"Malakas ba ang sapak mo sa ulo at nasasabi mo 'yan, Gabe? Epekto ba iyan ng halik ko?" "Paano kung sabihin ko sayong, Oo? Epekto ito ng halik mo sa akin kanina. Sa palagay mo ba Savannah anong gagawin mo?" Dahan-dahan pang nagtungo sa akin si Gabe. Seryoso ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Ang mga mata niya na nagbigay ng matinding kilabot sa akin dahil ni minsan ay hindi ako tinignan ni Gabe ng ganto. Kinabahan pa ako ng sobra ng maramdaman ang pader sa likuran ko. "G-Gabe, hindi ako natutuwa sayo sa totoo lang." "Nang halikan mo ba ako ay kinatuwa ko? Hindi diba? Bakit nagrereklamo ka ngayon? Gusto ko lang sabihin sayo na kinuha mo ang first kiss ko." Ang kaninang kinakabahan kong dibdib kanina ay nawala na parang bula. Hindi ko napigilan na masapak si Gabe kaya naman n

