muna ang aking pinamili,itong Garden nato ay nasa loob na ng aming kaharian kaya walang makakakita sa akin dito.
Tinignan ko muna ang paligid upang makasiguro na walang makakakita sa'kin,nang masiguro kong walang enkantado/enkantada sa paligid ay dahan dahan kong ibinaba ang aking hood at ibinaba ang mask na gamit kk.
Napa hingang malalim ako at inilibot ang aking tingin sa paligid saka ako naglakad-lakad at namitas ng mga bulaklak upang gawin itong koronang bulaklak.
Ilang minuto rin akong namitas kaya ngayon lang ako napa upo ulit.Tumingala ako sa kalangitan at pinagmasdan ang puting ulap na malayang iniihip ng hangin.
-flashback-
"Tignan mo Aleissa ang ganda ng gawa kong korona oh..."sabay ipinakita ang bulaklak na korona.
"Oo nga ang ganda naman n'yan...pwede bang akin nalang yan?"nakangiti kong sabi.
"Syempre sayo naman talaga yan mahal na prinsesa"natatawa n'yang sabi at inilagay ang bulaklak na korona sa aking ulo.
"Salamat,ako rin oh...ginawan rin kita" agad akong lumuhod at inilagay ang gawa kong bulaklak na korona.
"Salamat mahal na prinsesa"sabay ngiti n'ya ng matamis sa'kin.
"Walang ano man mahal na prinsesa" natatawa kong sagot.
"Psst.."
"Psst.."
"Rinig mo ba yun Aleissa?"tanong n'ya na tinanguhan ko naman.
"Tara puntahan natin"sabay tayo n'ya at tumakbo papunta sa kakahuyan.
"Teka hintayin mo ako!"agad akong sumunod sa kanya,hagang sa nakita kong binuhat s'ya ng isang lalake.
"Hi!Lolo"masayang bati n'ya.
"Lolo?"tanong ko
"Aleissa halika apo"nakangiting ani ni lolo at napa ngiti naman ako at lalapit na sana kay lolo ng buhatin ako ng isang babae.
"Dad bitawan mo s'ya!"galit na sabi ni daddy
"Apo ko s'ya kaya hayaan mong sumama sila sa'kin"seryosong sabi ni lolo.
"Saan ba tayo pupunta lolo?"nakangiting tanong n'ya.
"Pupunta tayo sa kaharian ko apo"sabay ngiti pabalik ni lolo.
"Hindi,hindi ka sasama sa kanya!"sigaw ni dad.
"Pasensya kana anak gustong-gusto ko nang makapiling ang aking mga apo,kaya ibigay n'yo na sila sa'kin!"sabi ni lolo.
"Hindi mo makukuha ang mga anak namin kaya ibalik mo na s'ya papa"pagmamakaawa ni mommy.
"Aleissa apo halika mamasyal tayo" nakangiting tawag ni lolo sa'kin.
"Halikana aleissa saglit lang naman tayo,diba lolo?"nakangiting aniya.
"Mukhang ayaw n'ya apo kaya sa susunod na lang natin s'ya dalhin,okay ba apo?"sabi ni lolo at nginitian ako "oh..apo magpaalam ka na kay Aleissa"
"Hindi,ibalik mo s'ya dito dad!"galit na sigaw ni daddy at bumwelo na tila susugod ito ng ano mang orasl.
"Bye,bye mga anak"nakangiting sabi ni lolo kay daddy at nilingon n'ya kami ni mommy"apo hindi na kami magpapaalam sayo babalikan ka naman namin eh..."ngiting-ngiti na sabi ni lolo at tuluyan nang naglaho.
"Anak ko!!!!!!"sigaw ni daddy,agad naman kaming lumapit ni mommy at niyakap si daddy na umiiyak pati narin si mommy ay umiyak na rin.
Ibabalik naman s'ya ni lolo diba?
-end of flashback-
"S'ya nga yung nakabunggo sa'kin kanina"napa balikwas naman ako sa pagkakaupo at agad na itinaas ang aking mask ang aking mukha at inayos ang aking hood.
Hala dumami sila huh?patay baka boyfriend nila yung mga nasa likuran pero ba't tatlo yung lalake?hala baka gantihan nila ako!humingi na lang kaya ako ng paumanhin?pero nagpaumanhin na ako kanina baka hindi yun ang ipinunta nila rito.
PAANO NA TO?!!!
What to do Aleissa?!