Isang linggo na ang lumipas simula ng maging maayos ang lagay ni Hendrix. Nakauwi na rin kami sa mansion. Pero mas lalong naghigpit sina Gabe sa mansion. Wala na silang basta-basta pinapapasok dahil narin sa sunod-sunod na pagbabanta. Para na rin maiwasan ang mga bombang sinubukan ipuslit sa loob ng mansion. Simula din ng huling pagkikita namin ni Hendrix ay hindi na rin kami muling nag-usap. Ngayon nakatayo ako sa banyo sa harapan ng malaking salamin. Nakatitig sa tatlong maliit na bote ng gamot ko. Ito ang mga gamot na kailangan kong inumin upang hindi na daw bumalik ang sakit ko. Subalit ang pagdududa ko sa mga gamot na ito ay malakas. May gusto akong makumpirma pero kailangan ko munang makaalis ng mansion. Kailangan kong makabalik sa apartment ko dahil alam ko na hindi ko pa tina

