(2)

1451 Words
Malamlam ang aking paningin dahil sa luha na umaagos sa mga mata ko. Sabayan pa ng sakit na nararamdaman, pwedeng-pwede na akong magpatiwakal sa mga oras na ito. Nadedemonyo ako habang tinitignan ko ang malawak na kalsada sa harapan ko at ang napakaraming sasakyan na tumatakbo. Kung magpapasagasa ba ako ngayon, mawawala na ba itong kirot sa dibdib ko? Makakalimutan ko na ba lahat ng pagsisisi ko? Unti-unti kong hinahakbang ang isang paa ko at balak ko nang tapusin ang lahat ng ito. Gusto ko nang takasan ang lahat ng problemang dala-dala ko. Napapagod na ako. Pagod na akong magsisi. Gusto kong takasan lahat ng maling nagawa ko sa nakaraan. Mga maling desisyon at obligasyon. Dahil sa takot ko noon, iniwan ko siya. Iniwan ko ang lalaking nagpabago ng pananaw ko sa buhay. Lenonn is too good to be true kaya naduwag akong ipaglaban kung anong meron kami. Nagpatalo ako sa trauma ko. Napatingala ako sa kalangitan. Nagsisimula nang magdilim. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakatunganga rito sa gilid ng kalsada habang walang humpay sa pagtigil ang mga luha ko. Ako sana 'yon eh. Kami sana ngayon. Ang dami naming pangarap na sinayang ko lang. Kalabisan bang humiling na sana kami na lang ulit? Na sana maibalik ko 'yung ano kami dati? Kung sakali bang magmakaawa ako kay Lenonn, tatanggapin niya ba ako ulit? Parang mabibiyak na ang ulo ko. Masyado na akong nakakain ng selos ko at kung ano-ano na ang naiisip ko. Ayaw tanggapin ng puso ko na ikakasal na siya. Mapait akong napangiti, ako 'yung problema. Kaya hindi na ako dapat umasa pa. Atsaka may responsibilidad na ako sa ibang tao. Matatanggap niya pa ba ang isang tulad ko na may asawa na? Yes, I'm married. Kasal na ako kay Tyron. Things happened so fast na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin na-poprocess sa utak ko na ikinasal na ako. Even Abi didn't know about this. Dalawang linggo na akong kasal. Isa lamang iyong civil wedding. My mom and dad were there. Ilang ulit akong tinanong nila mommy at daddy kung talaga bang sigurado na ako sa desisyon pero para lang ako sirang manikang tango nang tango. Akala ko noong una ay ito 'yong tamang solusyon para sa lahat. Pero noong makabalik ako ng Pinas, para akong sinampal ng katotohanan. I don't love Tyler, siguro noon Oo. Awa na lang ang nararamdaman ko sa kan'ya ngayon. Kaya tatapusin ko na ang lahat ng ito. Lahat ng sakit at paghihirap. Hindi naman kasi ako nakaranas maging masaya. Noon ay masyado akong nasaktan kaya nagka-trauma akong umibig muli. Dahil sa takot ko ay nasaktan ko ang isang lalaking nagmamahal sa'kin ng tunay. Naihakbang ko na ang isang paa ko at isusunod na sana ang isa pa nang bigla akong nakarinig ng busina. "Pechay ko!" gulat kong sigaw. Para akong nahimasmasan sa ginagawa ako napabalik ako sa gilid ng kalsada. Tinignan ko naman ang kotseng bumusina sa'kin. Ito rin 'yong kotse na sinakyan ni Andrea kanina. Hindi ito umaandar kaya nagiging sanhi na siya ng traffic sa kalsada. Hindi ko naman natiis ang sarili ko at lumapit ako sa sasakyan at kinatok ang bintana nito. "Sir, go ka na. Nag-cacause na po ikaw ng traffic." Halos mapatawa pa ako sa tono ko. Magpapakamatay na nga lang ay ang arte ko pa rin. Bumaba ang salamin ng sasakyan at napasinghap ako sa nakita ko. Nasa loob si Lenonn na seryosong nakatingin sa'kin. His gaze are intense at wala akong ibang nagawa kung 'di iyuko ang ulo dahil sa takot at kaba. "Get in," utos nito. Napaangat ako nang tingin at gulat na gulat akong tumitig sa kan'ya. Itinuro ko pa ang sarili ko at sinisiguro na ako ang inuutusan niya. "Me?" "Are you deaf or what? Yes, you Samantha. Kung ayaw mong bumaha pa ang traffic dito, sumakay ka na," malamig nitong wika. Nataranta naman ako at akmang bubuksan ko ang front seat nang bigla itong magsalita. "Not in the front seat, umupo ka sa likod," sambit ni Lenonn. Para akong napahiya at napakagat nalang ako sa labi ko para pigilan ang makagawa ng anumang tunog. Masyado akong nasanay na dati-rati ay sa front seat ako umuupo. Madami na palang nagbago at napalitan na ako sa pwesto ko. "Sorry," nakatungo kong sagot at binuksan ang back seat ng kan'yang sasakyan. Wala ni sinuman sa'min ang nagtangkang magsalita habang nagmamaneho si Lenonn ay panay lang ang pagtingin ko sa labas ng kotse. Pilit kong inaaliw ang sarili ko sa mga tanawin sa labas dahil sa sobrang kaba ko ngayon. It's been three years since I last saw him. Hindi ko makakalimutan ang huli kong pagsilay sa mukha niya. The very first time, I offer myself to a man. Ang unang pagkakataong hinayaan kong may makapasok sa kabuuan ko. I let him own every inch of me and then I left without reason. Nagtago ako at umalis. "Bakit ka bumalik?" tanong ni Lenonn. Napaayos naman ako sa pag-upo ko. "Bakit hindi?" matapang kong tugon. Nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Lenonn dahil sa salamin sa harapan nito. He looked pissed. Naiinis ba siya sa presensya ko? Kung naiinis pala siya ay dapat hindi niya na ako pinasakay rito sa kotse niya. "You want to play again huh?" Lenonn smirked at me. Natatakot ako sa klase ng pagtitig nito sa mukha ko. Puno ng galit ang kan'yang mukha. "Lenonn." "Just, just stop saying my name Sam," pagpipigil nito. I saw how he gritted his teeth dahil sa pagpipigil nitong pagtaasan ako ng boses. "Ganoon ba kasarap akong paglaruan?" mapait nitong tanong sa'kin. I burst my tears out. Hindi ko na nakayanin ang mga tanong niya. Nasasaktan ako dahil sa kagagahan ko. "You love the chase right? Kaya when the chase ends, basta-basta mo na lang akong iniwan." "Please stop the car Lenonn, bababa ako!" sigaw ko. "I don't wanna hear all of this. Tama na, mababaliw ako," pagmamakaawa ko. "Bakit Sam? Naawa ka ba sa'kin?" galit nitong tanong. "Halos mabaliw ako nang iniwan mo ako. I thought, I thought you love me. For three years Sam, iniwan mo ako and you never bothered leave a reason! Basta-basta mo na lang ako iniwan," sumbat ni Lenonn sa'kin. I'm tired. Kasalanan ko, alam ko. But please tao lang din ako. Nasasaktan ako. Sa tingin niya ba hindi ko iyon pinagsisihan lahat? "Hinanap kita dahil mababaliw na ata ako noon. Pero no'ng nalaman kong sinundan mo ang ex mo sa U.S. nawalan ako ng rason para kunin ka. Pinamukha mo sa'kin na isa lang akong rebound at laro lang 'yon lahat!" "Mali ka! Just please, napapagod na ako. Let me go Lenonn, ayaw ko nang marinig lahat ng sasabihin mo!" naghihisterekal kong sambit. Tinakpan ko ang mga tainga ko at ipinikit ang mata. Ayaw kong marinig lahat ng panunumbat niya sa'kin. Hindi ko kayang harapin lahat ng 'yon at naduduwag na naman ako. Nanginginig ako sa kaba at takot at halos panawan na ako ng ulirat. "Anong ginagawa mo sa labas ng Montecorpuz Airlines? Huwag mong sabihing namasyal ka lang Samantha dahil hindi ako tanga para paniwalaan iyang alibi mo!" si Lenonn. "Ano ba kasing gusto mong palabasin Lenonn? Tapos ka na ba sa lahat ng panunumbat mo? Naging maluwag na ba ang iyong paghinga dahil sa ginagawa mo ngayon?" pagod kong ani. Iginilid ni Lenonn ang sasakyan sa tabi ng kalsada at tumingin ito sa'kin. "I hate you," prangkang ani nito. Tumango lang ako at mapait na ngumiti sa kan'ya. Tinatanggap ko lahat ng masasakit na salitang binabato niya sa'kin ngayon. "I know, I know very well Lenonn. Hindi mo na kailangang ipamukha," sagot ko. "Stop bothering my life Sam. Umalis ka na sa buhay ko. Pakiusap," sambit ni Lenonn. Tumulo na naman ang luha sa mga mata ko. Isang sampal ng katotohanan ang pilit na gumigising sa kahibangan ko. "Huwag ka nang bumalik sa buhay ko na dinurog mo noon, I'm fine now Sam so please leave me alone." May inabot na pera si Lenonn sa'kin. Napatingin ako sa kamay nito at sa perang inaabot niya. "Shut your mouth at sana hindi ito makaabot kay Andrea. Pamasahe mo, mag-taxi ka na lang." Lumabas ako ng sasakyan ni Lenonn. Hawak-hawak ko ang perang binigay niya. Dinaig ko ang puta sa klase ng pagtrato niya. Ganoon ko ba siya nasaktan? Napatawa na lang ako at naipukpok ko sa ulo ang perang binigay niya. 10k? Sampung libo para sa isang bagsakan na panunumbat niya? Ang baba ng tingin mo sa'kin Lenonn. Inihagis ko sa daan ang sampung libong binigay niya. Kahit nasasaktan ay nakaya ko pang magtawag ng taxi at sumakay na. Pagod ako, pagod na pagod na. Gusto ko nang magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD