Pagkatapos ng dinner naming lahat nagpaalam na si Gabe na magpapahinga dahil ilang araw na raw siyang gising. Hindi ko naman inalam ang wherebouts ni Hendrix basta na lang akong umalis at iniwan siya sa dining table. Kahit ayoko manatili rito ay mukhang wala na akong magagawa dahil ngaon lamang ay nagtext sa akin ng banko at ang sabi ay sinara na nila ang bank account ko. Ang huling pera na meron ako ay ang natitirang sampung libo ko sa wallet na naisantabi ko noon. Hindi ako mabubuhay sa sampung libo sa hirap ng paghahanap ng trabaho ngayon baka isang araw lang tatagal ang perang iyon. Miski ang condo ko ay hindi na pala sa akin dahil naisangla na ito ni papa. Wala na pala talaga akong uuwian. Dahil sa pagod na nararamdman umakyat na ako sa itaas kung saan ang silid ko pero hindi pa ako

