Edran's
"MAHAL, ALAM MO ba?" biglang sambit ni Dean sa gitna ng aming paglalakad.
Ilang buwan na ring huli akong pumasyal sa plaza ng Montreal. Ganon pa rin ang ambience ng lugar… malamig, maingay, at dinadayo ng maraming tao. Nagsa-sanaol lang naman ako sa f*******: patungkol sa pagbisitang muli sa lugar na ito dahil sa nami-miss ko na rin. Ngunit ito namang si Dean, tinotoo ang pasaring ko at inaya nga akong mag-date rito nang makita ang post. Kahit kailan talaga, napaka-sweet ng tao na 'to. Nakapasuwerte ko talaga sa lalaking 'to.
"Hindi, tanga. Paano ko malalaman 'di mo naman sinasabi?" pabalang ko naman na tugon kasabay ng mas lalo pang paghigpit ng paghawak ng kanyang kamay.
Sa ilang oras kong pagtingin-tingin sa paligid ay na-realize ko na ang dami na palang nagbago Sa lugar na ito. Kagaya man ng dati ang atmospera na napakalamig na simoy ng hangin na nanonoot sa balat, lahat ay bagong-bago na sa aking paningin. Mas nagiging moderno na ang ito dahil sa bagong tayong mga lamp posts, benches, at slides. Ngunit kahit na gaano pa kalaki ang pagbabagong nangyari sa lugar na ito, mananatili paring paborito ko ang pasyalang ito.
"Mahal na mahal kita," bulong nito sa tainga ko at sinundan ng paghawak sa panga ko at pinuwersang lumingon sa direksyon niya.
Nang magtagpo ang mata namin ay hindi ang ganda ng mga mapupungay niyang mga una kong napuno kung hindi ang kinang nito. Ilang taon man ang inabot ng relasyon namin, 'di ko kailanman nakitaan ng pagbabago ang kinang ng mata niya. Kasunod ng aming titigan ay ang paggawad niya ng masuyo at matamis na halik sa aking labi. Ilang segundo rin ang tinagal ng halik na 'yon nang magdesisyon akong putulin ang aming lampungan dahil naramdaman kong sinisiksik na ni Dean ang dila niya sa labi ko. Laplapan lang sa public place ang trip, e.
"Parang tanga, Dean. Balak pa akong laplapin dito," ani ko na hindi mawala-wala ang ngiti sa labi dahil sa kilig.
Tinawanan lang ako ng walang hiya at humirit ng isa pang halik sa aking pisnge. Umani naman ng atensyon sa paligid ang biglaang paghalik ni Dead sa akin. Maraming mga mata ngayon ang mga nakatingin sa direksyon namin. Sa reaksyon ng mukha nila, kitang kita ko talaga ang pandidiri. First 'ata ng mga 'to makakita ng lalaking naghahalikan. Pero paki ba namin? 2021 na, pero ang mga tangang 'to homophobic pa rin. Tinuloy lang namin ni Dean ang paglilibot sa plaza.
"Mahal, gustong-gusto na kita pakasalan," biglang sambit niya ulit.
"Hmm. E 'di mag-po-prose ka," simple kong sagot.
"Kala mo talaga sasagot ng 'Yes' kapag ginawa ko, e."
Sasagutin ko sana siya nang pabalang ulit nang may makita akong police. Gago. Ba't may police sa plaza na ito? Buti nalang sumagi kaagad sa isip ko na bagong renovate pala ang plaza. Natural maglalagay talaga ng tagabantay ang awtoridad para maiwasan ang posibleng vandalizing. Naka-contact lens ako ngayon at may date kami ni Dean, kaya dapat umakto akong normal. I-disregard ko muna ang pagiging Matia ko.
Ibinaling ko nalang ang aking atensiyon sa nakita kong malapit na nagtitinda nt fishball at inaya si Dean. "Kain tayo ng fishball, Mahal."
Masaya kong pinagpiyestahan ang isang baso ng fishball habang si Dean naman ay titig na titig sa akin—nagmumukha siyang tanga sa ginagawa niya. Ano na naman kayang trip ng isang 'to. Una ay kamuntikan akong laplapin sa pampublikong lugar, ngayon naman ay titig na nakakatunaw ang ipinupukol niya sa akin. Tinitigan ko rin siya pabalik nang matalim. Sasabayan ko lang siya sa trip niya. Napangiti nalang siya sa aking ginawa.
"In love na in love ka talaga sa 'kin, Dean," pang-aalaska ko pa.
"Siyempre. I love you," ani niya. Di ko naman siya pinansin at tinuloy ang pagkain.
"I love you," malambing niyang bulong sa tainga ko. Inulit pa talaga.
"I love you too," napipilitan kong tugon at baka 'di tumigil ang isang 'to 'pag hindi nakarinig ng I love you pabalik.
"MAHAL NA MAHAL kita, Edran Pancheco." Wala 'atang magawa ang isang 'to.
"Dean, kanina ka pa sambit nang sambit ng katagang 'yan. Nakakatakot ka na. Mamamatay ka na ba? Jusko ka," asik ko rito.
Kasalukuyan ko siyang pinupukulan ng masamang tingin habang nakaupo kami sa isang bench ng plaza. Paano na kasi 'di na 'ata siya titigil sa kakasambit ng I love you. Sweet naman siya in some way, pero nakaka-cringe na. Limang taon na rin kami magjowa kaya nakakasawa talaga marinig minsan. Siya naman ay tawa nang tawa sabay mahinang kurot sa aking mga pisnge. Wala man lang paki sa sinabi ko. Ewan ko nalang sa 'yo, Dean.
"Ang kyut, kyut mo talaga, mahal," pangungulit pa ni Dean.
Tuloy lang siya sa pagkurot sa pisnge ko habang kasalukuyan kong ine-enjoy ang pagkislap ng mga tala sa kalangitan. Liban sa sunset, favorite view ko rin talaga ang pagkinang ng mga tala kapag gabi. Ang ganda lang nila pagmasdan. Minsan gusto ko nalang talaga maging tala para pakinang-kinang lang ako sa kalangitan at walang pino-problema sa mundo. Weird talaga ng iniisip ko minsan at 'di ko maintindihan.
Sa kalagitnaan ng walang kuwenta kong pagmuni-muni ay pagsulpot ng mukha ni Dean sa aking paningin. Nakatayo siya sa harapan ko at seryoso ang mukha. Ano na namang kababalaghan ang gagawin ng isang 'to.
"Ho! Nakakakaba pala 'to," ani niya at buong lakas na ni-shake ng kamay niya.
"Dean, ano bang nangyayari sa iyo ngayong araw?"
Tinitigan ko talaga siya ng mata sa mata. May kakaiba talaga kay Dean ngayong araw. Pero hindi naman 'ata problemado ang taong 'to kasi siya 'yong tipo ng tao na nag-o-open up talaga sa akin kung may problema. Sasabihin talaga niyan sa akin at iiyak kung gustong niyang umiyak. Sa limang taon naming pagiging mag-jowa, open book siya sa akin. Napapatanong tuloy ako kung ano bang bumabagagab sa taong ito ngayon.
Walang sabi-sabi ay bigla siyang lumuhod sa harapan ko at mabilis pa sa kidlat na may hinablot na lalagyan ng singsing. Mukhang alam ko na ang mangyayari. Dean… wag mo sabihin. Jusko po. Nang buksan nag-open ang box, ay kumikinang na singsing nga ang laman nito.
"Edran Pancheco, will you marry me," ramdam ko 'yong nginig sa boses niya habang binabanggit ang mga katagang 'yon.
Sa isang saglit naging blangko ang laman ng utak ko at nagtagal 'yon ng ilang segundo. Hindi kinaya ng braincells ko ang biglaan paganito ni Dean. Mind blown sabi nga nila. Pero 'di lang 'yon, isama na rin natin ang pagkaspeechless ko. Parang kanina lang sinabi niyang gustong-gusto niya akong pakasalan at biniro ko siyang mag-propose, tapos heto at tinotoo niya ngayon.
Unti-unting nag-liwanag ang kaliwang mata niya at siyang pagbabago ng aking paligid. Ang mga taong nakatingin sa amin ay biglang naglaho at unti-unting napalitan ng larawan ng tabing-dagat. Nang nilibot ko ang tingin ko ay nakita kong naririto ang pamilya namin. Nakaluhod pa rin siya harap ko at nakasuot ng tuxedo na puti. Nang mabaling ang tingin ko sa sarili ko ay naakasuot din ako ng tuxedong puti.
Paano ako naririto? Ito ang dream wedding ko. Nang kinurot ko ang sarili ko ay ramdam ko ang sakit kung kaya imposibleng nanaginip ako. Nasa plaza ako kamakailan lang. Paano ako nandirito na. Huli na ng ma-realize kong umilaw nga pala ang kaliwang mata kanina ni Dean. No… ang manifestation ng pangarap ng isang tao, Level 4 Gathering: Paradise Island, ng mga Fooler na Matia.
Dean… is a Matia? No. Please, no. Sa limang taon naming magkarelasyon, hindi ko sinabi sa kanya ang katotohanang isa akong Matia dahil ayokong madamay siya. Ito ang sikretong pinakatago-tago ko na ayaw kong mabunyag. Gamit lahat ng mental fortitude ko ay pinipilit kong makawala sa ilusyon ni Dean.
"Yes," sagot ko kanya sabay suot ng singsing.
Wala akong sinayang na oras at pinatayo siya kaagad. Kasabay nito ang paghatak ko sa kamay niya para makaalis na sa lugar na ito. Kung hindi ako nagkakamali, may dalawang pulis akong nakita na pagala-gala sa plaza sa plaza kanina.
Pero sa halip na magpatangay sa paghila ko ay tumayo siya sa pwesto niya. "Edran, do you mean it o napipilitan ka lang? Parang 'di ka masaya."
Dean, please. Gustong-gusto kitang pakasalan. Pero kailangan natin makaalis sa lugar na ito bago paman may makapansin na pulis sa atin. Kapag umilaw 'yong lighttracker nila, tiyak na may mangyayaring masama sa 'yo. Hindi puwedeng mangyari 'yon. Dahil hindi ko alam kong ano gagawin ko 'pag nawala ka.
Para mawala ang pangamba niya at magtiwala sa akin ay binigyan ko siya ng masuyong halik sabay bulong, "Yes. I want to marry you Dean Ruñueta. Pero kailangan muna nating lumayo sa lugar na ito. Okay?"
Ngitian niya naman ako sabay tango at ginawan ulit ako ng mabilis na halik sa labi. Nang hawakan ko ulit ang kamay at hihilahin sana papalabas ng plaza ay nahagip ng tingin ko ang isa sa mga pulis na nakita ko kanina na may katawag sa kanyang telepono. Mas domeble ang kaba ko. Tiyak na tumawag na 'yon ng back up.
Uligaga at parang tumatakbo na kami papalabas ng plaza. 'Di ko namalayang umiiyak na pala ako. Potang-ina. Kailangan naming magmadali. Ngunit hindi talaga sumasang-ayon sa amin ang tadhana dahil punong-puno ang mga jeep at walang dumadaan na kahit isang taxi.
"Mahal, okay ka lang?" sambit niya habang nanginginig akong pumara ng kahit na anong sasakyan na puwede naming masakyan para makaalis sa plaza na ito.
Ang tunog ng sirena ng sasakyan ng pulisya ang gumuho sa aking mundo. Hindi 'to maaari. Ilang saglit pa ay namalayan ko nalang na napapalibutan na kami ng pulis.
"Lalaking nakasuot ng kulay pula. Itaas mo ang kamay mo, ngayon din," sigaw ng isang pulis.
Kita ko ang pagtataka sa nga mata ni Dean, pero kaagad din naman siyang sumunod. "Sir, ano pong problema."
"Sir, lumayo po kayo sa nakapulang lalaki. May criminal record 'yan at matagal na 'yan hinahanap ng mga kapulisan," wika pa ulit ng pulis.
Edran, 'wag ka pumayag na mangyari ito. Wala kayong maloloko dito, mga pulis na mangmang. Bakit ngayon pa kasi nag-awaken si Dean. Sure akong ngayon lang siya nag-awaken dahil kung noon lang niya nadiskobre 'tong kapangyarihan niyang ito, sasabihin at sasabihin niya iyong sa akin. At kahit s namang Matia na nasa tamang pag-iisip, hindi gagamitin ang kapangyarihan niya sa pampublikong lugar.
"Hindi kayo makakalapit sa boyfriend ko kung wala kayong warrant of arrest," sigaw ko.
Tama, lahat ng pagdakip ay may due process, hindi puwedeng dadakipin nila si Edran ng walang kaebi-ebidensya. Marami ring mga taong nakatingin sa aksyon ng pulis. Makukwesiyon ang mga pulis na 'to kapag wala silang pinakitang warrant of arrest.
"Baka naman kriminal ka rin, Sir, at kinakamihan mo 'yang kriminal na 'yan," tugon naman ng isang pulis.
"'Wag kang magpulis kung puro assumption lang ang meron ka at wala kang ebidensiya." Bakas ang nginig at galit sa boses ko.
Pagkasa ng safety ng baril ang narinig kong tugon niya. "Hulihan niyo 'yan kriminal din 'yan."
Potang-ina, walang hiya talaga ang mga pulis na 'to. Ang kakapal ng mukha. Ginagamit ang dahas upang mapasunod ang mga tao sa gusto nila. Mapa-Matia o regular na sibilyan man ang hinuhuli nila, wala silang justice system na sinusunod.Walang hiya kayo. Hindi namn kayo inaano ng mga Matia.
"Sasama na ko. Walang kinalaman ang kasama ko rito," pagboses ni Dean.
"Mahal, 'wag ka nang umangal. Alam ko at alam mong wala akong criminal record. At saka alam mo naman ang justice system ng Pilipinas 'di ba? Ayokong may mangyaring masam sa 'yo," masuyo niyang bulong sakin at tiningnan ako sa mata. Pansin kong naging kulay gray na ang kaliwang mata niya, tanda na siya ay isang Matia.
Dean… hindi mo alam kung ano ang gagawin nila sa 'yo. Potang-ina! Bakit ba kasi hindi ako Fooler na uri Matia. Maitatakas sana kita rito kung sakaling Fooler ang attribute ko. Wala namang silbi itong Naked na attribute.
Unti-unti kong sinundan ang papaalis na mga sasakyan ng pulis kasama ang tangay-tangay nilang si Dean. Hindi na ako nag-abala pang makipag-argumento sa mga pulisya. Tiyak na 'di sila magdadalawang i-flag na kriminal din ako. Hintayin mo ako Dean, ililigtas kita. Pangako.
"PINUNO, PLEASE IPAHIRAM niyo sa akin ang lakas ng The Sight. Maliligpas ko pa ang boyfriend ko."
Ilang oras na rin akong nagsisigaw sa pinto ng tahanan ng lider ng mga Matia, si Ka Grenzel.
"Edran, isa ka sa mga executives. Alam mong hindi ko puwedeng basta-basta nalang utusan ang The Sight para sa mga bagay na hindi naman makabubuti sa organisasyon," tugon niya.
"Isang Matia 'yon, Pinuno. Akala ko ba ang mission ng organisasyon na 'to ay iligtas ang bawat buhay ng mga Matia na nanganganib!"
"Edran, hindi siya miyembro ng organisasyon.!"