Simula

326 Words
"Adity, kung sino man ang humahabol sa akin ngayon ay siguradong siya rin ang may kagagawan sa pagkamatay ng mga magulang natin. Hanapin mo siya. Alamin mo ang totoo." Humahangos na usal ng ate Aryanna niya mula sa kabilang linya. Kausap niya ito ngayon sa telepono. Sinasabi na malapit na nitong malaman ang totoo. Ang nangyaring pagkamatay ng mga magulang nila ay hindi aksidente. At ngayon nga ay hinahabol ito ng taong iyon. Napakaraming impormasyon sa loob lang ng ilang sandali. Hindi niya iyon maipasok ng maayos sa ulo niya. "Ate Aryanna?" Alam niyang kahit ilang ulit pa niyang tawagin ang pangalan ng ate niya ay wala rin iyong silbi. Hindi noon matutulungan ang ate niya. Nasa Maynila siya, samantalang ang ate naman niya ay nasa Quezon. Ilang milya ang layo nila sa isa't isa. Hindi naman siya si Darna para in an instant ay makarating kaagad sa kinaroroonan nito. "Nandito na siya Adity. Patawad." Umiiyak na ang ate niya. Maging siya ay nagsimula na ring umiyak. Pakiramdam niya isa siyang inutil na walang magawa. Awang-awa siya rito pero hindi niya man lang ito madaluhan. "Hindi ka pa mamamatay ate. Papunta na ako diyan." Tumayo siya sa kama. Wala na siya sa katinuan na nagsilid ng mga damit niya sa maleta. Samu't sari na ang tumatakbo sa isipan niya. Kung aalis na siya ngayon, baka maabutan pa niyang buhay ang ate niya. "Alagaan mo ang sarili mo ha. Tandaan mo, mahal na mahal ka namin. Huwag mong iisipin na nag-iisa ka na lang. Palagi lang kaming nandito at nagbabantay sa'yo." Para na itong namamaalam. Napahagulgol na tuloy siya ng iyak. Para siyang nawalan ng lakas na bigla nalang napasalampak sa lapag. "Ate..." Puro kalabog at kung anu-anong ingay nalang ang naririnig niya. Hindi na nagsasalita ang ate niya. Hanggang sa naputol na ang tawag. Panginoon, bakit po? Isa po ba itong pagsubok? Bakit ang ate ko pa? Bakit ninyo hinayaang marinig ko ang magiging kamatayan niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD