Edran's
"CHIEF, BAKA NAMAN mapakiusapan at puwedeng mahiram ang lakas ng The Sight. Kailangan natin iligtas si Dean," sambit ko.
Kasabay kong maglakad pauwi ngayon si Grenzel, ang chief head ng organisasyon ng mga Matia sa Quezon City. Nakatayo ang organisasyon sa Ermin Garcia Avenue kung saan karamihan sa mga Matia ay nagtatago. Lingid ang impormasyon na ito sa kaalaman ng police. Bilang chief head, si Grenzel ang may hawak ng pinakamalaking kapangyarihan sa loob ng organisasyon. Isang utos lang niya ay susunod ang mga Matia nang walang pag-alinlangan.
Katatapos lang namin dumalo ni Grenzel sa isang pagpupulong ng organisasyon. Isa sa naging diskusyon sa pagpupulong ay ang pagsusumite ng mga karagdagang panukala upang mas paigtingin ang seguridad ng Ermin Garcia Avenue upang 'di kami matunton ng awtoridad. Pinag-usapan din namin ang bagong latag na mga impormasyon tungkol sa imbestigasyon kay Irecia—ang isa sa mga pinakamakapangyarihang Matia ng organisasyon at ang kaisa-isang anak ni Grenzel.
Ngunit sa kasamaang palad, wala pa ring bagong impormasyon kay Irecia liban sa pagsama nito sa taong nagngangalang si Aldrich. Kung tama ang math ko, dalawampong taon na rin ang nakaraan, ng kanyang paglaho na parang bula. Naalala ko pa na limang taon ako n'on noong huling kita ko sa kanya. Napakabait niyang ate at matulungin talaga sa mga kapwa niya Matia. Naging executive nalang ako ng organisasyon namin, ngunit wala pa rin talagang konkretong rason ng pagkawala niya, kaya hindi pa rin itinitigil ni Grenzel ang imbestigasyon kay Irecia. May puwersa pa rin siyang dinidispatsa upang mag-imbestiga sa pagkawala ni Irecia.
"Edran, isa ka sa mga executives. Alam mong hindi ko puwedeng basta-basta nalang i-mobilize ang The Sight para sa mga bagay na hindi naman makabubuti sa organisasyon," tugon naman niya.
Hindi talaga coincidental ang pagsabay ko kay Grenzel ngayon, ang totoo ay sinadya ko talaga. Kailangan ko siyang makausap nang solo para masabi na rin sa kanya ang sitwasyon ni Dean. Nakuwento ko na rin sa kanya ang nangyari mula sa pag-awaken ni Dean bilang isang Matia hanggang sa ang paghuli sa kanya ng mga pulis. Ngunit sa pagkukwento ko at ay hindi ko nakitaan ng reaksiyon si Grenzel bagkos. Walang pagbabago sa mukha niya kahit ekspresyon man ko. Hindi ko nakitaan na may pakialam siya sa sinapit ni Dean.
"Isang Matia 'yon, Chief. Akala ko ba ang misyon ng organisasyon na natin ay iligtas ang bawat buhay ng mga Matia na nanganganib?" sumbat ko. 'Di ko mapigilang madala sa aking emosyon.
"Edran, nakakalimutan mo 'ata na hindi miyembro ng organisasyon ang boyfriend mo. Wala ako at walang pananagutan ang organisasyon sa kanya," tugon niya pa. "Pinangungunahan ka na ng emosyon mo, Edran. Hindi ikaw ang pinakabatang executive dahil sa rason na 'yan. Umayos ka."
Napatahimik ako at natauhan sa sinabi ni Grenzel. Ang dali kong matangay ng emosyon kapag sitwasyon na ni Dean ang pinag-uusapan. Tama nga naman si Grenzel. Ako pa mismo ang isa sa mga nagsulat ng batas na ito na tutulong lang ang organisasyon kapag miyembro na nito ang nadawit. Sa mga pagkakataong ang isang Matia ay nadawit sa anumang gulo o eskandalo, sa ngalan na hindi siya miyembro ng organisasyon, wala siyang makukuha na anumang tulong—walang gagawin ang organisasyon talaga.
Ginawa ko ito upang 'di na maulit ang insidenteng naganap limang taon na ang nakakaraan.
Ngunit saklaw rin sa panukala na may isang kaso na kung saan tutulong ang organisasyon kahit 'di pa miyembro ang isang Matia ng samahan. 'Yon ay kapag may malaking benepisyo na makukuha ang organisasyon sa Matia na 'yon. Mukhang nahanapan ko na ng paraan kung paano ko mapapakilos ang The Sight para matulungan si Dean.
"Chief head, dapat nating iligtas si Dean mula sa kamay ng mga Matia. Hindi 'to tanong or suhistiyon, ngunit utos," panimula ko. Ang mga sinabi ko naman ang dahilan ng pag-arko ng kanyang mga kilay. "
Miss na miss ko na si Dean. Tatlong araw na rin nang dinakop siya ng mga pulis at hanggang ngayon wala pa akong balita tungkol sa kanya. Hinahanap-hanap na siya ng mama niya sa akin. Inamin ko kay tita lahat at pinuntahan niya sa presinto ang anak niya, pero wala sa presinto ng Cubao si Dean at pinasa pa si Tita sa ibang presinto. Ngunit pagkadating naman ni Tita sa presintong sinabi ay ipapada ulit siya. Pinaglalaruan talaga kami ng potang-inang mga pulis na ito.
Tulala ako't nag-iisip ng pupuwede kong gawin para mailigtas si Dean. Kapag ang isang Matia ay napasakamay ng mga pulis, dalawa lang ang kahihinatnan niyan either matigok o gawing subject sa mga experiment nila. Tiyak kong ang pangalawa ang pinaggawa nila kay Dean ngayon—gunea pig nila. Imposible kasing basta-basta nalang patayin si Dead dahil 'nong nag awaken siya, Level 4 gathering ang na-master niya kaagad.
Sa pangkaraniwang cases, kapag ang Matia ay nag-a-awaken, Level 1 na gathering ng kanilang class agad ang namamastee nila. Pero sa case ni Dean, Level 4 Gathering: Paradise Island 'yon. Gathering ng Fooler attribute na Matia. Ang laking potential na kayang maibuga ni Dean at tiyak ay 'yon ang magiging dahilan para panatilihin siyang buhay ng mga scientists ng gobyerno.
"Hello, executive. Gising ka pa?" pagtawag sa akin ng nasa pintuan.
Nagtaka naman ako kung sino ang gising pa ng ganitong oras. Wala sa oras at ginamit ko ang aking gift. Level 1 Gathering: Penetrate. Ang mechanics ng gathering na ito ay kaya kong i-disregard ang existence ng isang pader o damit para makita kung ano ang nasa loob o likod nito. Nang nagliwanag ang mata ko ay nakita ko ang isang babaeng nakatayo sa pintuan—si Raven, isa sa mga prodigy ng Matia.
Wala akong sinayang na oras at kaagad siyang pinapasok. "Anong sadya mo, Raven? Gabi na, ah."
Biling isa sa mga executives ng organisasyon ng Matia, obligasyon kung makinig sa mga hinaing ng kasapi namin. Kahit na mayroon akong issues ngayon, hindi ko puwedeng isawalang bahala ang obligasyon ko nilang executive ng organisasyon.
"Narinig ko ang pag-uusap niya ng, Pinuno," panimula niya.
Ako namay ay natahimik. Ilang oras din akong nag-iingay sa bahay ni Pinuno noong nakaraang araw. May makakarinig at may makakarinig talaga sa akin. Sinenyasan ko naman na ipagpatuloy ang kaniyang pagsasalita.
"Puwedeng-puwede kitang tulungan mahanap ang jowa mo." Ito ang gusto ko diretsahang tugon.
Mukha matalino itong si Raven. Alam na alam niya ang kailangan ko. Kaya ko lang naman gustong hinaramin ang The Sight kay Pinuno dahil may isang sa kanila ay isang Historic attribute na Matia. At kayang-kaya nitong gawin ang Level 6 Gathering: The Walk of History. 'Yon lang ang kailangan ko. Kailangan kong malaman kung saan nila dinala si Dean at ako na ang magplano kung paano ko siya ililigtas.
"Anong kapalit," tugon ko.
Naisip ko naman na may mga iilan ding Historic attribute na Matia na miyembro ng organisasyon kagaya ni Raven. Pero ayoko rin silang idawit sa issues ko sa buhay at imposible ring tutulong ang mga ito para