CHAPTER TEN: barbie Girl

1515 Words
CRISTEPHARIE The Beam of sunlight from the window pane awakes me. Dali-dali akong umupo. Naalala ko yung kagabi. Kinikilig padin ako! Kasi naman ikaw ba naman kantahan at sabihan ng 'I Love You' sa harap ng madaming tao, di ka kikiligin? Dumarecho ako sa CR para mag-hilamos at mag-mumog. Nag-palit din ako ng Shirt and short bago bumaba. ''Good Morning Brothas!'' masigla kong sigaw pagka-baba ko ng sala. ''Oooooh maganda ata ang gising baby girl ah? Anong meron?'' Sabi ni kuya Toffer na nag-lalaro nanaman ng Xbox. ''Hm? Wala naman.'' sagot ko pero mukang hindi siya kumbinsido dahil tinitigan niya ako habang may ngiting nakaka-loko. ''Wala ka bang pasok? Ba't nagla-laro ka pa jan?'' Pag-iiba ko para naman maka-lusot ako sa pang-aasar niya. ''6 am palang! 9 pa ang pasok ko.'' sagot niya at tumutok ulit sa nilalaro niya. Naka-hinga naman ako ng maluwag dun. ''Anong breakfast?'' Masigla kong sabi at inakbayan si Kuya Toffy na naglu-luto. ''Seafood fried rice, marinated grilled pork, seasoned fried egg at yung kinababaliwan ni Cristopher na Bacon.'' sagot niya at pinatay na yung kalan. ''Cristopher Tan! Kakain na!'' Sigaw ni Kuya Toffy at wala pang isang segundo, Naka-upo na si Kuya Toffer. ''Wow! Mukang marami akong maka-kain ngayon ah!'' masigla kong sabi at nag-umpisa nang atakihin yung mga niluto ni Kuya Toffy. ''So back to the subject, bakit nga ang saya mo ngayon?'' Agad akong napa-tigil sa pag-subo nang biglang sumingit si Kuya Toffer. ''Don't avoid the question Angel'' dagdag pa ni Kuya Toffy. Napa-pikit tuloy ako. Akala ko talaga ligtas na ko! ''O-Okay fine. It's just that kinantahan kasi ako ni James sa harap ng maraming tao last night. Big deal na sa girls yun no!'' Sabi ko at muling kumain. Ngumiti naman si Kuya Toffy na parang kinikilig. ''It's good to see you smile like that'' sabi ni Kuya Toffy at sumeryoso yung mukha. ''But mas gusto ko si Joshua para sayo.'' dagdag pa nito bago tumayo at pumasok ng kwarto niya. ****** ''Steff! Steff!'' ''H-Huh?'' Natauhan ako nang kumaway siya sa harap ko. ''Haay pre occupied ka nanaman. Ang sabi ko, kung pwede ba kita isama ng Baguio? May family reunion kasi kami gusto sana kita ipa-kilala kila Mommy." sabi niya at wala sa sarili naman akong tumango. Nasa school na kami ngayon pero up until now, gumugulo padin sa utak ko yung sinabi ni Kuya Toffy. Mas gusto nya si Joshua para sakin? Alam niya ba kung gaano kasama ang ugali nung unggoy na yun? Magka-kilala ba sila? Eh ni hindi niya pa nga nami-meet si Joshua. ''I'll talk to your Kuyas later. Ipa-paalam kita.'' puro tango lang ang naisa-sagot ko kay James kasi magulo talaga ang utak ko ngayon. Magka-kilala ba si Kuya at Joshua? Ano nga ulit fullname niya? Joshua Tolentino. Well hmmm... It sounds familiar but how is he related to my brother? Aish! Sasabog na yata ang utak ko! ''U-Uhm James, Cr lang muna ko.'' paalam ko at tumango naman siya. On the way to the Comfort Room, nadaanan ko si Joshua na naka-sandal sa locker niya. Should I ask him? Dahan-dahan ko siyang nilapitan pero parang hindi niya ako napapansin dahil tuloy padin siya sa pag-pindot ng phone niya ''U-Uhm J-Joshua ....'' Patuloy padin siya sa pagse-cellphone at parang walang naririnig. Haaay kung alam lang talaga nila Kuya na ganto ugali ng mokong na to? Ewan ko nalang talaga! ''Joshu----'' bigla nalang niyang binulsa yung cellphone niya at nag-lakad palayo. ''Bwiset kang unggoy ka! Sige wala tayong pansinan!'' Sigaw ko buti nalang kami lang yung nandito. Pumunta na ko ulit sa classroom. Pagbungad ko palang sa pinto, kumaway na si James sakin. ''Have you heard the news?'' Tanong niya nung maka-lapit ako sa kanya. ''Nope what is it?'' ''Yung mga babaeng nang-bully sayo kahapon, na-drop out.'' Nanlaki naman ang mata ko dun at agad na binisita yung secret website ng school. Puro students lang ang nakaka-alam nun at kahit mag-post o mag-comment ka, you'll remain anonymous. The famous muse of 3-Gold and Campus 4th Princess Jessica Lee was spotted with the Senior Year's Christian Reverelo. It is revealed that she used the Famous senior to gain popularity and also cheated with the Campus Royalties search. What does this mean? She cheated kaya siya nasama sa Campus Princesses? Sino naman kaya ang gagawa nito? I started reading the comments puro hate statements but one caught my attention. 'All of you who'll hurt her, will meet your doom' commented by T-jeua. Muli kong tinignan yung post .. Posted 20 minutes ago? 20 minutes ago .. Nasa lockerroom ako. Hindi kaya? Si Joshua yung nag-post? JAMES It's a big news all over the campus yung tungkol kay Jessica. Pagpasok na pagpasok niya ng school, may mga nambato sa kanya ng itlog, binuhusan siya ng kung anu-ano. Kaya syempre, nag-drop out siya. But then, It still a puzzle kung sino ang nag-post nun. The votings for Campus Royalties was 3 months ago kung hindi ako nagkaka-mali bakit ngayon lang na-reveal? Is it Christian who posted it? But he's not that kind of a guy. I know I'm just a transferee in this school pero marami akong alam. Hindi naman pwedeng si Steff? She'll never do that! And that secret is only kept around students with high positions. Alam kong hindi ko dapat to pino-problema pero nakaka-curious na lumabas lang siya after saktan ni Jessica si Steff. Are they somehow related? Buong klase, pre-occupied ang utak ko. Halos ilang beses akong tinawag ng teacher pero blanko talaga ang utak ko. ''Are you okay? Kanina ka pa tulala,'' bumalik ako sa reyalidad nang kumaway si Steff sa harap ko. Tumango naman ako at ngumiti. Minsan talaga, mas gusto kong nasa tabi ko si Steff. Pag nasa tabi ko siya, parang okay na ang lahat. ''Kain muna tayo?'' Aya niya at hinila ako papuntang Cafeteria. ''Ano sayo?'' Tanong ko at tinuro niya yung Extreme meal #4. May anaconda ba sa tyan tong babaeng to? Eh pang-weightlifter ata sya kumain eh. ''Nakaka-gutom mag-discuss yung teacher.'' sabi niya bago kumagat dun sa malaking fried chicken. Ang cute niya. ''Tititigan mo lang ba ako buong lunch? Hindi ako mahihiyang lumamon sa harap mo dahil nagu-gutom na talaga ako.'' sabi niya at nagpatuloy sa pagkain. Natawa nalang ako at kinuhanan siya ng picture. She's just too perfect in my eyes. ''So? We still have 35 minutes before the class starts.'' sabi niya matapos kumain. ''Tara sa garden,'' aya ko at hinila siya. *** ''Ang ganda ng panahon.'' sabi niya at sumandal sa isang puno. Bahagya ko naman siyang tinulak bago humiga sa hita niya. Inaantok ako. ''Hoy Rivera muka ba kong unan?'' Bulyaw niya at sumimangot. Pinisil ko lang yung pisngi niya at tumawa. ''Kung unan ka edi sana niyakap nalang kita,'' sagot ko batok naman ang inabot ko sa kanya. ''Chansing ka!'' She pouted. Juskooo! Ilayo niyo po ako sa tukso! Kung bakit ba kasi ang cute cute ng babaeng nasa harap ko. Pumikit nalang ako habang naka-ngiti. Her presence really feels too comfortable. I swear, I will never let go of this girl anymore. JOSHUA "It's weird, wala yatang Lyca na umaaligid sayo ngayon?" Kirvie asked. Well that's actually a relief. I hate that girl anyway, I hate all of them actually. I took my last smoke from my cigarette stick as I threw it on the ground and stepped on it. Lumapit ako kay Kirvie tsaka ibinuga sa mukha nito ang usok. "Ang pangit mo naman ka-bonding, pre," he coughed. I coldly stared at him as I started to walk away. Alam kong nakasunod din sakin ito kaya bumaling ako sa kanya, "Isn't it a relief that Lyca isn't here anymore? I mean you kept on ranting telling me that you hate her." "Alam ko naman yun. I'm just curious. She never left you alone, what did you do?" He asked wriggling his eyebrows as if he's waiting for some tea to be spilled. "Don't tell me... You killed her?" Marahas kong binatukan ang gago kasabay ng masama kong pagtingin sa kanya. "I don't kill people, Kirvie." I turned my back from him, "Well not anymore." The conversation has been interupted by a pair of sparkling stilletos which stopped right in front of me. Lifting my head up, a doll looking girl was raising her eyebrows at me. Her arms crossed just above her chest. She's wearing a sky blue lolita dress. Her hair is straight with a full bangs on, a huge ribbon pinned on the right side of her hair. Smirking, I walked up to her. "Cindy!" "Don't touch me! Hindi ko alam kung ilang mikrobyo ang gumagapang sa katawan mo." Masungit nitong tugon kasabay ng pag-spray ng alcohol sa akin. Kirvie whistled right beside me, "Here comes trouble!" "Ayoko nang magpaligoy-ligoy." Cindy said in her stoic expression, "I heard James has a new girl. Tell me about it." Dahan-dahan akong ngumisi tsaka ito inakbayan, "You know I don't do any favor for free." I winked. "f**k you, Joshua!" she hissed as she started to pull my hand and dragged me with her. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD