CHAPTER 2

1411 Words
Chapter 2 Lawrence "Bakit natigil ang laro?" "Ano sa tingin niyo ang dahilan?" "Baka naman may gulo?" Rinig kong tsismisan ng mga estudyante habang papunta ako sa shower room, Tsk mas mabuti ng natigil ang palarong iyon. Ayokong makapatay ng Wizard, Isang wizard na walang alam gawin kundi ang magalit. Pilit kong kinalimutan ang bawat galit sa mga mata ni shawn pero hindi ko magawa, Hindi ko siya masisi kung ganoon siya kainis saakin. Dahil Saksi ako kung paano mawala ang pinaka mahalagang tao sa buhay niya, Nandoon ako ng patayin ng mga kung sino ang Ina niya pero Imbes na tumulong nanood lang ako at hinayaan na patayin yon ng mga masasamang Wizard. Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa palad kong may kokonting gasgas, Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw... Hindi ko alam kung bakit wala akong ginawa para iligtas ang kawawang babae, Para akong nawala sa sarili nung mga oras na iyon. Natauhan lang ako ng Makitang nandoon na sa lupa ang katawan ng Babae, Nakita ko na Iniiyakan iyon ni shawn at wala akong ginawa kundi ang panoorin siya. Napabuntong hininga ako at nahawi ang buhok na tumatabing sakin'g mga mata. "Dalian mo sa shower room, Mag uusap tayo" Mula sa gilid ng mga mata ko ay kita kong dumaan si Mama sa gilid ko, Ano naman kaya ang sasabihin niya mamaya saakin? Kung Isa ito sa mga pangarap nila ng Ama ko? Hindi ako makikinig at kalilimutan nalang na sinabi niyang hinihintay niya ako. Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at pumasok ng shower room, Hinubad ko ang suot kong cloak at uniporme, Akmang papasok na ako sa Isa sa mga cubicle ng bigla may tumulak saakin. "Itutuloy natin ang laban na yon, Sa ayaw at gusto mo!" Kung minamalas nga naman... Napasandal ako sa malamig na pader dahil sa pagkakatulak saakin ni Shawn. Imbes na kabahan ay pinanatili ko ang Malalamig na titig saaking mga mata bago siya tinitigan. Wala ng bago sa mga mata niya, Punong puno parin ng karahasan. "No" Asik ko kay shawn kaya naman mas lalong kumunot ang noo nito, Halos mapamura ako ng itukod nito ang kamay sa magkabilang gilid ko. Ano bang ginagawa niya? "You're not going to decide about this, Whether you like it or not...I will defeat you before I kill you" Hindi ko alam ang gagawin ko at tila tinakasan nanaman ako ng katinuan ng Unti unti nitong inilalapit ang muka sa muka ko. Halos isang dangkal nalang ang layo namin sa isa't isa, We're both naked while he's confronting me in this kind of position...Damn Awkward! "As if you can" Buti nalang ay nagawa kong makapagsalita bago ko iginalaw ang mga kamay ko, Tila ba may sariling buhay ang mga ito ng walang pakundangan kong pinitik ang noo ni shawn. Nawala ang galit sa muka niya at napalitan iyon ng gulat, Miski ako ay nagulat. Ba-Bakit ko ba ginawa yon? Dapat ay tinutulak ko na siya ngayon! Napairap ako ng Makitang unti unting nagsalubong ang makakapal niyang kilay, Ang kulay pula nitong mga mata ay Punong puno ng pagtataka akmang magsasalita muli siya ng itukod ko ang mga palad ko sa matigas niyang dibdib at mahina siyang tinulak upang makawala ako. "You know I won't stop until you're gone, Alam mo kung anong kasalanan mo saakin" rinig kong asik niya gamit ang mababa ngunit puno ng hinanakit na tono, Alam ko kung anong kasalanan ko sakanya...pero hindi ko alam kung paano ko iyon aayusin. Simula noong bata ako tinuruan na ako ng mga magulang ko na maging mapagmataas at kahit anong mangyari wag na wag humingi ng tawad sa Ibang nilalang. Madaling sabihin na Mag sorry ka nalang, Pero sa katulad ko? Napakahirap non. Walang salita akong tumapat sa shower at hiniling na sana iwan nalang ako ng lalaking iyon. "You will pay for it Levriz" That's the last words I heard from him bago tumahimik ang buong Shower room. Da-mn what was that? Anong nangyari saakin ng lapitan ako ng ganoon ng lalaking yon?! Why do I feel so tensed and nervous when he Move closer into my face?! Mag kasing tangkad lang kami ni Shawn pero dahil sa Taglay niyang elemento, Mas malaki ang katawan nito at mas matapang. Mabilis kong tinapos ang paliligo at muling nagsuot ng uniporme, Pansin ko at rinig na rinig ko ang bawat bulungan ng mga estudyanteng nadadaanan ko. Mga bulungan tungkol sa nangyaring paglalaban kanina, Nagtamo ako ng kokonting galos pero hindi naman iyon dapat indahin dahil maliliit lamang ito. Gusto ko ng Kalimutan ang laban na iyon dahil gusto kong ituon ang atensyon ko sa nangyaring pagtunog ng