Kabanata 6: Photographer

1034 Words
"Alam mo, hindi naman ito pilitan e. Kung hindi mo kayang sabihin ang rason mo kung bakit ka nagmadre ay ayos lang naman sa akin." Napatitig at napangiti nalang siya dahil sa sinabi ni Zygfryd. Bukod sa mabait na ito ay malakas pa ang pakiramdam nito. Mabuti nalang at hindi narin ito nagpumilit dahil wala rin naman siyang balak na sabihin ang pangit na nakaraan niya. Isa iyon sa nakaraan na pilit niyang tinatakasan. "Oh, nandito na pala tayo." Napatingin siya sa labas ng bintana ng marinig iyon. Nasa terminal na sila ng bus. Dahil tumayo na si Zygfryd ay sumunod narin siya dito. Pagkababa nila ay sinalubong ang binata ng isang lalaki na bahagyang nagyuko lang ng ulo sa kaniya. May inabot itong susi kay Zygfryd habang nakikipagbulungan. Umalis rin ito kaagad pagkatapos. "Halika na. I'm sure nagugutom ka na. Saan mo gustong kumain?" Nagsimula ng maglakad si Zygfryd na agad niya namang hinabol. Sinabayan niya ito sa paglalakad. "Hindi mo naman ako kailangang i-libre ng i-libre. Ako na ang bahala sa pagkain ko." Nahihiya niyang sagot dito. "Oh come on sister Adity. Isipin mo nalang ay nagkakawang-gawa ako. Don't mention it. Tutulong na ako ay hindi ko pa lulubusin. Bahagya siyang natigilan ng marinig ang pagtawag nitong sister sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung bakit parang naiilang siyang marinig iyon mula sa binata Siguro ay naninibago lang siya. Sinubukan niyang hindi nalang iyon pansinin. Pasasaan ba at masasanay rin siyang marinig na tinatawag siyang sister Adity.  Nang tumigil sa paglalakad si Zygfryd ay napatigil rin siya. Agad na kumunot ang noo niya ng kuhain ng binata ang isang helmet na nakasabit sa nakaparadang motor na sa harapan nila. Gulat na gulat pa siya ng isuot sa kaniya iyon ng binata. "Teka, m-mag m-motor ta-tayo?" Hindi niya makapaniwalang tanong. "Don't tell me, takot kang sumakay sa motor?" Nagsuot narin ito ng helmet. Siya naman ay napasilip sa naka-park na motor sa harapan nila. Alam niyang hindi siya dapat na mag-inarte pero hindi niya talaga gusto ang sumasakay sa motor. Nasubukan na niya iyon noon. Ayaw niya iyong pakiramdam na parang sasayad na ang katawan niya sa kalsada sa tuwing liliko iyon. Pakiramdam niya ay mahuhulog siya. "What if natatakot nga ako?" hindi maipinta ang mukhang sagot niya. Sumampa na si Zygfryd sa motor at tumingin sa kaniya. Iniulat pa nito ang kamay. "Don't worry. Hindi ko naman hahayaang masaktan ka." "Bakit kasi motor pa? Pwede naman tayong mag jeep e." "Pasensiya ka na, ito lang kasi ang sasakyan ko. Halika ka na sister Adity at nang makapagtanghalian na tayo." Nginusuan niya lang ito. Kahit ayaw pa sana niyang gawin iyon ay napilitan nalang siyang humakbang palapit dito. Bumuga nalang siya ng hangin habang nilalabas ang tensiyon na nagpapaikot-ikot sa katawan niya. Iniisip niya na lang na para iyon sa hustisya ng kaniyang pamilya, kahit wala naman talaga iyong konek. Natatawa nalang siya dahil iyon lang kasi ang naisip niyang gamitin upang lumakas ang loob niya. Pagsampa niya sa motor ay nilingon siya mula sa likuran ni Zygfryd. Kinuha nito ang dalawang kamay niya at inilagay iyong sa bewang nito. Para siyang nakuryente ng madampian ng balat nito ang kamay niya. Iniisip niya na dahil iyon sa nerbiyos pero parang may iba pa. Hindi niya nalang iyon pinansin dahil nasa pagsakay talaga sa motor ang buong atensiyon niya. "Kapit ka lang ah. Huwag na huwag kang mahuhulog sa akin. Este sa motor." Nagawa pa nitong magbiro. Halos manlamig na nga ang katawan niya dahil sa nerbiyos. Pagkarinig niya sa ugong ng motor ay napapikit nalang siya. Dahil unti-unti na niyang nararamdaman ang pag-andar nila ay lalong humigpit ang yakap niya sa binata. Nang maramdaman naman iyon ni Zygfryd ay agad itong nagsalita. "Alam mo ba kung bakit paborito ko ang mag motor?" "Kasi maangas ang dating mo kapag nakada-drive ng motor?" Narinig niya ang pagtawa nito. Hindi man niya nakikita ang mukha nito ay alam niya na tuwang-tuwa ito sa pangti-trip sa kaniya. "Siyempre bukod doon." "Bakit?" "Kasi mas maganda ang paligid kapag nakasakay ako ng motor. Subukan mong idilat ang mga mata mo. You'll see, what I'm talking about." Alam na niya ang sinasabi nito. Pinalalakas lang nito ang loob niya. Kahit paano ay may concern rin pala ito sa kaniya. Marahan niyang dinalat ang mga mata niya. Nang mapatingin siya sa paligid ay doon niya lang nalaman na napakabilis pala ng takbo nila. Lalo niya tuloy hinigpitan ang kapit niya sa bewang ng binata. "Hoy, wala ka namang balak na patayin ako diba?" "Your funny. Edi patay rin ako no'n." "Pwebe bang bagalan mo nalang kasi?" "Look..." Bahagya na nga nitong binagalan ang pagda-drive pero para lang iyon ipakita sa kaniya ang isang malawak na taniman ng palay na dinadaanan nila. "Taniman ng mga palay." "Not that. Tumingin ka sa kubo na nasa gitna." Sinunod niya naman ito. Doon niya nakita ang isang babae at lalaki na nakaupo habang tila nagtatawanan. Medyo malayo iyon sa kanila pero nakikita niya ang kakaibang saya ng dalawa. Namalayan nalang niya na itinigil na pala ni Zygfryd ang motor. Hinawakan nito ang suot na kwintas na singlaki ng calling card at itinutok iyon sa dalawa. Doon niya lang nalaman na isa pala iyong maliit na camera. May monitor rin kasi iyon na napakalinaw ng kuha kahit sa malayo. Pagkatapos nitong picturan ang nasa kubo ay itinutok naman nito sa kaniya ang bagay na iyon at ngumiti. "Smile ka naman diyan sister." "Ano 'to photographer ka rin pala?" Nakangiti niyang tanong dito. "Usually, I took photos kapag nasa labas ako. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit motor ang ginagamit ko. Mas nakikita ko kasi ang paligid sa ibang anggulo. Hindi pa nakaka-suffocate ang hangin na nalalanghap ko. Smile na. Dahil ikaw ang una kong inangkas sa motor ko ay dapat lang na may picture mo ako. Dali. Hindi ko pwedeng palampasin ito." Napilitan nalang siyang ngumiti ng itutok na nito sa kaniya ang lente ng maliit na camera. Gusto niya pa sanang makita ang itsura niya sa screen pero ibinalik na iyon ng binata sa leeg nito kaya wala na siyang nagawa. Umaasa nalang siya na sana ay maganda ang kuha niya sa isang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD