Kabanata 13: Bigelante

1237 Words
Paglabas ni Zygfryd sa unit nila ay tinawagan niya si Hanzo para kumustahin ang dalawang kolokoy na hawak nito. Sinadya niyang hindi puruhan ang dalawa dahil may mga bagay siyang gustong alamin sa mga ito. Kung kinakailangan niyang pahirapan ang dalawa para lang mapagsalita ang mga ito ay hindi siya magdadalawang isip na gawin iyon. Lalo pa at buhay ni Adity ang nakataya dito. "Anything?" "Ito. Tikom pa rin ang bibig ng mga tarantado. Ano tutuluyan ko na ba?" "Masyado ka namang mainitin Hanzo." Napamasahe siya ng kaniyang sentido. Pagdating sa bagay na iyon ay hindi talaga maaasahan si Hanzo. Masyado kasing maiksi ang pasensiya nito. Palaging bakbakan lang ang nasa isip. Mas masaya pa itong makipagbarilan kesa sa pagpapasalita ng mga tao. "Hays. Alam mo naman na ito ang kahinaan ko e. Wala talaga akong tiyaga sa ganito." "Sige, intayin mo ako diyan. I will buy your favorite dinner." "Ay ay boss." Napatingin siya sa kawalan at nagtatagis ang bagang na ibinalik sa bulsa ang ginamit na telepono. Mabuti nalang talaga at tama ang timing ng pagdating niya kanina. Kung hindi ay baka napano na si Adity. Siya pa naman ang inaasahan nito ngayon. Ayaw niya itong biguin. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya naging ganito ka determinado. Ayaw niyang ma-disappoint ang dalaga sa kaniya. Alam niyang wala namang patutunguhan ang nararamdaman niya para dito pero kahit na. Basta gusto niya itong ma-protektahan sa abot ng kaniyang makakaya. Pagkatapos niyang bumili ng dinner ay bumalik kaagad siya sa kwarto nila ni Adity. Naabutan niya itong nanunuod ng TV. Gusto niya sana itong samahan sa pagkain ng hapunan pero may kailangan pa siyang gawin kaya naman agad din siyang nagpaalam dito. "Aalis ka? Pero gabi na." Nakasimangot na sagot ni Adity sa kaniya. "Kailangan ko lang talagang umalis. May pag-uusapan lang kami ni Hanzo." "Pero iiwan mo akong mag-isa." Ramdam niya ang pag-aalala sa tinig ng dalaga. Alam niyang natatakot itong mag-isa. Kahit naman siya ay nag-aalala dahil iiwan niya ito sandali pero wala siyang choice. Hindi niya naman ito pwedeng isama dahil baka mag hysterical lang ito kapag nalaman nito ang gagawin niya. "Don't worry. Kinausap ko na ang mga security sa hotel na ito. Sinabi kong kapag may kahina-hinalang tao na umaaligid ay tawagan kaagad nila ako. You'll be safe here just lock the doors. Ok." "Hindi ka ba muna maghahapunan?" "Sasabay na ako kay Hanzo. Sige na kumain ka na. Don't hesitate to call me kung sakaling kailangan mo ang tulong ko, ok?" "Sige, ingat ka." Hinatid pa siya sa may pintuan ni Adity. Bitbit ang dinner na ipinangako niya kay Hanzo ay bumiyahe kaagad siya papunta sa bahay niya. Mabuti nalang at pinalagyan niya ng hidden basement ang bahay na iyon. Hindi niya akalain na magagamit niya pala iyon ngayon. ---×××--- "TALK!" Sigaw niya sa lalaking nakatali sa harap niya. Pinagpapawisan na siya sa ginagawa niyang pagpapaamin dito pero talagang matigas ang loko. Gusto pa yatang masaktan ng todo bago magsalita. "Sinabi ko naman sa iyo. Wala kang makukuha sa akin gago!" Nagsisimula na siyang mapuno dito. Sa kanilang dalawa ni Hanzo ay siya mas magaling sa pagpapasalita ng mga tao. But this two. They're both giving him a headache. Konting-konti nalang ay mapuputol na ang sinulid ng kaniyang pasensiya at siya na mismo ang magtuturok ng bala sa mga ulo nito katulad ng kanina pa gustong gawin ni Hanzo. Pagkatapos ng nasa kanan niya ay binalingan niya naman ang lalaki na nasa kaliwa niya. Hindi katulad ng nasa kanan niya ay mas malambot ito ng bahagya. Ito lang kasi ang may bahid ng luha sa pisngi. Alam niya na konting tulak nalang dito ay magbibitaw na ito ng pangalan. Which is good for him. Kailangan nalang niya itong mas takutin pa. "So wala rin akong makukuha sa'yo?" Pumaling lang ng tingin sa ibang direksyon ang lalaking nasa kaliwa niya na ikinangisi niya naman. "Wala naman palang gustong magsalita eh bakit pinatatagal pa natin ito." Galit niyang binunot ang baril na nakaipit sa tagiliran niya at itinutok iyon sa lalaking nasa kanan niya. Humalakhak lang ang tinutukan niya. Ang akala siguro ay nagbibiro lang siya. Nakangisi niyang tiningnan ang nasa kaliwa niya. Nang pumaling ang tingin nito sa kasamang nakatali rin ay walang kurap niyang kinalabit ang gatilyo ng hawak niyang baril. Halos mag echo sa buong paligid ang ingay ng sumabog na bala. Parang tubig na tumalsik ang dugo ng lalaking nasa harap niya. Ang iba ay dumikit sa mukha niya pero hindi man lang siya nag-abalang punasan iyon. Ayaw niya sanang ilagay ang batas sa kamay niya pero kung hahayaan niyang makalaya ang mga masasamang tao na kagaya nito ay tiyak na mas marami pa itong kikitilin na buhay. Dahil may mga kilalang tao siya sa pulisya ay nalaman niyang maraming records ang binaril niya. Labas pasok na ito sa kulungan, mabilis na nakakalaya dahil palaging umuurong ang mga nagsasampa ng kaso. Patunay lang iyon kung gaano kabulok ang sistema ng batas ng tao. Pera pera lang talaga ang labanan sa mundo. Kahit may pagka bigelante man ang dating niya ay handa siyang magligpit ng mga taong deserve ng maparusahan para naman mabawasan na ang mga nagpaparumi sa mundo. "Ow..." Napasipol naman si Hanzo na naroon lang sa likod niya at kanina pa kumakain. Sarap na sarap ata sa palabas na pinanonood kaya kanina pa ito tahimik. Not until he saw the climax of the movie. Marahang nilapitan ni Zygfryd ang lalaking nasa kaliwa niya. Namumutla na ito sa takot. Hindi katulad ng binaril niya ay malinis pa ang records nito. Wala itong anomang kaso na kinasangkutan. Sigurado siyang nagsisimula palang ito sa ganoong klase ng trabaho kaya ito ang pinili niyang itira. Everyone deserves a second chance. Hangga't hindi pa ito nalulubog sa kumunoy ng kademonyohan ay maari niya pa itong iligtas. Iyon ang paniniwala niya kaya iyon ang gusto niyang ibigay dito. "So what now? May gusto ka na bang sabihin?" "S-si Edgar Manobos. S-siya ang nag-utos sa amin na k-kuhain ang babaeng iyon. Huwag mo akong papatayin. K-kailangan pa ako ng mga anak ko." Nagsimula na itong humagulgol ng iyak. Para itong bata na walang kontrol sa sariling sipon na nagsimula na ring umagos kasabay ng mga luha nito sa mata. Napailing-iling nalang siya. "Ano naman ang kailangan ng Edgar na iyon sa babaeng habol 'nyo?" "H-hindi ko alam. B-basta ang sabi niya kuhain namin ang b-babaeng iyon. Iyon lang ang inutos niya. W-wala na akong alam." Napatingin siya kay Hanzo. Tinanguan niya ito. Paglapit niya dito ay tinapik niya ang balikat nito. "Alam ko na ang gagawin mo. Find that Edgar. Gusto mong makisawsaw hindi ba?" "How about that man?" Nguso nito sa lalaking wala pa ring tigil sa pag-iyak. "Let him go." "You sure? Baka isumbong ka niya sa mga pulis." "He won't." Tinalikuran na niya ito. "Fix everything here. Ikaw na ang bahala sa bangkay." "Hoy ano ako basurero?" "Huwag kang mag-alala, pagkatapos nito ay ise-set na kita ng date sa pinsan ko. You like her don't you?" "Hoy, promise iyan ah." Tinaas niya lang ang kamay niya habang naglalakad palayo dito. Alam na alam niya talaga ang kahinaan ng loko. Ayaw niya pa sanang masangkot si Applekate kay Hanzo dahil sa klase ng trabaho nito pero kilala niya naman ang kaibigan niya. Alam niyang hindi nito sasaktan ang pinsan niya dahil siya mismo ang kakalbo dito kapag nagkataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD