CHAPTER THREE: Abuso

1650 Words
-=Arnold's Point of View=- Lumipas ang mga araw, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa din makita ang lalaking gumugulo sa isip ko, makakatulong sana kung nakuha ko ang pangalan niya, pero wala eh. Katulad nang mga nakaraang araw ay bigo pa din akong mahanap ang taong iyon, kaya naman bigo akong dumiretso sa locker room na nasa loob mismo ng gym, agad akong nagpalit basketball uniform para practice namin nang araw na iyon, sobra kasi talagang determinado ni coach na makuha muli namin ang championship. "Nga pala Arnold, kamusta ang bakasyo?" tanong ni Reynald na siyang captain nang team. "Masaya naman, nagpunta kami sa Coron sa Palawan." sagot ko naman dito, habang abala sa pagsisintas ng sapatos ko. Matapos nga ang ilang minuto ay nagsimula na ang practice namin, we started with the usual warm up. "Gather team!" ang tawag ni Coach Ravena, matapos naming makapagwarm up. Agad naman kaming lumapit dito. "Team, mas malakas ang team natin ngayon, and I'm pretty sure na magagawa natin maiwui ang kampyonato ngayong taon." tiwala nitong sinabi. Lahat halos ng kateam ko ay kasundo ko, kahit na nga ba medyo bago bago pa lang ako sa team ay wala naman akong naging problema, well maliban sa isa at iyon ay si Mike. Senior ko si Mike at simula pa lang nang sumali ako sa team last year ay naramdaman ko nang asar ito sa akin sa hindi ko malamang kadahilanan. Wala naman kasi akong naalala na may nagawa akong masama dito. "Guys, we're going to split the team into two, freshmen and sophomores versus juniors and seniors." utos naman ni coach. Kahit na practice game lang ay halata ang kaseryosohan nang dalawang team. Both team are determine to win, it only shows how serious we are in this practice. Nagpatuloy ang practice game, hanggang sa umabot na sa last twenty seconds, tabla ang score sa seventy five, sakto naman na nasa amin ang ball possession. Dalawa ang nagbabantay sa akin, kaya naman hirap ang mga kateam ko na pasahan ako ng bola. "s**t!" sa loob loob ko nang makita kong pumalo na sa last ten seconds ang oras, agad ko naman napansin na libre si Larry. "Louie pass the ball to Larry." pasigaw kong utos dito, pinilit kong makaalis sa dalawang nagbabantay papunta sa ilalim ng ring. Agad naman shinoot ni Larry ang bola, pagkapasang pagkapasa pa lang sa kanya, lahat halos ng tao sa gym ay naghihintay kung papasok ba ito o hindi, ngunit sa kamalas malasan ay sumablay ito, lahat ay naniniwalang mauuwi sa overtime ang laro, but just like a hero, I was able to get the lose ball and dunk it to the ring, maririnig ang sigawan sa paligid sa nangyari and with that we won the game. Seventy seven - seventy five. Nakatanggap naman ako ng batok at palo mula sa teammates ko na tinawanan ko lang. Minabuti kong lapitan si Mike.  "Great game." nakangiti kong bati dito, nilahad ko ang kamay ko para makipagkamay sana dito, ngunit naghintay lang ako sa wala, nang tignan lang ako nito nang masama at agad nang umalis. Pinagkibit balikat ko na lang ang inasal ni Mike, dahil sanay na din naman ako sa ugali nito. Agad naman akong dumiretso sa iba kong teammates para makapagcelebrate kasama ang mga ito. Kita ko naman na satisfied si coach sa naging performance nang parehong koponan, kaya agad na nitong tinapos ang practice. "Tara na Arnold, sabay sabay na tayong magshower." ang natatawang aya ng best friend ko na si Larry. "Mauna na muna kayo, magpractice pa ako ng solo." pagtanggi ko dito, gusto ko muna kasing magpractice magshooting bago umuwi. Hindi ko na namalayan ang oras kaya naman nang matapos akong makapagshower ay lagpas nine pm na. Thank God, hindi ako nakatira kasama si Mom, nakakasigurado kasi akong papagalitan ako nito sa pag-uwi ko lagi ng late, well maliban pa sa mga night escapade ko from time to time. I was about to board my bike nang mapansin ko naman ang ilaw na nagmumula sa architecture's building. I found it weird since kanina pa natapos ang klase kaya naman wala na din dapat tao doon. Nagdalawang isip ako kung dapat ko bang tignan kung meron nga bang tao dito, for all I know baka janitor lang pala ang nandoon at naglilinis, ngunit mas nanaig ang curiosity ko, kaya naman agad akong dumiretso papasok sa naturang building, bahagyang may kadiliman nang pumasok ako dahil liwanag sa poste sa labas lang ang ilaw. Nasa ikalawang palapag ang nakita kong ilaw.  Nasa medyo malapit na ako at tanaw ko na ang nakaawang na pinto kung saan ko nakikita ang ilaw nang bigla akong matigilan. "The hell Arnold, ano bang iniisip mo, baka nga janitor lang iyon na naglilinis." naiiling ko naman na sinabi sa sarili, I was about to walk away nang muli ay matigilan ako nang makarinig ako ng iyak sa loob. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko nang mga oras na iyon, bigla ko kasing naisip kung may nababalita bang nagmumulto sa building na ito. Maingat kong sinilip ang loob mula sa nakaawang na pinto, ngunit nanglaki ang mga mata ko nang makita kong isang buhay na tao ang nasa loob at hindi multo. Mas lalong nanglaki ang mga mata ko nang tuluyan kong makilala ang lalaking nasa loob, ang lalaking ilang linggo nang gumugulo sa isip ko. Parang madudurog ang puso ko sa nakita kong sitwasyon nito, he's lying naked curled on the floor, mas lalong lumakas ang narinig kong pag-iyak nito nang tuluyan na akong nakapasok at nakalapit dito. Nang makalapit ay doon ko napansin ang mga galos at pasa buong katawan nito, na para bang may kung sino ang nambugbog dito. "Anong nangyari? Ok ka lang ba?" puno nang pag-aalalang tanong ko dito, hindi ko alam kung anong klaseng tao ang makakagawa nito. I saw him flinched nang magsalita ako, mukha kasing hindi nito namalayan ang pagpapasok ko sa kuwarto. "Sino ka?" tanong naman nito, halata ang paghihirap at takot sa maamo nitong mukha, mas lalo tuloy akong nasasaktan nang makita ko na napangiwi ito nang magsalita. "I'm Arnold, here take my jacket." agad kong hinubad ang suot kong jacket nang mapansin kong pilit nitong kinukuha ang punit punit nitong school uniform. Parang may malaking kamay na pumiga sa puso ko sa nakikita kong paghihirap nito, sobrang sakit na makita ko ang miserable nitong sitwasyon. "Maraming salamat." sagot naman nito nang kuhanin ang inabot kong jacket, agad naman akong tumalikod nang bigla itong tumayo para magbihis, gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil nagawa ko pang mapansin ang body structure nito. He is a bit skinny for his age, but he have enough muscles in the right places na bumagay sa guwapo nitong mukha. "Ok na ako." narinig ko naman na sinabi nito. "What happened to you? Sino ang may kagagawan nito?" sunod sunod kong tanong, sobrang galit ang nararamdaman para sa taong nanakit dito. Sa dalawang taon ko sa school na ito ay wala naman akong nabalitaang ganitong insidente. He just smiled at me bitterly not even answering any of my question, nararamdaman ko ang pait sa dibdib nito na para bang sanay na ito sa nangyari sa kanya, na hindi ito ang unang beses na naranasan nito ang ganitong pananakit. "Please tell me, kailangan managot ang kung sino mang demonyong gumawa sayo nito." pangungumbinsi ko dito. "Kalimutan mo na lang kung ano mang nakita mo ngayon." labis ko naman kinagulat ang naging sagot nito. I was lost for words, upon hearing his response. I mean, come on, how can he expect me to forget what I just witnessed, lalo na ngayon na para bang gustong sumabog ng galit sa dibdib ko sa taong nanakit dito. "How can you say that? Ineexpect mo ba talaga na basta ko na lang makakalimutan ang nakita ko dito?" pagsasatinig ko sa naisip ko. "Huwag kang mag-alala, hindi ito ang unang beses na naranasan ko ang bagay na ito." paliwanag nito confirming my suspicion. Wala itong emosyon habang sinasabi ang bagay na iyon. "Ok fine! Kung ayaw mong sabihin sa akin ay hahayaan kita, pero hayaan mong magamot ko ang mga sugat mo." hindi ko na hinintay na makatanggi ito at dali dali kong kinuha ang emergency kit sa backpack ko. Always kasi akong may dalang emergency kit, kahit saan man ako magpunta. Akma itong iiwas, ngunit napilit ko din ito nang makipagmatigasan ako dito. Wala na nga itong nawaga kung hindi ang hayaan ako, hindi ko naman maiwasang hindi mangiti sa hindi ko malamang dahilan. Minabuti kong linisin muna ang mga sugat nito gamit ang agua oxinada, matapos malinis ay sinundan ko naman iyon ng betadine at saka nilagyan ng plasters. Nilagyan ko naman ng benda ang parte ng katawan nito na may mga pasa. "Maraming salamat sa tulong mo." sinabi nito, akma itong tatayo nang hawakan ko ito sa kamay, hindi ko alam kung saan nanggaling ang tila kuryente na dumaloy mula sa pagkakadikit ng mga kamay namin. "Ihahatid na kita." pag-aalok ko dito, nag-aalala pa din kasi ako dito, kaya naman hindi ako mapapalagay hanggang hindi ako nakakasiguradong makakauwi ito ng ligtas at maayos. "Huwag na, kaya ko nang umuwing mag-isa." matigas nitong pagtutol, at kahit anong pangungulit ko dito ay wala na din akong nagawa, ayoko naman na matakot ito sa akin, kapag pinilit ko ang gusto ko. "Anong pangalan mo?!" pahabol kong sigaw dito, ngunit imbes na sagutin ay isang mapait na ngiti lang ang sinukli nito, na tila ba pinapahiwatig nito na hindi na kami muling magkikita. Papalabas na sana ako sa classroom nang may isang maliit na bagay akong napansin sa sahig, agad kong pinulot iyon kaya naman doon ko lang nalaman na I.D. pala iyon nito. "Jake Angelo." ang nabasa kong pangalan na nasa I.D. A smile formed in my lips after knowing his name. I'm pretty sure na hindi ito ang huli naming pagkikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD