Chapter 11 – Tulong o Aba Mula nang mag-open up si Marco tungkol sa sitwasyon ng pamilya niya, hindi na mapakali si Lia. Kahit nakangiti ang binata, ramdam niyang may bigat itong dinadala. Sa mga simpleng kwento nito, halata ang pressure—deliveries sa umaga, klase sa gabi, at ang pangambang baka mawalan sila ng tirahan. Habang nakaupo si Lia sa balcony ng condo niya, pinagmamasdan niya ang mga halaman niyang tila mas buhay pa kaysa sa kanya. Hawak ang tasa ng kape, paulit-ulit niyang iniisip kung paano makakatulong kay Marco nang hindi ito ma-o-offend. “Kung ako lang ang tatanungin, gusto ko siyang isalba agad,” bulong niya sa sarili. “Pero… baka naman isipin niyang naaawa lang ako.” Kinabukasan, nakatanggap siya ng tawag mula sa café client niya. “Hi, Lia! We’re so happy with the log

