Auren Valtaros, Age 7
Malamig.
Masyadong malamig ang sahig para sa isang batang dapat nasa bahay, hindi nakatali sa isang madilim na kwarto.
Pero naroon si Auren—nakaupo sa sulok, yakap ang sarili, sinusubukang hindi umiyak.
Dahil kapag umiiyak siya… mas lalo siyang sinasaktan ng mga tao sa labas ng bakal na pinto.
“Prodigy Number 01, ano na naman ang iniisip mo?”
Isang tinig ng lalaki ang narinig niya — malalim, walang puso.
Hindi siya sumagot.
Dahil kahit anong sagot, mali.
Lumapit ang lalaki, binuhat siya sa buhok, at tinitigan ang malamlam na mata ng bata.
“Emotions make you weak, boy. Useless. Dapat pati ‘yan alisin natin sa’yo.”
Pinikit ni Auren ang mata niya. Hindi dahil natatakot… kundi dahil gusto niyang mawala.
Sa bawat araw, tinuturuan siyang magbasa ng mukha ng tao—microexpressions, galaw ng mata, paghinga.
Pero hindi siya tinuturuan kung paano ngumiti.
Paano maging bata.
O paano magmahal.
Hanggang isang gabi, sumabog ang pinto.
Sunod-sunod ang putok. Sigawan. Yung tunog ng mga lalaking dati niyang kinatatakutan — ngayon ay nagmamakaawa naman para sa buhay nila.
At mula sa usok, lumitaw ang isang lalaki.
Matikas. Nakaitim. At may hawak na baril na kumikislap sa dilim.
Lumuhod ito sa harap ni Auren.
“Safe ka na,” sabi niya, mahina, parang takot masaktan ang batang kaharap niya.
Ngayon lang may nagsabi noon.
Ngayon lang may tumingin sa kanya bilang tao, hindi bilang eksperimento.
Ngayon lang naramdaman ni Auren… ang katahimikan.
Pero sa likod ng katahimikan na ‘yon—
Noong tatakbo na sila palabas, isang babaeng may malamig na boses ang sumigaw sa malayo:
“Ibalik niyo sakin ang bata. Siya ang pinakaimportanteng proyekto ko!”
At doon nagsimula ang sumpa ni Auren.
Ang sumpang hindi mawawala hanggang hindi niya napapatay ang mga taong sumira sa pagkatao niya.
---
14 Years Later
Valtaros Island
Tahimik ang buong hall habang ipinapakilala ang mga tagapagmana.
Suot ni Auren ang itim na suit na parang iyon na ang balat niya — malinis, kontrolado, walang emosyon.
Habang nakatingin ang lahat sa kanya…
Siya naman, nakatingin sa iisang tao lang.
Isang babaeng bagong dating, nakasuot ng simpleng puting blusa, hawak ang mga papeles niya, at namamangha sa ganda ng isla.
Hindi niya alam kung bakit siya huminto.
Hindi niya alam kung bakit hindi niya mabasa ang mukha nito—ang microexpressions na dapat nakikita niya agad.
Pero isang bagay ang malinaw:
Sa unang pagkakataon, may hindi siya maintindihan.
At hindi niya alam kung bakit parang gusto niyang intindihin ito.
Celestine Navarro.
Ang babaeng magbabago sa tahimik na mundo niya.
At ang babaeng magiging dahilan ng pinaka-madugong digmaan ng buhay nila.