Nang mga sumunod na araw ng shooting dumistansiya si Alex kay Mark. Hindi na kasi siya komportable sa mga tingin ng ilang kasamahan. Masakit man sa loob, pilit inintindi ni Mark ang dalaga. Hindi na niya ito pinigilan nang kunin nito ang mga gamit sa resort para maki-share ng room kay Sally sa hotel. Hindi na niya inabala pa si Alex at nakontento na lang siya na panoorin ito mula sa malayo. Nang matapos ang shooting, solong nagbiyahe si Mark pabalik ng Maynila. Habang si Alex naman ay nakisabay sa bus kasama ni Sally. "Girl? Ano ba naman 'yang ginagawa mo? Bakit hinayaan mong magbiyaheng mag-isa si Boss? Paano kung makatulog 'yun habang nagda-drive?" sermon ni Sally sa kanya. "Anong gusto mong gawin ko? Pinagtsitsismisan na kami ng lahat," salubong pa ang kilay na bulong niya. "Kaya s