kampana kanina. May mali sa nangyayari sa buong Lugar, Napansin ko na bago patunugin ang Kampana ay Nagkakagulo ang mga guro sa Isang gilid. May nangyari nanaman kayang gulo? Hindi ako sigurado, Kailangan kong mag imbestig- "H-Hi Lawrence! Na-napanood ko yung laban niyo kanina ang galing mo" Ano bang ginagawa ng babaeng ito sa daraanan ko? Hindi ba niya alam na nakaharang siya? Napataas ang Isang kilay ko ng ilahad nito sa harap ko ang Isang maliit na kahon na nababalutan ng Makulay na Wrapper, Regalo? Nireregaluhan niya ako dahil sa laban kanina? Pinaka titigan ko ang babae at hindi ko maiwasang mamangha dahil sa taglay nitong Anyo. Maganda siya at Paniguradong kilala ko ito, Isa sa pinaka sikat na Babae dito sa buong eskwelahan. Tinitigan ko lamang ang Regalong nasa harapan ko at pinahinga ko ang magkabila kong kamay sa bulsa ng pantalon ko. "Pa-Para sana sayo" Nauutal pa niyang saad bago mas Inilahad saakin ang kahon, Malamig ko iyon tinignan bago siya nilagpasan. Hindi ko kailangan ng regalo. Maganda at malawak ang buong eskwelahan, Masarap tumambay lalo na sa mga Lugar na mapupuno at Maraming estudyante pero mas gusto kong mamahinga sa mga lugar na tahimik at madilim. Ayokong may mga nilalang na nakapaligid saakin, Ayoko sa mga madadaldal at Nakakairitang mga Wizard kaya imbes na magkaroon ng kaibigan? Puro kaaway ang meroon ako. Pasimple kong sinulyapan ang babaeng nilagpasan ko at Hindi ko maiwasang makaramdam ng Inis ng makitang umiiyak na ito ngayon. Before they do something, They should know the Consequences. "Lawrence Levriz!" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang pangalan ko, I look around and saw my Biology professor. Anong kailangan saakin ng professor? Tahimik akong lumapit sakanya. Kunot ang noo nito at Mukang hindi mapakali base narin sa salamin niyang hindi nakaayos. "May naging problema habang naglalaban kayo ni Shawn, Pinatatawag kayo ng Head mistress upang kausapin" Sinasabi ko na nga ba at may problema ngayon... "Is it urgent?" I ask him before I look around, Nakatingin saamin ang ibang estudyante at mukang gusto nilang marinig ang pinag uusapan namin ng professor. New students are really Irritating, Buti nalang at konti nalang ay makakaalis na ako sa eskwelahan at mundong ito. Im 4th year highschool student and this year matatapos na ang Oras ko sa Nakakairitang mundong ito. "Yes" Muka nga, Seryoso ang muka ni Professor lincoln ng Tapikin nito ang balikat ko at Sinamahan ako sa paglalakad papunta sa opisina ng head mistress. "Hindi ko napanood ang buong laban niyo ni Shawn pero ang sabi ng Ibang professors niyo, Muntik na kayong magkasakitan ng Sobra?" Napasulyap ako sa Professor bago ako tumango, Muntik ng madamay ang mga manonood ng pakawalan namin ni shawm ang buong kapangyarihan namin. "Alam mo naman kung anong bilin namin sainyo diba?" Tanong pa nito na sinagot ko lang muli ng tango. "HIndi makakaganda kung Sabay kayong mawawala sa kontrol, Ikaw ang nangunguna sana ikaw nalang ang magpasensya" Magpasensya? Akala ba nila mahaba ang pasensya ko? Kung araw araw ba naman akong bwisitin ng Shawn na yon paniguradong mga ilang araw lang ay Matatanggal nanaman kami sa eskwelahan na ito. Pero hindi pwede ngayon dahil kailangan kong makagraduate para makatakas sakanila. Sawang sawa na ako sa pagiging wizard, Gusto ko nalang maging Isang Normal na tao. Gusto kong maghirap at Mapunta sa mundo nila, Normal at tahimik. Nang nasa harap na kami ng opisina ng head mistress ay Humarap saakin ang professor. Seryoso ang muka nito, Mas matangkad ako sakanya kaya naman upang matitigan ang muka niya ay kailangan ko pang yumuko. "Kayo ang Inaasahan ng buong Elementia, Kaya sana mas Maging Professional kayo sa lahat ng gagawin niyo" Tinapik ni Professor lincoln ang balikat ko bago ako nito iniwan sa harap ng pinto ng Head mistress. Bakit pakiramdam ko parang may iuutos sila saakin? Napabuga ako ng hangin at bagsak balikat na pinihit ang seradula ng pinto, Bumukas ito at Hindi ko inaasahan ang unang tumambad saakin. "Mr.levriz finally you're here" Masayang salubong saakin ng matandang ginang, Hindi ko inaasahan na makitang nandito rin si Shawn. Hmmm pinatawag din ba siya may ginawa nanaman siyang kasalanan? Bagsak ang balikat na umupo ako sa visitor's chair at pinakatitigan ang ginang, Hindi ko na inaksaya pang tapunan ng tingin si Shawn dahil alam ko kung anong klaseng titig nanaman ang binabato niya saakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD