Makalipas ang isang buwan ay nasanay na kami sa set up namin ni Xander. Para kaming mag asawa na nasa honeymoon stage palang. Walang nagbago dito sa loob ng panahon na magkasama sila kung meron man yun ay ang mas naging malambing ito sa kanya. Yun nga lang ay wala itong nababanggit na plano tungkol sa kung ano ang kahihinatnan ng lahat ng ito. Hindi ito nagparinig na balak siyang panagutan o kung gusto nitong magkaanak sila. Walang ganun pero so far masaya siya sa piling nito magkasundo sila sa maraming bagay. Syempre may mga pagkakataon na nagkakatampohan sila ngunit gumagawa siya o ito ng paraan para maayos agad. Dito kami ngayon sa office ni Xander sa Telecommunication company nito. Kahapon kasi iniwan siya nito sa pad kaya lang umalis siya upang pumunta ng Bulacan naiinip na kasi si

