Chapter 14:Sorry

1090 Words
Aleissa Vanesse's P.O.V Kakatapos ko lang mag-ayos nang may ibulong sa'kin ang hangin kasabay naman nun ang maitim na awrang nararamdaman ko. 'Dark Felorssss' 'Dark Felorssss' Paulit-ulit na bulong ng hangin at naglabas ito ng itim na usok na galing sa ibaba ng aking balkonahe,kaya agad akong pumunta sa kinaroroonan ng maitim na usok.Papalapit na ako at nahahagilap ko na rin sina Agua, akala ko sila lang ang naroroon pero mukhang may mga kasama pa sila at itim ang mga suot nito. "Tsk!apo ni Eloisa ang kailangan namin kaya ibigay n'yo na s'ya sa amin"rinig kong malamig na utos ng isang...dark felors? A-anong ginagawa nila dito?ano ba ang kailangan nila sa akin?! "Wala--"hindi ko na pinatapos pa si drion dahil hindi na talaga ako mapakaling tanungin sila kung bakit sila andito o kung ano ang kailangan nila. Tutal ako naman ang hinahanap nila. "Anong nangyayari dito?"tanong ko at bahagyang lumapit sa kanila. Gulat akong tinignan ng lima,bahagya namang yumuko sa aking harap ang mga dark felors na tila nagbibigay pugay sa aking pagdating,ano bang ginagawa nila? Nakilala ba nila ako?a-ang aking kapa. Agad akong napa atras nang dahan-dahan silang lumalapit sa'kin. "Lu-lumayo kayo!"utos ko,tuloy pa rin ako sa pag-atras habang tuloy pa rin sila sa paglapit sa'kin."P-paki usap lumayo kayo s-sa'kin."pagpapakiusap ko at patuloy parin sa paghakbang. "Sumama na kayo sa amin mahal na prinsesa"malamig ngunit magalang na sabi ng dark felor na nakasuot ng pulang maskara. "H-hindi ako p-prinsesa"mariing tanggi ko,napa hinto naman sila sa paglapit sa'kin. "Apo ka ni Eloisa diba?"tanong nung dark felor na may suot na berdeng maskara. "I am not!you're just mistaken,I'm not who you're looking for so please LEAVE!" matapang kong usal. "Hmm....I'm not yet convince princess"anang nakapulang maskara na aking ikinakaba. "STOP!!"sigaw ni Flora."rinig n'yo naman diba?hindi nga s'ya prinsesa!"Galit na sigaw nito kasabay naman nun ang paglabas ng mga malalaking ugat sa paligid namin. "Ginagalit n'yo kami"malamig na ani ni drion at nagpaulan ng mga fire blades at fire thorns,agad akong pumunta sa panig nina Drion upang tumulong. "Pasensya na kayo matagal na nila akong na pagkakamalan na prinsesa"pagsisinungaling ko. "Okay lang yun Vanesse"nakangiting ani ni flora at niyakap ako saglit. I know lying is wrong but I...I need to be safe I'm sorry guys... "Huling babala ko na ito sa inyo,Umalis na kayo habang nagtitimpi pa ako"dahan-dahang sabi ni drion ngunit may diin ang bawat salita nito. "Tsk...aatras na muna kami pero babalik kami mahal na prinsesa"anang nakapulang maskarang dark felor at agad silang nagpalit anyo bilang mga uwak na may pulang mga mata at lumipad palayo"babalikan ka namin". "B-bakit nila ako g-gustong makuha?"naiiyak kong tanong at napa upo sa damuhan. I'm sorry guys,I need to do this,I know this is selfish of me but someday everything will be fine and I'll tell you everything,just not now. "Ang sabi mo kanina matagal kana nilang na pagkakamalan,pero bakit alam nilang apo ka ni Pres.Eloisa pero mariin mo iyong itinanggi?"tanong ni Areo at isa-isa na silang napa upo. Should I lie again?huh tinatanong pa ba yan Aleissa?pero paano kung sa pagdating ng panahon at nalaman na nga nila kung sino talaga ako ay baka bigla nalang silang lumayo at magalit sa'kin,ano ang gagawin ko? ...kailangan ko pang magtago at hintayin ang utos nila mommy at daddy at kapagsinabi na nilang malaya na ako,agad naman akong magtatapat sa kanila konting tiis lang naman o mahabahaba pa,basta malalaman rin nila kung sino talaga ako balang araw. Tumingala ako sa asul na langit at gumuhit ako ng nakangiting imahe sa mga ulap,kita kong nakatingala narin sila kabilang na ang masungit na si drion. "prinsesa ako sa pamilya namin,dahil.....nag-iisang anak lang ako"pagsisinungaling ko at malungkot na napangiti. "Nakangiti ang ulap pero malungkot naman ang gumuhit nito"ani ni agua. "Hindi ko man nakikita ang kabuuhan ng mukha mo pero alam mong,alam ko na malungkot ka"ani ni agua at malungkot na ngumiti. "Agua"tawag ni areo,napataas naman ng kilay si agau"hindi ko naintindihan"dagdag pa ni areo at nagkamot ng ulo. "Kala ko ba matalino ka?!"sigaw naman ni flora. "Si agua naman ang kausap ko ah.."Pambabara ni areo kay flora. "S-sabi ko nga"taas noong ani ni flora saka inismiran si areo. Kung hindi lang sana s'ya kinuha ni lolo ay baka ganito rin kame kasaya ngayon nakakalungkot lang isiping hindi kami magkasama ngayon. "VANESSE!"sigaw nung apat sa'kin,nakalulon ba sila ng microphone? "Mabibingi ako n'yan eh"ani ko at tumayo. "Sorry naman hindi ka kasi nakikinig"pagpapaumanhin ni flora sabay pakita ng peace sign. "Hindi naman ata kayo lumulon ng buong microphone diba?"birong tanong ko. "Vanesse hindi kami lumulon ng microphone pero kung si flora malamang oo"asar ni areo kay flora na ikinatawa ng apat maliban kay flora at sa'kin,nagpipigil kasi ako baka magtampo si flora eh... "Na ha-high blood na ako sayo areo hah! Tigil-tigilan mo ako!"amok ni flora,hindi naman nagkaka high blood ang mga enkantada at enkantado eh.... "Hahahaha....maniniwala na sana ako flora pero mukhang invalid ang sakit na magkakaroon ka HUWAHAHAHAHAHHA..." Dagdag ni freezene na galusan pa,ginawa ba sa kanya ng mga dark felors ito? Umupo ulit ako sa damuhan at tinignan ang mga galos ni freezene at napa kagat labi,kasalanan ko ito. "Freezene ang mga galos na ito ba ay gawa ng mga dark felors?"halos pabulong kong tanong ngumiti lamang s'ya at nilaro ang d**o,mukhang ayaw niya akong sagutin. "Gawa nga ng mga dark felors yan vanesse ayaw n'ya lang aminin sayo dahil alam n'yang mag-aalala ka."ani ni agua,syempre mag-aalala ako dahil ako ang pakay nila pero iba ang sinaktan nila dahil sa'kin. Itinapat ko kay freezene ang palad ko at naglabas ng healing light,ilang minuto rin itong nagtagal at unti-unti nang bumalik sa dati ang maputi n'yang balat."Sorry sa inyo kung na damay pa kayo,ako naman talaga ang pakay nila"malungkot kong paumanhin at yumuko. Ayaw ko nito,ayaw kong may ibang nasasaktan ng dahil sa kaduwagan ko pero sana kung may magagawa lang ako ay walang sino man ang malalagay sa alanganin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD