Kabanata 3

3126 Words
Napaluha si Gabriela. Tinotoo nga ni Lucas ang sinabi nito. May isang Judge na siyang magkakasal sa kanila. Sina Mrs. Levi at Mr. Mike Montenegro kasama ang bunsong anak na si Rebecca. At ang kanyang mga magulang ang nagsisilbing witness sa kasalang iyon. Sa ospital mismo sila ikinasal. Samantalang si Celina ay nasa labas lang ng kwarto ni Gabriela, natatakot siyang makita siya ni Lucas. Baka heto na naman ang maging umpisa nang kanilang hindi pagkakasunduan. Baka isipin na naman nitong manggugulo siya. Wala siyang naramdaman na sakit sa kasalang naganap. Ang alam lang niya, nasasaktan siya sa nakikitang paghihirap ni Gabriela. Hilam sa luha ang mga mata ni Celina. Bakit ba ang dali niyang maapektuhan sa mga pangyayaring ganito? "Ma, is it true na mamamatay na si Ate Gabby?" mahinang bulong ng sampung taong gulang na si Rebecca kay Levi. "Quiet, Becca," sita ni Levi sa anak.Agad namang tumikom ang bibig ng batang babae. "I now pronounce you husband and wife," nakangiting turan ng Judge. Lumuluhang hinagkan ni Lucas si Gabriela. Si Gabriela man ay napangiti. Napuno ng galak ang kanyang puso dahil sa wakas naikasal siya sa taong tunay niyang iniibig. "I... love...you...," mahinang tugon niya sa binata. "I love you too...," sagot ni Lucas at hinagkan ang noo ng dalaga saka ito pumikit. At ang silid na iyon ay napuno nang iyakan, hinagpis sa pagkamatay ng dalaga. LUMIPAS ang ilang buwan ay hinihiling ni Celina na sana maging okay na si Lucas. Kasalukuyan siyang nakatulala sa sariling computer. Pagkatapos nang kasal ng dalawa ay doon din nalagutan nang hininga si Gabriela at namatay. 'Di ba ang saklap ng love story ng dalawa? Tila may kumurot sa puso ni Celina. Lahat ng mga meetings, mga tawag at lahat ng mga client ay siya ang naging presentative ni Lucas. Mahirap pero kakayanin niya. Mabuti na lang at pinalitan saglit ni Isaac si Lucas bilang acting CEO ng Montenegro Industries. At pansin niyang magaling din si Isaac sa pagpapatakbo ng kompanya. Hindi na magtataka si Celina. Nanalaytay sa mga Montenegro ang pagka-negosyante ng mga ito. Papauwi na sana si Celina galing sa trabaho nang imbitahan siya nina Diane at Leny na mag-bar-hopping. Since, mahilig siya sa bar-hopping pinaunlakan niya ang paanyaya ng kanyang ka-employees. Kapwa na-assign ang dalawa sa Finance Department. Accountant Assistant si Diane samantalang si Leny nama'y Bank Cashierl/Clerk. Kotse ni Diane ang kanilang ginamit, may kotse naman siya na galing mismo sa kompanya, kaya lang minsan lang niya itong ginagamit. Palibahasa'y malapit lang ang apartment niya sa Montenegro building. Pagtapak pa lang nila ng bar mula sa entrance nakakabingi na ang malakas na tunog ng wild music. This is not just an ordinary bar. Montenegro Luxurious Bar, kung saan si Israel Montenegro ang nagpapatakbo nito ngayon, ang alam ni Celina ay marami na rin ang branch nang naturang bar, minsan na niyang nakita ang binata. Gwapo ito at may pagka-suplado, sa unang-tingin pa lang alam mo nang Montenegro dahil hindi nagkakalayo ang mga tindig at tikas ng mga ito, kahit sinong babae ay manginginsay sa kilig dahil sa taglay nitong kakisigan at sa mala-adonis nitong katawan. Pero para sa kanya, wala pa ring makakapantay kay Lucas. Halatang naging successful ang pagpapatakbo nito ni Israel, she could say, if a bar is properly stocked and prepared for its busiest period, everyone benefits: staff, customers, and management. Everyone stays happy, maybe the customers spend more, and this bar makes more profit. A successful bar will not crumble under pressure. Napili ni Diane ang nasa gitnang mesa, nag-order si Diane ng Martini. Napaisip si Celina, ang alam niya Martini is one of the best upscale drinks, specially when you want to impress. You can drink it as it is without shaking or stirring it. Napangiti siya. Thanks to Diane for inviting her, matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapag-bar-hopping. Inaya siya nina Diane at Leny na mag-sayaw pero tumanggi siya sa mga ito, wala pa siya sa mood, iginala niya ang tingin sa kabuuan ng malawak na bar. Nang magtama ang mga mata nila ni Lucas. Halos tumigil ang mundo ni Celina, hindi niya alam kung galit ang nakikita niya sa mga mata nito, pansin niyang nakainom na rin ito, saka niya napansin ang kapatid nitong si Israel na kasama pala nito. Napalunok siya. Bakit ba siya biglang kinabahan? Ano naman ngayon kung nasa bar siya? Pero aaminin niya sa sarili, namiss na niyang makita ang binata. Lihim na nakaramdam nang tuwa ang kanyang puso nang makita itong muli. Mula kase no'ng mamatay ang girlfriend nitong si Gabriela'y hindi pa ito nagpapakita sa Montenegro building. Si Isaac lang ang kanyang nakikita roon. Inisang lagok ni Celina ang kopita ng kanyang Martini. Ramdam niya ang hindi maipaliwanag na damdamin. Nang muli siyang mapasulyap sa gawi ni Lucas, napansin niyang wala na sa tabi nito si Israel, lihim na napamura si Celina nang may lumapit kay Lucas na isang babae, matangkad, maputi, maganda at sexy. Napahigpit ang hawak niya sa kanyang kopita. Sa inis niya'y tumayo siya at nilapitan ang mesa ng binata. Pero bago pa siya makarating sa mesa ni Lucas, hinarang siya ng isang matangkad at mestisuhing lalaki. "Hi, I'm Cedric Tan, wanna dance with me?" nakangising paanyaya nito sa kanya. Napaatras si Celina. Itinaas niya ang dalawang kamay at tinanggihan ang binata. Ngumiti na lamang ito at hindi na nangulit pa sa kanya, na ipinagpasalamat naman niya. Lahat ng lalaki sa bar ay napapasipol kay Celina. Pinukol naman siya nang nakakamatay na tingin ng mga kasamahang babae ng mga ito. Tumaas ang sulok ng kanyang labi saka napapailing. Muli'y bumangon ang inis niya nang makitang kunti nalang maghahalikan na ang dalawa. Paglapit ni Celina sa mesa ni Lucas ay pasimpleng tinabig niya ang kopitang may lamang alak at natapon iyon dahilan para magulat ang naturang babae. Mabilis na tumayo ito at napangiwi ng mabasa ng alak ang damit nito. "F-ck! bulag ka ba?!" inis na turan ng babae kay Celina. "Oh, I'm sorry, I'm Celina, and by the way, ihahatid ko na ang boss ko," turan ni Celina sa babaeng inis na inis sa kanya, pinukol siya nito nang matalim na tingin, at inis na iniwan nito si Lucas. Umupo si Celina sa couch at kinuha ang kaliwang kamay ni Lucas. Inilagay niya ito sa kanyang balikat at inalalayan itong makatayo. Kailangan niyang mailayo ang binata sa lugar na ito, paano nalang kung pikutin ito ng sinumang babae. She can't allowed that. No way! Siya lang ang gagawa no'n pero mukhang malabo. "I can handle myself!" inis na tulak ni Lucas kay Celina. Mabuti na lang at sa couch siya napaupo. Sa inis ni Celina ay hinarap niya ang binata. "Wow, ikaw pa nga ang tinulungan, ikaw pa ngayon ang galit? Hindi ka naman siguro manhid, at sa tingin mo ba nakakatulong sa iyo ang paglalasing? Did you think maiibsan ng alak ang mga nararamdaman mong bigat sa kalooban? That's impossible! E, sinisira mo lang ang sarili mo diyan, e," palatak ni Celina kay Lucas. Iginala ni Celina ang tingin sa paligid, mabuti na lang at hindi sila takaw sa pansin. Inayos niya ang kanyang damit at taas-noong nakipagtagisan nang titig sa binata. "And why do you care?" sarkastikong saad ni Lucas sa kanya at muli itong naupo sa couch na naroon at mabilis na kinuha ang isang bottle ng alak at uminom niyon. "Do I need to answer that question? Huwag kang manhid, alam mo na ang sagot sa tanong mong 'yan," walang-gatol na sagot ni Celina sa binata. Nagulat si Celina nang bigla siyang hilahin ni Lucas palapit sa matipuno nitong dibdib. Napaawang ang kanyang mga labi habang nakatitig sa mapupungay na mga mata ng binata, halatang lasing na ang binata, saka ito ngumiti na naging dahilan para ang kanyang mundo'y tumigil sa pag-ikot. s**t! Mabuti nalang at matibay ang garter ng kanyang black-lace panty. First time niyang makita ang mga ngiting iyon ng binata. Napaigtad si Celina nang maramdaman ang isang kamay ng binata sa kanyang hita. Damn it! Hawak pa lang 'yan parang mababaliw na siya, paano pa kaya kung mas higit pa. Pigil ang hininga ni Celina nang bumaba ang titig ni Lucas sa kanyang mga labi. Napapikit siya nang pisilin nito ang kanyang hita. Amoy niya ang mabangong hininga ng binata na tila pinaghalong mint at gin. "Back off Celina, you can't seduce me!" mahinang bulong ni Lucas at saka siya nito itinulak ng marahas. Nagulat siya sa ginawa nito. Naikuyom niya ang kanyang dalawang kamao. Talaga lang ha! Sa inis ni Celina sa binata ay iniwan niya ito. Tinungo niya ang dance floor. Halos lahat ng lalaki'y binigyan siya ng daan. Dahil sa inis at galit na nararamdaman niya'y idinaan niya sa sayaw ang inis. Pumagitna siya at inumpisahang iginiling ang maliit na bewang. Sigawan at sipulan ang nangyayari sa gitna. Dahil sa inis ng ibang babae'y nakipag-showdown pa ito kay Celina. Pinaunlakan naman agad iyon ng dalaga. Pero nanalo pa rin sa Celina sa labanang iyon lalo na nang sumayaw siya ng dirty dance. Napalunok si Lucas nang makita kung paano sumayaw si Celina. F-ck! Ramdam niya ang pagwawala ng kanyang alaga. Damn it! Ngunit naalarma siya nang may lumapit na isang lalaki kay Celina at nakipag-partner naman rito ang dalaga. Sa inis ni Lucas ay napatayo siya at tinungo ang dance floor. Akmang hahawakan na sana ni Celina ang abs ng kapartner nang may biglang humila sa kanya. Halos mabali ang isang kamay niya sa walang-modong humila sa kanya. Napangiwi siya. Damn it! Mapapatay niya ang bwesit na ito. Ngunit nagulat siya nang magtagpo ang mga titig nila ni Lucas. Ngunit agad rin siyang nakahuma. Ngumiti siya rito nang pilya. Seryoso ang mukha ng binata. Ngunit hindi nagpatinag ang dalaga. Kung ang ibang babae'y takot sa awra nito, ibahin ni Lucas ang katulad niya dahil hindi siya gano'n. Aminado siyang takot siya, oo, pero never niya itong ipapakita sa isang Lucas Montenegro. Siya pa rin naman ang dalagang babae noon na habol nang habol para lang mapansin ng lalaking minamahal, na nanatiling nakangiti at lumalaban 'pag siya'y nasa katwiran. "Bakit Lucas? Nagseselos ka ba?" diretsang tanong ni Celina sa binata. Ikinawit niya ang dalawang braso sa batok ng binata at pinakatitigan ito sa mga mata. Sa totoo lang para siyang napapaso sa mga titig nito pero kailangan niyang maging cool sa harapan ng binata. Ramdam nga niya ang tila panlalambot ng kanyang tuhod. "What do you think?" balik-tanong nito sa kanya. Tila gusto nang himatayin ni Celina sa narinig. Pero kailangan niyang sabayan si Lucas baka naman sinakyan lang nito ang trip niya. Halos magwala ang puso ni Celina nang maramdaman ang dalawang braso ng binata na nakapulupot sa kanyang bewang. Tila ba sinasabing teritoryo nito iyon at walang pwedeng gumalaw. "Aba! Malay ko sa'yo, ako ba ikaw? How pathetic," sarkastikong sagot ni Celina sa binata. Akala talaga ni Celina lasing si Lucas, nakainom lang pala ito. "And why should I get jelous? Did you think I have the right to feel that kind of thing? Come on, Celina. Don't assume to much," sarkastikong turan ng binata sa kanya. "Oh really? Then, ano'ng tawag mo sa reaction mong iyon? Wala lang? Ba't kase hindi mo nalang aminin na attracted ka sa'kin, ano bang ayaw mo sa'kin? Handa ko namang baguhin iyon para sa'yo," matapang na saad ni Celina. "Really? And how did you know that I'm attracted to you? Porke gano'n ang ikinikilos ko, nagseselos na agad at attracted na sa iyo? It's that how you define love?" taas kilay na tanong ni Lucas kay Celina. "Speaking of love, alam mong matagal na kitang mahal, pero binalewala mo lang ang pagmamahal na iyon, ang lagi mong nakikita sa'kin ay puro kamalian at kapintasan," diretsang tugon ni Celina sa binatang hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa kanya. "Dahil 'yon ang ipinapakita mo sa'kin, to tell you frankly, ang babaeng tipo ko ay iyong katulad...... ni Gabriela....," saad ni Lucas, biglang lumungkot ang anyo nito. Nagulat si Celina nang bigla siyang bitawan ni Lucas at nilisan ang bar. Nasundan na lamang niya nang tingin ang papalayong si Lucas. Paano nga ba niya mapapalitan si Gabriela sa puso nito? Gusto niyang maipanalo ang sarili kay Lucas. Pati ba naman patay ay magiging karibal pa n'ya? "Hey, let's continue our dirty dance move," nagulat si Celina sa biglaang paglapit sa kanya ng kanyang ka-partner. Napasulyap siya dito, at saka umiling. "I'm sorry, but I have to go," sagot niya dito at nagmamadali siyang umalis roon, nagbakasakali siyang maabutan pa niya si Lucas. Ngunit nang makalabas na siya ng bar, wala na siyang makita ni anino nito. Pumara na lamang siya ng taxi at mas minabuti niyang umuwi na lang. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagtext siya kay Diane na nauna na siyang umuwi. Nagpakawala ng marahas na buntong-hininga si Celina. TAMBAK SI Celina sa trabaho. Halos nakalimutan na nga niyang mananghalian. Mabuti nalang at nilapitan siya ni Leny. "Ano 'yan overtime? Lunchbreak na, a," ani nito sa kanya. Saka napasulyap si Celina sa kanyang wristwatch. "Hindi ko napansin ang orasan, mabuti nalang at nilapitan mo 'ko," sagot niya at saka nagmamadaling in-shutdown ang sariling computer. "Sabay na tayo, nauna na si Diane sa canteen," paanyaya sa kanya nito, nakangiting sumunod lang siya dito. Nang makarating sila ng canteen agad silang pumila. Mabuti na lang at hindi mahaba ang pila, lihim namang nagpasalamat si Celina. At saka nila tinungo ang mesang kinaroroonan ni Diane. Ngumiti ito nang makita sila. "Ikaw ha, hindi mo naman sinabing nililigawan ka pala ni sir Lucas, alam mo bang kalat ngayon iyon dito?" nakangiting chika agad sa kanya ni Diane. Napakunot ang noo ni Celina, kaya pala pagpasok niya kaninang umaga sa unang entrance palang ng Montenegro Industries ay ibang-iba ang tingin na ipinupukol ng mga ka-employees niya. Lalo na ng mga babae, ang iba'y umiirap at tinaasan pa nga siya ng kilay, ang iba nama'y sinuyod siya nang tingin mula ulo hanggang paa. "Sige na, Celina, ikwento mo na sa'min, alam mo, bagay na bagay kayo ni sir Lucas, sabagay, ang ganda mo kaya," tila kinikilig na tugon ni Leny sa kanya. "Magsitigil nga kayo, alam niyo,  walang katuturan ang chismis na 'yan, at sino namang nagpakalat ng chismis na 'yan?" palatak niya sabay subo ng kanin. "Luka ka ba, ang sweet niyo kaya sa bar kahapon, hello..., halos lahat ng mga employees nandoon kahapon, hindi mo ba alam?" muli'y palatak ni Leny. "Paano ko malalaman? Kilala ko ba lahat ng employees sa malaking building ng Montenegro, e, ke-bago-bago ko pa dito," ani niya at saka uminom ng tubig. "Oo nga pala, pero iyon ang usap-usapan ngayon dito, e," napangiwi si Diane kay Celina. Bigla namang naalarma si Celina sa ikinikilos nito. Don't tell me magagalit si Lucas sa chismis na kumakalat. Damn! Kailangan niyang malaman kung sino'ng nagpakalat nang chismis. Lagot siya kay Lucas 'pag nalaman nito iyon, speaking of Lucas, pumasok kaya ito? Makalipas ang isang oras at kalahati ay bumalik na rin sila sa kani-kanilang departamento. Naiilang si Celina sa mga titig ng mga ka-empleyado niya. Tila ba sinasabi ng mga titig ng mga ito ang sama niyang babae. Ipinilig na lamang niya ang kanyang ulo at dumiretso sa kanyang mesa. Tumunog ang intercom, napangiti siya habang hinihintay ang ma-kwelang boses ni Isaac, panigurado siyang magpapatimpla na naman ito ng kape. Natatawa siya rito dahil mahilig itong mang-asar. Ngunit kasabay ng pagkabog ng kanyang dibdib nang biglan niyang marinig ang isang baritonong boses. What the f-ck! Hindi na niya pwedeng hulaan iyon. Boses iyon ni Lucas. "Ms. Vergara, in my office," maawtoridad na utos ni Lucas. Napalunok si Celina. Abut-abot ang kaba niya. Panigurado siyang tatanungin siya nito patungkol sa chismis na kumakalat. Inayos niya muna ang kanyang uniform, at nag-retouch. Saka siya pumasok sa opisina ni Lucas. "Yes sir," pormal na wika ni Celina sa binatang nakaupo sa sarili nitong swivel chair. "Do I have an appointment today?" simpleng tanong nito sa kanya. "For now, wala po. Pero may dadalhin akong mga papeles mamaya dito para  sa pirma ninyo," magalang niyang sagot sa binata. Pero ang totoo, nanlalambot na talaga ang kanyang mga tuhod. Nakakalusaw naman kase kung tumitig ang lalaking 'to, pansin niyang napapasulyap ito sa kanyang dibdib at sa bilugan niyang long legs,  kasalanan rin niya, halos lumuwa na ang dibdib niya sa suot niyang uniform, at ang mini-skirt niya ay sobrang iksi, kulang nalang 'pag tumuwad siya'y makikita na ang kanyang katotohanan. "I just want to remind you na hindi club ang Montenegro building para magsuot ka nang ganyang kaiksing mini-skirt at halos ipakita mo na iyang dibdib mo," halata sa anyo ng binata ang pinipigilang galit. Hindi pa rin siya nilulubayan ng mga titig ni Lucas. "And sir, I just want to remind you also that this uniform had been issued by your company, and I think that's not my problem anymore, as long as I'm comfortable wear-" hindi na natapos pa ni Celina ang sasabihin nang magsalitang muli si Lucas. "Then, wear a decent one!" matigas na tugon nito. Nagtagpo ang kilay ng binata. Tumahimik na lamang si Celina. Pero lihim siyang napangiti nang mapansin niyang hindi matanggal-tanggal ang mga mata nito sa magandang kurba ng kanyang katawan. Lalo na ang pagtaas-baba ng adams apple nito na idinadaan na lamang nito sa galit which is so obvious. Tingnan lang natin kung hindi ka maakit sa alindog kong taglay, diyosa yata ito. Hump! Wala naman siyang nakikitang mali sa kanyang suot. Kung meron man ay dahil sa sadyang mayaman lang talaga  ang kanyang pwet, balakang, at dibdib kaya gano'n ang naging kinalalabasan ng kanyang uniform. Ang sabihin na lang nito ay nagustuhan rin nito ang nakaakit na tanawin. Every man die to touch her sexy body, si Lucas pa kaya? Alam niyang baliw na kung mag-isip siya nang ganito. Pero sabi nga nila, okay lang ang mag-assume 'wag lang masobrahan. Ipinilig na lamang ni Celina ang kanyang ulo. "Okay sir," sagot niya. "You may go out," utos nito. Paglabas ni Celina sa opisinang iyon, mabilis ang kilos ni Lucas at ini-lock agad ang sariling pinto at tinungo ang banyo. Damn it! Nagwawala ang alaga niya at binubuhay ng babaeng 'yon ang apoy na natutulog. He had no choice but do the same thing. The masturbate process. F-ck! Itinapat niya ang ang malamig na shower sa kanyang ulo. Pumikit siya at muling naalala niya ang nangyari sa kanila sa Limo. Bullsh-t! At naalala niya ang araw no'ng highschool pa lamang sila ni Celina. "Mahuhulog ka rin sa'kin Mr. Montenegro," ani ni Celina sa prom night na idinaos. "I will never ever like you b***h!" asik niya rito at saka ito itinulak nang malakas ang dalaga. Mabuti nalang at walang tao sa lugar na pinangyarihan nang pangyayaring iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD