Sa bus halos aligaga ang lahat sa outdoor shooting nila sa Batangas. Matagal-tagal na rin kasi nang huli silang nakatanggap ng malaking project. "Bakit ang tagal namang umalis?" kunot ang noong tanong ni Alex na noo'y nakaupo sa tabi ni Sally. "Baka wala pa si Boss," sagot nito habang abala sa pag-aayos ng mukha. Napatulis naman ang nguso niya. "Akala ko ba hindi siya sasabay sa bus?" Biglang natigilan si Sally at napasulyap sa kanya. "Bakit mo alam? Sinabi niya ba sa'yo?" "Nag-text siya sa akin," kaswal na sagot niya. "See?Kahit galit ka sinasabi niya pa rin sa'yo lahat," tila nanunukso pang sabi ni Sally. Mayamaya pa, sunod-sunod na busina ang narinig nila mula sa ibaba kaya agad silang napadungaw sa bintana. Bumaba si Mark na nakasuot pa ng shades at isang puting long sleeve na

