CRISTEPHARIE
ANG WEIRD talaga! Nagawa nya akong mapansin? Napa-iling nalang ako para tumigil sa pag-iisip. Inubos ko na 'yung pagkain ko. I still have a detention session to attend! Bakit ba kasi napansin pa ko nung Joshua na yun?
Hay! Hindi naman siguro nakaka-baba ng grade ang isang detention no?
Napa-buntong hininga nalang ako at nag-simula nang mag-lakad papuntang Principal's Office. Kailangan ko kasing ibigay tong detention slip sa Principal para ma-clear yung records ko.
*DINGDONG*
"Come In"
Pag-pasok ko, bumalik 'yung gulo sa utak ko nang makita ko si Joshua dun. Seriously? Of all people siya ang naka-pansin sakin? Akalain mo marunong pala siya maka-pansin? Eh kadalasan kung umasta yan akala mo siya lang ang tao sa mundo!
"Ms...?" Baling nung Principal sakin. Lagi nya akong kasama sa mga contests, ni hindi man lang niya alam pangalan ko? Hayst what would I expect? I'm an invisible girl after all.
"Cri----"
"Cristeph po. Cristeph Tan"
My eyes widened as I diverted my gaze towards Joshua. He knows me?
"Oh well Ms.Tan, what brought you here?"
"Detention po." inabot ko sa kanya yung detention slip at nagtata-type naman siya sa laptop niya.
"Your first detention in 5 months." sabi niya habang tinitignan 'yung record ko.
"At ikaw Mr.Tolentino, your 65th detention in 5 months! Ms.Tan, sumabay ka na kay Mr.Tolentino he's also having a detention you two may leave."
Nag-bow ako sa Principal bago naunang lumabas ng Office.
"I didn't expect na magpapa-detention ka talaga to think na hindi naman napansin ni Ms.Alvarez na na-late ka" sabi nya habang nag-lalakad kami.
"Well you already gave me a slip and it's true na na-late ako. Walang rason para hindi ako mag-detention." sagot ko
Pero pano nga niya napansin na na-late ako?
"Anyways, how did you noticed that I'm late? I mean no one even noticed that I'm there" tanong ko. Tumigil sya sa pag-lalakad at malamig na tumingin sakin.
"It's none of your business." sagot nito bago naunang mag-lakad habang naka-pamulsa yung kamay.
Tsk! Ang sama din ng ugali niya eh no? None of your business mukha mo! Kala mo gwapo Tss!
Tahimik nalang akong sumunod sa kanya.
Isang malawak na empty room ang Detention. Dati 'yung theater room ng drama club. 1 hour kang ikukulong dun pag na-detention ka. May sabi-sabi pa nga na may mumu daw dito. Ang creepy!
Pag-pasok dun, agad akong sumiksik sa isang sulok at humiga naman si Joshua 'di kalayuan sakin. I checked my watch and it's already 1:30 pm. Which means mga 2:30 pa kami maka-kalabas? Nag-earphone nalang ako at nanood ng anime sa phone ko.
Yung Kaichou Wa Maid Sama? Crush na crush ko kasi si Usui Takumi. I was in the middle of fangirling and drooling over Usui's perfection nang , na-lowbat ang phone ko at 2:00 palang.
Ba't ang tagal ng oras? Napa-lingon ako sa gilid ko at si Joshua? Ayun! TULOG NA TULOG!
Bigla nalang namatay yung ilaw sa buong kwarto. Brownout? Nagsimula na kong manginig at unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ako.
HAHAHAHAHAH! Ano lalaban ka pa ha?
Pabida ka kasi!
You deserve this!
No! Stooop! Eto nanaman! Ayoko na tong maalala! Ayoko!
Get the hell away from her!
Kuya!
No! Pleasee tama na! Not this again!
Blood... Blood...
Blood everywhere!
Kuya! Kuya! Hold on!
I hate the darkness! It's killing me!
May naramdaman nalang akong kamay na yumakap sakin.
''KYAAAAAAH GO AWAY!!'' Sigaw ko pero mas lalo lang humigpit yung yakap na yun.
"Ssh it's okay it's me." bulong nito habang yakap ako na naka-suporta sa ulo ko yung isang kamay nya at yung isa naman sa likod ko and his chin resting on my head. It's Joshua. Suddenly, I felt safe. Alam kong weird pero wala na kong nagawa hinayaan ko nalang na kusang gumalaw ang braso ko para yumakap pabalik sa kanya.
Napa-pikit nalang ako habang patuloy sa pagpatak ang luha ko. Until darkness completely devoured my vision.
JOSHUA
NAPA-DILAT ako nang maramdaman kong parang nag-dilim ang paligid. Binuksan ko 'yung cellphone ko at ginamit pang-flashlight and there I spotted Cristeph na nanginginig habang yakap-yakap ang sarili nya. Mabilis ko siyang nilapitan as I noticed that she's crying. Niyakap ko sya pero sumigaw siya na parang takot na takot.
''KYAAAAAAH GO AWAY!!'' Sigaw nya habang tinutulak ako pero hinigpitan ko lang yung pagka-kayakap sa kanya.
"It's okay it's me." bulong ko at mukang kumalma naman siya. Maya-maya I felt na parang bumigat sya. Did she fell asleep? Saktong bumukas ulit yung ilaw at naka-sandal lang siya sakin. Pinag-papawisan siya at namumutla.
I hurriedly carried her bridal style and ran all the way to the clinic. While on the hallway, I can't help but listen to the student's conversations.
'Omg! Who's that girl? '
'I don't know her'
'Dito ba siya nag-aaral?'
'Anong connection niya kay Joshua?'
'She's so lucky'
Talaga bang ako lang ang nakaka-pansin kay Steff? (short for Cristeph)
'Di ko sila pinansin at agad na dumarecho sa clinic.
"Nurse Dee! Help!" taranta kong sabi at agad namang tumakbo papunta samin yung nurse.
"What happened?"alalang tanong nito at chineck yung pulso ni Steff.
"She fainted tapos nag-pawis siya then namutla siya.'' Sagot ko habang nilalagyan na siya ni Nurse Dee ng dextrose.
"Maybe it's because of her phobia."sabi nito bago pumunta sa mga gamot na pang-inject.
"Phobia?" Clueless kong tanong.
"Well I'm friends with his brother and he told me that Steff has this fear with darkness." paliwanag ni Nurse Dee.
So that explains it?
Cristeph ... I wanna know more about you.
TO BE CONTINUED