CRISTEPHARIE
Bigla nalang akong hinila ni Joshua palayo dun. Ano bang problema niya?
"J-Joshua nasasaktan ako!" Halos mangiyak-ngiyak kong sabi pero tuloy padin sya sa pag-hila sakin nung nakarating na kami ng rooftop, tsaka lang niya ako binitawan.
"Don't ever talk to that guy" seryoso nyang sabi. Nakaka-takot siya.
''What's the problem with him?'' Lakas loob kong tanong habang nilalabanan yung takot ko na kagagawan ng aura nya ngayon.
''JUST DON'T TALK TO HIM! DON'T GO NEAR HIM!'' Sigaw niya na ikina-atras ko. Nanlaki ang mata ko kasabay ng biglang pag-iiba ng ekspresyon niya. Mula sa galit, naging maamo iyon.
''Tsk! Fine talk to him as much as you want but please...don't fall for his words.'' sabi niya bago tumalikod at iniwan akong naka-tulala. What the hell was that?
I shook my head and calmed myself bago bumalik sa Main hall. Ang sama talaga nung lalaking yun! Hinila-hila ako sa rooftop tapos iiwan ako? Bwiset siya!
Dumarecho nalang ako sa classroom since malapit na mag-start ang afternoon session.
'Girls Wala na tayong pag-asa kay Joshua'
'Huh why?'
'Haven't you heard the news? Lyca is back from Seiko High'
'Obsessed na Obsessed pa naman yun kay Joshua'
Yan ang usap-usapan nung mga girls sa classroom. Bakit ba gustong gusto nila si Joshua? Ang sama sama kaya ng ugali nun! Tss
Napa-lingon ako sa grupong pumasok ng pinto. Agad din namang napa-hinto yung grupong nagchi-chismisan.
It's Joshua and his best friend Kirvie. Pati si Lyca na naka-kapit sa braso ni Joshua.
Nag-tagpo ang mata namin pero umiwas agad ako ng tingin.
''Okay class sit down'' Saktong pasok ni Mr.Francisco-our Science teacher.
"We have a transferee today. Please come in and introduce yourself." sabi ni Mr.Francisco at pumasok naman ang sinasabi nitong transferee.
"Good afternoon everyone! I'm James Ryan Rivera nice to be with you." Pakilala niya habang ginagala ang tingin nya at huminto yun sakin bago siya ngumiti.
"Please sit wherever you like." sabi ni Sir at nag-umpisa nang mag-ingay yung mga babae na inaaya si James umupo sa tabi nila. Nagulat ako ng sa tabi ko umupo si James.
"I didn't had a chance to talk to you earlier nung hinila ka ni Joshua." sabi niya at tumingin sakin. I just smiled awkwardly dahil wala talaga akong balak makipag-usap.
Mejo naiilang ako buong klase kasi di talaga ako sanay na may kausap na lalaki.
*riiiiiing*
Finally! Makaka-uwi na ko! Kinuha ko yung mga gamit ko at akmang aalis na kaso may humawak ng kamay ko.
''Cristeph, hatid na kita'' sabi ni James.
''Ako ang mag-hahatid sa kanya.'' this time, may isa nanamang humawak sa isa ko pang kamay. Joshua.
"Josh oppa, si James na daw ang mag-hahatid sa kanya."Maarteng sabat ni Lyca.
''Let's go.'' malamig at tipid na sabi ni Joshua at hinila ako palayo kaya napa-bitaw si Lyca sa kanya. Lumingon pa ko sa kanila at kitang kita ko kung pano ako titigan ni Lyca. Pinapatay na ata niya ako sa isip niya!
''Sakay.'' tipid na sabi ni Joshua pagka-dating namin sa may parking space ng school.
''Huh?'' Wala sa sarili kong tanong.
''Sabi ko sakay! Tss stupid!'' Sabi nya then rolled his eyes.
''Hindi ako stupid! Unggoy ka talaga'' irap ko sa kanya. Aalis na sana ako dun pero agad niya akong hinila at isinakay sa kotse niya.
''Alam kong di ka pa nakaka-kain.''sabi niya bago ako nilagyan ng seatbelt at pina-andar yung kotse.
✘✘✘✘✘
Nag-park siya sa harap ng isang restaurant at bumaba bago ako pinag-buksan ng pinto. Pag-baba ko, hinila nanaman niya yung kamay ko. Hobby din niya mang-hila eh no?
Pagka-pasok palang ng restaurant, halos lumuwa na ang mata ko sa sobrang elegante nun. Mukang mamahalin! Wala pa naman akong pera!
Umupo kami sa isang table na may roses pa sa gitna. May inabot saming Menu at chill lang na inabot ni Joshua yun habang ako nanginginig na inabot yun. Lalo akong nanlumo nang makita ko ang price nun.
Hindi kami mayaman. May kaya lang kaya nakaka-panlumo talaga pagdating sa mga ganyan kalaking bagay.
''Ano sayo?''
''H-Huh a-ahm ...'' Maghanap ka ng mura Steff! Yung pinaka-mura!
''A-Ahm Seafood soup!'' sagot ko at kumunot naman yung noo niya.
"Dinner? Seafood soup?" Tanong niya. Sabagay 6 pm na kaya dinner na nga to.
''A-ah o-oo konti lang ako kumain h-hehe.''sagot ko tsaka binaba yung Menu.
"O-Okay sabi mo eh. Waiter?" Tawag niya at may binulong sa waiter. Kinuha na ng waiter yung Menu at maya-maya, dumating na yung order namin.
Isang maliit na bowl ng Seafood soup na may konting mushroom at seafoods ang nasa harapan ko. Parang lalo akong nanlulumo pag naaalala kong 950 pesos to!
''Oh!'' Napa-tingin ako kay Joshua habang naka-tapat yung chopsticks na may Grilled beef sakin.
"Kainin mo na! Nangangawit ako." inis nyang sabi kaya sinubo ko nalang yun. Buong dinner, sinusubuan niya ako na parang bata. Pag sinabi kong ako na, nagagalit siya. After kumain, nag-abot lang sya ng credit card sa waiter at hinila na ko palabas pagka-balik nun.
"T-Thanks sa d-dinner." mahina kong sabi nung nasa tapat na kami ng kotse nya. Ngumiti naman sya at ginulo yung buhok ko.
T-Teka? Ngumiti siya? Kinurot ko yung pisngi ko baka nananaginip lang ako.
''A-aray'' masaket!
"What are you doing?" kunot noo nyang tanong.
"D-Did you j-just smiled?"
"Of course! I'm a human! Stupid!"
Nauna na syang sumakay kaya sumakay nalang din ako. Minsan talaga hindi ko ma-gets ang utak neto ni Joshua eh! Masungit, babait, magiging sweet, abnormal lang?
✘✘✘✘✘
''Hey wake up!''
I gently opened my eyes. Nasa kotse padin ako at nasa harap ko si Joshua. Naka-tulog pala ako?
''We're here'' sabi nya at inalalayan ako bumaba.
''S-salamat'' tipid kong sabi. Ngumiti lang sya habang naka-pamulsa. Tumalikod na ko at bubuksan na sana yung gate..
''Uhm Steff?''
''B-Bakit?''
Nagulat nalang ako nang hilahin niya yung kamay ko at ..
NIYAKAP AKO.
TO BE CONTINUED