-=Arnold's Point of View=- Labis ang pagkagulat ko nang datnan ko si Mommy sa condo unit ko, lalo na't hindi naman ito nagsabi na uuwi ito ngayon. "Ikaw pala yan Mom, pinakaba mo naman ako." biro ko dito, ngunit hindi man lang ito nangiti bagkus ay mas lalo pa itong sumeryoso. "Arnold we need to talk." seryoso nitong sinabi. Minabuti kong ibaba muna ang mga dala ko, bago umupo sa bakanteng silya na nakaharap dito, hinintay ko na magsalita ito, ngunit nanatili lang itong nakatingin ng seryoso akin. Ngayon ko lang nakita na ganito kaseryoso si Mommy, madalas kasi ay lagi itong nakangiti, kaya naman hindi ka maiilang na lapitan ito. "May problema po ba sa naging punta ninyo sa Paris?" tanong ko dito nang hindi na ako makatiis. Imbes na sagutin ay may kinuha itong bagay sa dala nitong b

